Rodrigo Duterte to Canadian Prime Minister Justin Trudeau: "May we remain partners for all time."

May 26, 2016
<p>Presumptive President Rodrigo Duterte said that Canadian Prime Minister Justin Trudeau called him up to congratulate him. Duterte also revealed that he and Trudeau talked for nine minutes.</p>

Siyam na minutong nag-usap sa telepono sina incoming Philippine President President Rodrigo Duterte at Canadian Prime Minister Justin Trudeau noong Martes, May 24.

Kinumpirma ni Duterte na tinawagan siya ni Trudeau upang batiin sa kanyang pagkapanalo sa presidential election.

Pinag-usapan din daw nila ang mga isyung may kinalaman sa pagsunod sa mga probisyon ng Universal Declaration of Human Rights.

Sinabi naman daw ni Duterte sa Canadian leader na sumusunod siya sa nasabing batas.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nakapag-usap din ang dalawang leaders tungkol sa Canadian na si John Ridsdel, na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf noong Abril.

Kinondena ni Trudeau ang nasabing pagpugot sa kanyang kababayan.

Humingi naman ng paumanhin si Duterte kay Trudeau sa kanilang pag-uusap sa telepono.

“Please accept my apology for the incident that happened. We will try our very best and see to it that it will never happen again.

“And rest assured that the time comes we will be able to apprehend the criminals and execute justice,” sabi umano ni Duterte sa isang press conference sa Davao City.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “I said that we are partners. May we remain partners for all time.”

Noong nakaraang linggo, tinawagan naman ni US President Barack Obama si Duterte upang batiin sa kanyang pagkapanalo sa presidential election.

Read: Rodrigo Duterte on phone call from U.S. President Obama: 'I'm quite honored.'

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Presumptive President Rodrigo Duterte said that Canadian Prime Minister Justin Trudeau called him up to congratulate him. Duterte also revealed that he and Trudeau talked for nine minutes.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results