Epy Quizon: “I don’t think anyone can be the next Dolphy.”

Epy Quizon is willing to play the role of his father if a movie will be made about the life of the late Comedy King. However, he warns the public, “Don’t expect me to become the next Dolphy.”


Noon pa man ay marami na ang nagsasabi na si Epy Quizon ang pinaka-kamukha ng kanyang ama, ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

Kaya naman kung magkakaroon daw ng pelikula tungkol sa buhay ng batikang komedyante, hindi malayong mapili si Epy na gumanap bilang si Dolphy.

Hindi naman daw ito problema sa ika-apat na anak ni Dolphy sa isa niyang partner, ang dating aktres na si Baby Smith o mas kilala bilang Pamela Ponti.

Pero nababahala raw si Epy na maaaring husgahan siya ng mga tao.

“Well, there have been talks about his film bio, play, musicals featuring him. Some people have approached me if I can do it,” sabi ni Epy nang makapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang press sa red-carpet premiere ng Benchingko Films ng Bench.

Ito ay ginanap sa Center Stage cinema ng SM Mall of Asia kagabi, July 27.

Patuloy ni Epy, “Ang sa akin, if they ever use me as an actor, I cannot promise that I can give or fulfill… Don’t expect me to become the next Dolphy.

“I’m not gonna be the next Dolphy, trust me.

“Hindi ako ang magiging susunod na Dolphy.

"I don’t think anyone can be the next Dolphy.

“If you’re gonna ask me if I’m gonna fill in his shoes, no, I won’t. I will drown just trying on the pair of shoes of my father. “

JUST SINKING IN. Hindi man mababakas sa kanyang mukha ang kalungkutan, inamin ni Epy na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang kanilang pamilya na wala na ang haligi ng kanilang tahanan.

“It’s just sinking in right now,” sabi ni Epy.

“Ngayon pa lang pumapasok talaga na wala na kaming tatay.

“Wala na ’yong commander-in-chief namin, wala na ’yong patriarch namin. He’s gone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That alone is enough fact that we’re still grieving.”

Bagamat wala na ang kanyang ama, sabi ni Epy, “Nararamdaman ko siya, e. I speak to him like he’s beside me. I know he’s here.’"

Nagbiro pa siya, “Probably he’s here. Baka sumanib to the person next to you, so ngitian mo na lang siya.”


MORE TRIBUTES AND AWARDS. Samantala, patuloy pa rin ang pasasalamat ni Epy, sampu ng kanyang mga kapatid at kamag-anak, sa patuloy na pagdating ng mga parangal para sa kanilang yumaong ama.

“He has been getting an award left and right,” natutuwang sabi ng aktor.

“That is actually overwhelming for the family.

“We are super thankful to these people who recognize his sixty-five years of entertaining the Filipinos.

“We appreciate how the Filipino people appreciated his craft, that alone is an honor to the family.”

Sayang nga lang daw at hindi na ito nakita ng kanyang ama.

Pero sabi ni Epy, “The good thing is I know that he’s still out there, he sees us giving him these awards.

“I’m sure wherever he is, he is happy and he knows these recognitions that the Filipino people are giving him.”

NATIONAL ARTIST AWARD. Sa pagpanaw ni Comedy King Dolphy, lumakas muli ang panawagan na mabigyan siya ng National Artist award.

Pero para kay Epy, “Whether they give the National Artist or not, okay na sa aming mahal ng sambayanang Pilipino ang tatay ko.

“If they’re gonna give it, we’re gonna be so honored, it’s the National Artist award.

“Kung hindi man ibibigay, okay lang din.

“Kasi, alam namin na with or without the award, minahal ng sambayanang Pilipino ang tatay ko.

“That alone is a whole meal. It’s the whole banana split. ‘Yong award, parang cherry on top na lang ‘yon, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sapat na raw ang pakikidalamhati ng mga kapwa Pilipino sa pagpanaw ng kanyang ama.

Ani Epy, “Kuntento na kami. Kumbaga, our spirit is... in a way has been lifted, because of how they prayed for the family and for my father’s eternal repose.

“That alone is an honor that the family has already. Of course, a National Artist award will add on to that honor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN