Senior stars rule in 8th Cinemalaya awards night; Diablo and Posas win Best Film in their categories

CINEMALAYA WINNERS: (From left) Iza Calzado, Directors’ Showcase Best Actress/Supporting Actress for Mga Mumunting Lihim; Ama Quiambao, New Breed Best Actress for Diablo; Eddie Garcia, Directors’ Showcase Best Actor for Bwakaw; Anita Linda, New Breed Best Supporting Actress for Sta. Niña; Joross Gamboa, New Breed Best Supporting Actor for


Kahit pa malakas ang hangin at ulan dahil sa bagyong Gener, napuno ang Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kagabi, July 29, sa awards night ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Hindi lang mga artista at filmmakers ang dumalo para tunghayan kung sino ang mananalo, kundi maging ang maraming film enthusiasts.

Ang Cinemalaya ang taunang film festival na nagpapalabas ng independent films. Nabuo ito sa pamamagitan ng pagbibigay-pondo at paggabay ng Cinemalaya Foundation.

May tatlong kategorya ang July 20-29 festival: ang Directors’ Showcase, na kinapapalooban ng 5 pelikulang idinirek ng mga beteranong direktor; ang New Breed, kung saan may 10 pelikulang idinirek ng mga baguhang direktor; at ang Short Films, na kinapapalooban ng 10 maiikling pelikula.

Isang jury ang nagdesisyon kung ano sa mga pelikula ang mabibigyan ng parangal.

Ngayong taon, ang jury ay binubuo nina National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, award-winning scriptwriter Ricky Lee, film professor Rolando Tolentino, Malaysian filmmaker U-Wei Bin Haji Saari, at Italian director Italo Spinelli.

Simple lamang ang programa ng awards night.

Walang nominasyon na ipinapakita, bagkus ay binabasa lamang ng hosts na sina Ciara Sotto at Jonathan Tadioan ang mga nanalo.

Matapos nito ay aakyat sa entablado ang nanalo para tanggapin ang isang trophy na may hugis na balanghai, o lumang barko sa kasaysayan ng mga Pilipino.

Bukod sa trophy ay nakatanggap din ang ibang mga nanalo ng cash prizes at mga high-end DSLR cameras.

Ang itinanghal na Best Films ay: Diablo para sa New Breed category, Posas sa Director’s Showcase, at Victor para sa Short Feature.

Best Director naman sina: Mes de Guzman (Diablo) para sa New Breed, Raymond Red (Kamera Obskura) para sa Directors’ Showcase, at Sheron Dayoc (As He Sleeps) para sa Short Feature.


SLIGHT MISUNDERSTANDING. Kahit na simple lamang ang programa ay bahagya pa ring nagkaroon ng kalituhan nang i-announce ang nanalo sa Best Supporting Actress para sa Directors’ Showcase category.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang basahin ng host na si Jonathan Tadioan ang mga pangalan ng ensemble cast ng Mga Mumunting Lihim, na sina Judy Ann Santos, Agot Isidro, Iza Calzado, at Janice de Belen, ay tumayo ang huradong si Bienvenido Lumbera para ipahayag ang kanyang pagtutol.

Pag-akyat ni Lumbera sa stage para i-announce ang nanalo, ang binanggit niya ay ang pangalan ni Anita Linda, na nanalo nga ng Best Supporting Actress para sa Sta. Niña, ngunit para sa New Breed category.

Nalito tuloy ang mga artistang paparangalan.

Sa cast ng Mga Mumunting Lihim, present sa venue si Iza Calzado, na humahangos na maglakad papuntang stage nang marinig ang kanyang pangalan.

Tumayo rin si Anita Linda sa kanyang upuan para lumapit sa stage.

Para ayusin ang gusot ay tumayo na rin si Ricky Lee, isa pang hurado, para ipaliwanag na sina Iza nga ang nanalo ng Best Supporting Actress at Best Actress sa Director’s Showcase category.

Ayon kay Lee, kaya siguro nagkaroon ng kalituhan ay kakaiba ang desisyon ng hurado sa kategorya at award na ito.

Napagpasyahan kasi ng mga hurado na pagsamahin ang Best Actress at Best Supporting Actress awards sa Directors’ Showcase, at ibigay nga ito sa ensemble cast ng Mga Mumunting Lihim ni Direk Jose Javier Reyes.

Expected na ang pagkapanalo ng sinuman sa apat na lead actresses ng Mga Mumunting Lihim sa Best Actress, dahil walang lead-actress role sa apat pang pelikula sa Director’s Showcase category: Bwakaw, Kalayaan, Kamera Obskura, at Posas.

Ang hindi lamang expected ay kung sino sa apat ang mag-uuwi ng parangal. Kaya kagulat-gulat ang pagbibigay ng hurado ng award sa apat, imbes na pumili lamang ng isa sa kanila.

Nang tanggapin ni Iza ang awards, sinabi nitong sana ay wala nang distinction sa pagitan ng mainstream at indie actors.

SENIOR WINS. Sa lineup ng mga nanalo sa mga acting awards ay kapansin-pansin ang pagbibigay-puri sa mga beteranong artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlo kasi sa walong acting awards ang ibinigay sa mga matatandang artista:

Directors’ Showcase Best Actor kay Eddie Garcia (Bwakaw), New Breed Best Actress kay Ama Quiambao (Diablo), at New Breed Best Supporting Actress kay Anita Linda (Sta. Nina).

Sa Bwakaw, gumanap si Eddie Garcia, 83, bilang si Rene, isang matandang bading na tanging isang aso lamang ang kasama sa buhay. Nang mataningan ng buhay ang kanyang aso, malulungkot si Rene at maghahanap ng paraan para mapagaling ito.

Sa Diablo, gumanap si Ama Quiambao, 65, bilang si Nanay Lusing, isang matandang babae na mag-isang namumuhay dahil may kanya-kanyang buhay na ang kanyang mga anak. Isang araw, makakakita siya ng isang nakakatakot na multo bago siya matulog.

Sa Sta. Nina, gumanap si Anita Linda, 88, bilang makalilimutin at mahirap nang alagaan na nanay ni Paulino (Coco Martin).

OTHER ACTING AWARDS. Si Kristoffer King ang nanalo ng Best Actor award sa New Breed category, para sa pagganap niya bilang tagapamahala ng mga pekeng lamay sa Oros, na idinirek ni Paul Sta. Ana.

Tinalo ni Kristoffer sa kategoryang ito ang ilan sa pinakasikat na male stars ng bansa—gaya nina Coco Martin (Sta. Niña), Dennis Trillo (Ang Katiwala), JM de Guzman (Intoy Syokoy ng Kalye Marino), at Dominic Roco (Ang Nawawala).

Hindi nakadalo si Kristoffer sa awards night, kaya ang direktor niya ang tumanggap sa trophy.

Napanalunan ni Art Acuña ang kanyang ikalawang Best Supporting Actor trophy sa Cinemalaya.

Kinilala siya sa Directors’ Showcase para sa magaling niyang pagganap bilang sadistang pulis sa Posas.

Si Art ay unang nanalo bilang Best Supporting Actor award noong isang taon para sa Niño, na nasa New Breed category.

Si Joross Gamboa ang nanalo ng Best Supporting Actor award sa New Breed category ngayong taon, para sa pagganap niya bilang kaibigan ni JM de Guzman sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang unang acting award ni Joross.

AUDIENCE CHOICE. Ang unang in-announce na kategorya ay ang mga nanalo ng Audience Choice Award, na napagdesisyunan mula sa mga boto ng mga publikong nanood ng bawat pelikula.

Ditoay nanalo sa Directors’ Showcase category ang Bwakaw ni Direk Jun Lana.

Sa New Breed ay nanalo ang Ang Nawawala ni direktor Marie Jamora. Tungkol ito kay Gibson (Dominic Roco), isang lalaking tumigil sa pagsasalita matapos makakita ng trahedya sa kanyang pagkabata.

Panalo naman sa Short Features ang Ruweda ni Hannah Espia. Ang nine-minute film na ito ay tungkol sa isang trahedyang mangyayari sa isang perya. Magaling ang pagkaka-edit sa pelikulang ito.

JURY PRIZE. Bukod sa Audience Choice award, isa ring distinct award ang Special Jury Prize.

Para sa Directors’ Showcase, nanalo ng Jury Prize ang Kamera Obskura na idinerek ni Raymond Red. Ang black-and-white film ay isang homage sa kasaysayan ng pelikula sa Pilipinas.

Para sa New Breed, nanalo ang REquieme! na idinerek ni Loy Arcenas. Ito ay isang dark satire tungkol sa paglilibing ng patay.

Para sa Short Films, nanalo ang Manenaya ni Richard Soriano Legaspi. Ang 14-minute film ay tungkol sa paghihintay sa katawan ng isang kamag-anak na nawawala, o kaya’y namatay na.


FULL LIST. Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival:

NEW BREED

Best Film: Diablo by Mes de Guzman

Special Jury Prize: REquieme! by Loy Arcenas

Audience Choice: Ang Nawawala by Marie Jamora

NETPAC Award: Diablo by Mes de Guzman

Best Director: Mes de Guzman for Diablo

Best Actress: Ama Quiambao for Diablo

Best Actor: Kristoffer King for Oros

Best Supporting Actress: Anita Linda for Sta. Niña

Best Supporting Actor: Joross Gamboa for Intoy Syokoy ng Kalye Marino

Best Screenplay: Rody Vera for REquieme!

Best Cinematography: Tristan Salas for Diablo

Best Production Design: Benjamin Payumo for Intoy Syokoy ng Kalye Marino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Editing: John Wong and Rona delos Reyes for The Animals

Best Original Music Score: Mikey Amistoso, Diego Mapa, and Jazz Nicolas for Ang Nawawala

Best Sound: Albert Michael Idioma for Aparisyon

DIRECTOR’S SHOWCASE

Best Film: Posas by Lawrence Fajardo

Special Jury Prize: Kamera Obskura by Raymond Red

Audience Choice: Bwakaw by Jun Lana

NETPAC Award: Bwakaw by Jun Lana

Best Director: Raymond Red for Kamera Obskura

Best Ensemble: Judy Ann Santos, Agot Isidro, Iza Calzado and Janice de Belen for Mga Mumunting Lihim

Best Actor: Eddie Garcia for Bwakaw

Best Supporting Actor: Art Acuña for Posas

Best Screenplay: Jose Javier Reyes for Mga Mumunting Lihim

Best Cinematography: Albert Banzon for Kalayaan

Best Production Design: Adolfo Alix Jr. for Kalayaan

Best Editing: Vanessa de Leon for Mga Mumunting Lihim

Best Original Musical Score: Diwa de Leon for Kamera Obskura

Best Sound: Ditoy Aguila Kalayaan

SHORT FEATURE

Best Film: Victor by Jarell Serencio

Special Jury Prize: Manenaya by Richard Legaspi

Audience Choice: Ruweda by Hannah Espia

Best Director: Sheron Dayoc for As He Sleeps

Best Screenplay: Sigrid Andrea Bernardo for Ang Paghihintay sa Bulong


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN