Shalani Soledad denies report she’s pregnant: "Hindi pa po ako buntis... mataba lang talaga."

Nilinaw ng politician-TV host na si Shalani Soledad na hindi pa siya nagdadalang-tao sa unang anak nila ni Congressman Roman Romulo. Aniya, “Huwag po kayong mag-alala, kapag totoong-totoo na ako ay buntis na, ipapaalam ko naman po yun.”


Hindi pa buntis ang Game ‘N Go co-host at Valenzuela City councilor na si Shalani Soledad-Romulo.

Ito ang napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin si Shalani sa kanyang dressing room matapos ng live telecast ng Game ‘N Go kahapon, Hulyo 29, sa TV5 Delta Studio sa Quezon Avenue, Quezon City.

Noong mga nakaraang linggo kasi ay may bali-balitang nakararanas na ng “morning sickness” si Shalani.

Ito raw ang dahilan kaya ipina-cancel nito ang rehearsal ng dapat sana’y big production number niya sa Game ‘N Go, kasama ang ibang co-hosts.

May iba pa ngang nagsulat na naglilihi na raw ang TV host-politician.

Pero paglilinaw ni Shalani sa PEP, “Sinasabi ko nga, hindi pa po ako buntis. Sabi ko, mataba lang talaga.

“Huwag po kayong mag-alala, kapag totoong-totoo na ako ay buntis na, ipapaalam ko naman po yun.”

Nae-excite na ba siyang magbuntis?

“Yung thought na magiging mommy ka, di ba, oo, nakaka-excite, of course.”

Ano ang reaksiyon dito ng asawa niyang si Pasig City Representative Roman Romulo?

“Ano, sana raw totoo. Pero hindi pa nga.”

Kung magkakaroon na siya ng unang baby, ano ang gusto niya—boy o girl?

“Of course, kung ano yung i-bless tayo. Pero sana yung panganay, ako, gusto ko baby boy.”

Ilang anak ba ang plano nilang magkaroon?

“Parang mahirap yata [magsalita]. Hindi pa naman namin napag-usapan ni Roman.

“Pero sana merong baby boy tapos baby girl, tapos kung ilan pa.”

So, walang limit?

“Mahirap naman yung walang limit kasi magastos,” nakangiting sagot ni Shalani.

ENJOYING THE SHOW. Dahil hindi pa pala siya buntis, tinanong tuloy ng PEP si Shalani kung matutuloy pa ba ang planong big production number sa Game ‘N Go?

“Hindi ko po alam kung ano po yung schedule… kung ano yung ipapagawa sa atin ng Game ‘N Go for the coming weeks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pagtutuunan namin ng pansin iyan,” sagot niya.

Sa mahigit isang buwan na nasa ere ang Game ‘N Go, ine-enjoy raw ni Shalani ang show, pati na ang mga kasama niya rito.

“Actually, masaya, kasi you get to work, of course, with sila Joey de Leon, Edu [Manzano].

"Tapos, there’s also Gelli [de Belen], and Arnell [Ignacio], na sobrang makita mo lang siya, parang haping-happy ka na.

“Kasi si Arnell, very lively, e, di ba? Ang kulit talaga.

“Then kasama rin namin si Daniel [Matsunaga] and Monika [Sta. Maria]. So, masaya.”

Kung siya ba ay magiging contestant sa Game ‘N Go, anong game ang gusto niyang salihan?

“Nalaro ko na yung ‘True or Fall,’ nalaro ko na yung ‘Pritong Pares.’

“So, ang hindi ko pa nalalaro, yung ‘Face It,’ pati yung ‘Yugyug Tube.’ So, tingnan natin kung kakayanin natin.”

Bukod sa Game ‘N Go, kaya pa ba niyang tumanggap ng ibang show?

“So far, eto po yung ibinigay sa atin ng TV5. So, kung ano po yung ibinibigay po nila sa atin, doon po tayo naka-focus.

“Kung may iba pang shows? Basta kaya po at kung i-offer naman nila, okay sa akin.

“Basta po kung ano po yung ibigay nila.”

Puwede ba siyang mag-teleserye?

“Baka po malugi yung show. Baka po mapagod sila!” biro ni Shalani.

JOEY DE LEON. Si Joey ang madalas kasama sa paghu-host ni Shalani sa Game ‘N Go.

Ito rin ang madalas manukso at magbiro sa kanya, na kung minsan ay tinatawag pa siyang “Miss Energy.”

Hindi ba siya nao-offend sa mga biro ni Joey?

“Hindi po, kasi kasama yun sa show. Hindi naman po ako nao-offend.”

Gaano ka-close na ba sila ni Joey ngayon?

“Of course, the more episodes na we do together, the more we get to know each other. Siyempre, mas nagkakapalagayan ng loob, nakakapaglokohan kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The more that we have shows, at least mas lalo kaming nagkakapalagayan ng loob.”

Plus factor ba na kamag-anak ng kanyang asawa si Joey?

“I think, si Tito Joey naman, whether kamag-anak o hindi, he treats everyone the same.

“Siyempre, masarap lang din yung feeling na, of course, Joey de Leon iyan, tapos ina-acknowledge niya na kamag-anak niya yung asawa ko.

"So, of course, parang ako, nakakatuwa, nakaka-flatter.”

JOEY VS. WILLIE. Hindi maiwasang pagkumparahin ang pakikipagtrabaho ni Shalani kina Joey at Willie Revillame.

Bago kasi ang Game ‘N Go ay nagtrabaho muna si Shalani sa show ni Willie, na dating Willing Willie at ngayon ay Wil Time Bigtime na.

Sabi ni Shalani, “Game ‘N Go is different from the other show because this is a segment-per-segment-per-segment. It’s game-after-game-after-game.

“Hindi siya parang one continuos na magkakasama. So, medyo iba siya in the sense na it’s a game-after-game-after-game and with different set of hosts.”

So, kanino siya mas enjoy na kasamang mag-host, kay Joey o kay Willie?

“E, lahat naman masaya, lahat masaya,” maingat pero nakangiting sagot lang niya.

AIMING FOR CONGRESS. Samantala, huling term na ni Shalani bilang councilor sa Valenzuela City.

Inamin niyang balak talaga niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon, bilang congresswoman.

“This is my third consecutive term as a city councilor. So, tatlo lang yung puwede.

“Pag tatakbo po ako sa 2013, higher position po. Baka po Congress po, sa District 2 ng Valenzuela City,” sabi niya.

Pero may kaba ba siyang nararamdaman dahil mas mataas na posisyon na ang tatakbuhin niya sa susunod na eleksyon?

“Of course, siyempre hindi mo masabi ang mangyayari, di ba?

“Although, it helps na magna-nine years na rin ako next year na konsehala, so familiar ka doon sa distrito mo and familiar din yung mga kababayan mo o constituents mo sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, siyempre, different position, e, mas mataas na posisyon.

“Yung expectations nila sa iyo, siyempre mas mataas na rin, so nakakakaba. Sana ma-meet ko yung expectations nila.

"At sana yung tiwala nila sa akin nung konsehala pa ako ay ibigay din nila sa pagtakbo ko sa Congress.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN