Dolphy’s children celebrate Comedy King’s 84th birthday with dinner hosted by Willie Revillame

Nagtipun-tipon ang mga anak ni Dolphy kagabi, July 25, sa party na inihanda ni Willie Revillame (nakatayo sa dulo, kanan) upang ipagdiwang ang 84th birthday ng namayapang Comedy King. Ilan sa mga dumalo ay sina Eric, Rolly, Vandolph, Dino, at Ronnie Quizon.


Hindi nakadalo si Zsa Zsa Padilla at ang anak nitong si Zia Quizon sa party na inihanda ni Willie Revillame para sa kaarawan ni Dolphy kagabi, July 25, sa kanyang Wil’s Place sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Kahapon sana ang 84th birthday ng Comedy King, na yumao noong July 10.

Kahit sa Heritage Memorial Park and Crematorium, kung saan inabangan din siya ng media, ay hindi rin nakasipot si Zsa Zsa. May sakit daw ito.

Kuwento ni Eric Quizon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), namamanhid ang kaliwang binti ni Zsa Zsa at nagka-cramps daw ang tiyan nito.

Si Zia naman ay nagkaroon ng flu pagkatapos ng family outing nila sa Laguna.

Bago ang dinner na inihanda ni Willie, nagkaroon muna ng Misa na dinaluhan ng mga anak ng Comedy King, sa pangunguna nina Eric Quizon, Vandolph, Epi, Rolly, at Nicole.

Dumalo rin ang ilang malalapit na kaibigan ng pamilya, gaya ng talent managers na sina Dolor Guevarra, June Torrejon, at Lolit Solis, ang entertainment editor na si Ricky Lo, at si Manay Ichu Maceda.

Natuwa ang mga anak ng Comedy King dahil alam daw nilang masaya ang kanilang ama sa pag-alala sa kanyang kaarawan, lalo na’t maraming pagkaing inihanda.

Bale iyon daw kasi ang bonding nilang mag-anak noong nabubuhay pa si Dolphy—ang kumain nang kumain.

ERIC QUIZON. Isa nga raw ito sa nami-miss ni Eric dahil madalas niyang nakakasama ang kanyang ama sa kainan, gaya ng lunch, dinner, at kahit merienda.

“Anything that reminds me of him, naaalala ko siya.

“Like I said, pag kumakain kami, that’s our bonding moment, e.

“So, pagka kumakain, bigla ko siyang naaalala. Yung mga paborito niyang pagkain.

“Yung kapag nakikita ko ang mukha niya pag kumakain siya, yung mga ganung moments,” pahayag ni Eric.

Pati sa panaginip ay pagkain pa rin daw ang alaala niya sa kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang kuwento ni Eric, “Couple of days ago, napanaginipan ko siya. Sinabi niya sa akin, ’Kumain ka na ba?’

“Pagkain talaga yung bonding naming magkakapatid, e. Kumbaga, there’s always eating involved.

“Yung Daddy ko kasi, parating tinatanong, hindi lang sa akin, sa maraming tao, sa lahat, maski sa mga driver, sa mga alalay niya, sa mga taong sumusuporta sa kanya, lahat yun, parati niyang tanong: ‘Kumain na ba kayo? Hindi pa ba kayo kumakain?’

“Iba-iba lang ang tono, pero iisa lang ang sinasabi niya—na kailangan busog lahat.”

NICOLE. Kahit si Nicole, ang adopted daughter ng Comedy King at ni Zsa Zsa, pagkain din ang isa sa mga alaala niya sa ama, lalo na’t kaarawan na ni Dolphy.

“I guess it’s his birthday, I miss the fact na kakain kami sa labas for his birthday, kasi mahilig siya kumain.

“Yun ang nami-miss namin na may salu-salo sa house,” malungkot na pahayag ni Nicole.

Kung present nga raw ang ama sa birthday party na iyon, gusto raw niyang sabihin dito: “I love you, Papa.”

Dagdag ni Nicole, “At least ang lahat na gusto niyang kainin, puwede na niyang kainin. Wala nang bawal! Enjoy na lang muna siya.”

VANDOLPH. Si Vandolph, na naging dependent sa ama, ang isa sa pinaka-apektado sa pagyao ni Dolphy.

Kaya madalas na kinukumusta raw siya ng inang si Alma Moreno para matiyak na okay ito.

Sabi ni Vandolph sa PEP, “Oo, laging tumatawag sa akin, kinukumusta ako.

“Ang nanay ko, napaka-supportive sa akin. Kung nakakausap ko siya, parang nakausap ko na rin tatay ko.

“I’m calling my brothers, my Kuya Eric, para hindi ako malungkot nang sobra.”

STILL GRIEVING. Aminado si Eric na mahirap pa rin sa kanilang magkakapatid na i-handle ang pagdadalamhati.

Pero ang maganda lang ay nandiyan daw silang magkakapatid na nagsasama-sama, at lalo silang naging malapit sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng actor-director, “You know what, I never doubted naman the fact na naging magkaisa kami. Because we have our common denominator—and that’s my Dad.

“Kumbaga, yung Daddy namin kasi, pag nag-aaway kasi kaming magkapatid…

“Kunwari kami ni Ronnie mag-aaway kami, yung daddy namin mismo ang nagpapabati sa aming dalawa.

“So, meron siyang ganun.

“I think that’s his calling in life, yung mga nag-aaway, pinagbabati niya. Yung mga nagkakahiwalay, pinagsasama niya.

“Siya lang siguro ang nahiwalay na hindi nakipagbalikan,” natatawa niyang biro tungkol sa maraming relasyon noon ng ama.

Dagdag na pahayag naman ni Vandolph, “Natutunan naming magkakapatid ang maging buo, dahil all of us represent Dolphy na.

“Lahat kami magkakapatid ang magtutulungan para matuloy yung legacy na sinimulan niya para hindi natin siya makalimutan.”

40TH DAY. Pinag-uusapan na rin daw ni Eric, ng mga kapatid niya, at ng malalapit na kaibigan ang gagawin nila sa 40th day ng kamatayan ni Dolphy.

Ito ay nakatakda sa August 18.

Pagbabalita ni Eric, “Meron talaga kaming plano on the 40th day.

“I’m working on something para magkaroon ng isang tribute sa kanya, para sa kanyang ginawang trabaho sa industriyang ito.

“Don’t worry, we will keep you posted. Right now, I don’t wanna divulge information muna.

“Kumbaga, parang pinaplano pa namin.

“But definitely, sana kagaya nung nangyari nung mga nakaraang linggo na ano din siya…

“Kumbaga, I want solidarity. I want unity.

"Na baka sakaling magkakatrabaho uli yung mga malalaking networks together, parang isang ganung okasyon.

“And I’m sure, yun din ang gusto ng daddy ko, para maipagpatuloy namin yung legacy ng daddy.

“We will announce it once we have something concrete.”

DOLPHY FILM FESTIVAL. Simula naman bukas, July 27, ay magkakaroon ng Dolphy Film Festival na gagawin sa Ayala Cinemas.

Kasama rito ang Glorietta 4, Trinoma, at Market Market.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga pelikula ng Comedy King na mapapanood doon ay Markova, Facifica Falayfay, Omeng Satanasia, at John en Marsha sa Amerika.

Binuksan na rin kahapon, July 25, ang exhibit ng mga memorabilia ni Dolphy sa Trinoma at Glorietta 4.

Kaya malaki ang pasasalamat ng mga anak ng Comedy King sa patuloy na pagbigay-pugay sa kanilang ama.

Sabi ni Nicole, “Gusto ko lang pong pasalamatan ang lahat ng tao na patuloy na nagdarasal para sa Papa ko.

“Yung mga tribute, yung mga festival, yung patuloy na nagpapalabas ng movie niya sa ibang TV network, at least yung mga batang hindi pa nakakapanood ng movie niya, mapapanood na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN