Part 2. Chris Tiu on marrying longtime girlfriend: “We’ll play it by ear. Pero sa ngayon, wala munang immediate plan.”

Eleven years na ang relasyon ng basketball player-TV host na si Chris Tiu sa kanyang girlfriend na si Clarisse Ong. Sa katunayan, si Clarisse pa lang ang kanyang naging kasintahan sa buong buhay niya.


Hindi na lihim sa karamihan na may long-time girlfriend basketball player at TV host na si Chris Tiu—ang investment banker na si Clarisse Ong.

Eleven years na silang magkarelasyon. Ito ay mula pa noong third year high school si Chris.

Sa mga planong nabanggit ni Chris sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa contract signing niya bilang AKTV ambassador, kahapon, July 25, tila hindi pa kasama rito ang pagpapakasal.

Pero paglilinaw ng 27-year-old athlete, “Siyempre, may plano ka in the next two years siguro, pero wala pang timetable talaga.

“We’ll play it by ear. Pero sa ngayon, wala munang immediate plan.”

Hindi ba niya nararamdaman na baka naman naiinip na rin ang girlfriend niya na mag-propose siya rito?

“Ang dami rin niyang plano, e. Very career-oriented din siya,” nakangiting sabi niya.

Aware din daw si Chris sa risks ng long-term relationship.

“May mga kaibigan ako, ten years na, tapos biglang break, nagpakasal na sa iba. Biglaan.

“Siyempre, naiisip ko rin yung ganoon. But I think, malalaman mo naman kung panahon na.

“Kung talagang para sa isa’t isa kayo, mangyayari naman yun.

“But you’ll never know, minsan kahit 20 years nang mag-asawa, naghihiwalay pa.”

LOYAL BOYFRIEND. Napakaraming traits ni Chris na masasabing kahanga-hanga. Bukod sa pag-e-excel nito sa sports at business, nag-excel din siya noon bilang estudyante.

Pagdating naman sa pakikipagrelasyon, bukod-tanging si Clarisse pa lang ang naging girlfriend niya.

At sa tagal na ng relasyon nila, hindi pa raw nangyari na nagkaroon ng iba si Chris o sinubukan niyang manligaw ng iba.

Hindi ba natukso si Chris kahit minsan, lalo na’t pawang magagandang babae ang nakakasalamuha niya sa showbiz?

Sagot niya, “Alam naman nila na kapag loyal and committed ka, siyempre ano naman sila, hindi naman sila yung mang-aagaw pa o susubukan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Depende naman kasi sa lalaki kung anong vibes ang ibinibigay mo sa mga babae, di ba?

“Kung ’pinalabas mo na medyo ano ka rin, maluwag, baka may ganoong temptation.”

Sa loob daw ng 11 years nila ni Clarisse ay may panahong nag-cool-off sila.

Gayunpaman, nanatili pa rin daw ang pagiging faithful boyfriend niya rito.

Kahit ba minsan ay hindi nila naisipang mag-live-in?

“Bawal yun!” mabilis niyang sagot.

Pareho raw religious at very traditional ang mga pamilya nila ng kasintahan.

“Yung values namin, very strong talaga, no-no talaga yun,” sabi ni Chris.

PERFECT? Sa halos lahat na yata ng aspeto ay masasabing isang tunay na role model si Chris.

Wala rin siyang bisyo. Kung uminom man daw siya ay occasional lang.

Hindi pa rin daw siya napapasabak sa anumang gulo.

Malaking bagay raw yung naging pagpapalaki sa kanila ng magulang niya.

“Yung parents ko talaga. Nakita ko kasi yung relationship ng parents ko, solid talaga. Yung pagmamahal nila, all the way.

“Kaya nga minsan, may mga friends ako na medyo nagkakaroon ng problema sa relationship o sa pagkatao nila, dahil separated yung parents nila. Minsan, walang father figure.

“Kami, sobrang suwerte namin talaga na very close, very religious. We’re praying together, rosary, we go to church together.

“At ang upbringing, nakatutok talaga sila.”

May mga nagsasabi ngang tila perpektong tao si Chris dahil sa magagandang katangian niyang ito.

Pero pagsalungat niya: “Hindi naman tayo perfect talaga.”

Ano ang imperfection niya?

“Siguro yung sobrang career-oriented ako, kung minsan, nane-neglect ko yung oras ko with family, friends.

“Imperfection yun,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN