Renee Salud on Mutya ng Pilipinas candidates: "Wala silang mga retoke or injections. Lahat sila ay natural beauties... I made sure."

“Kung ang Binibining Pilipinas ay may Pitoy Moreno at may Cory Quirino naman ang Miss World Philippines, may Mama Renee naman this year ang Mutya ng Pilipinas!” declares fashion designer and beauty-queen discoverer Renee Salud.


Ang pamosong fashion designer and beauty-queen discoverer na si Renee Salud ang umuupong project director at in-charge sa screening committee ng regional search ng 2012 Mutya ng Pilipinas.

First time daw ito ginawa ni Mama Renee, na siyang tawag sa kanya, na noo’y tagadiskubre lang ng potential beauty candidates at nagpapasali sa mga beauty pageants tulad ng Binibining Pilipinas at Mutya ng Pilipinas.

“Kung ang Binibining Pilipinas ay may Pitoy Moreno at may Cory Quirino naman ang Miss World Philippines, may Mama Renee naman this year ang Mutya ng Pilipinas!” deklara ni Renee sa media launch ng mga candidates ng Mutya ng Pilipinas sa Midas Hotel sa Pasay City noong July 18.

Patuloy niya, “When they asked me to sit as project director and to be in-charge of the regional search, hindi na ako nagdalawang-isip. I said, ‘Why not?’

“Mutya ng Pilipinas has been around for the past forty-four years, and that’s enough reason for me to be a part of it.

“I’ve been working with so many people of different beauty pageants. Marami na akong na-discover at napasikat na mga beauty queens.

"It’s time naman for me to just sit down at take charge.

“Pero hindi madaling trabaho ito. We went to different regions of the country para maghanap ng mga karapat-dapat na mga candidates for this year’s pageant.

“Ang naging toka ko lang ay dito lang sa Pilipinas. Yung mga candidates from different countries, like sa US, Japan, and Canada, may iba nang nakatoka roon.

“Pero nakita ko naman sila at panalo rin ang mga dating.

“I can say na puro magaganda at lalaban nang husto sa international pageants ang mga napili naming thirty candidates,” balita pa niya.

STEPPING STONE. Nabanggit ni Renee na naging stepping stone ng maraming past beauty queens ang Mutya ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Focused ako sa Mutya ng Pilipinas these days to get the freshest faces.

“I’m very, very happy na ang first entry ng mga babae sa beauty pageant is Mutya ng Pilipinas.

“A lot of beauty queens who won in other local and international pageants started with Mutya ng Pilipinas.

"That’s why kami pa rin ang bida, because we started everything.

“And besides, yung image namin to discover future beauty queens, nandun pa rin.”

Ipinagmamalaki rin ni Renee na ang mga candidates this year ay hindi dumaan sa anumang cosmetic surgery.

“I made sure na walang mga retoke ang papasok,” diin niya.

“In Mutya, they start with nothing in their faces. Meaning, wala silang mga retoke or injections. Lahat sila ay natural beauties.

“After this pageant, hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa mga mukha nila. Nasa kanila na iyon.”

Ang lagi nga raw advice ni Mama Renee sa mga makikipag-compete sa beauty contest sa ibang bansa ay kilalaning mabuti ang bansang pupuntahan at matutong mag-adapt sa environment.

“Ang pagkapanalo kasi ng isang candidate sa isang beauty pageant ay naka-depend sa country na pupuntahan nila.

“Every country has different choices of winners. I always advice them to know the country they’re going to and try to adapt [to] what they like.

“Do their research. Alamin nila ang culture ng mga tao, know the food, the different places doon, para kapag tinanong sila, may maisasagot silang maganda.”

Apat na titles ang paglalaban ng mga candidates ng Mutya ng Pilipinas: Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International, Mutya ng Pilipinas-Tourism International, Mutya ng Pilipinas-Tourism Queen of the Year, at Mutya ng Pilipinas-Intercontinental.

Sa August 12 ang coronation night ng Mutya ng Pilipinas sa UP Theater, 7 p.m., at ipalalabas sa GMA-7.

FRUSTRATED BEAUTY QUEEN. Already in his 60s, Renee has been in the fashion industry for almost four decades.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Born Renato Salud in San Juan, Batangas, he was an architectural student dropout from the University of Santo Tomas.

Ipinagpalit niya iyon for a career sa fashion design.

Sabi niya, “I wasn’t mentored by anyone. I learned the technical aspects of design the hard way.

“I learned from working in small dress shops during the ’70s. Wala akong formal education in designing. Lahat pinag-aralan ko lang by myself.

“Up to now, I still do the cuts and patterns of my clients. Personal ang approach ko with my clients. Doon ako natututo talaga.”

Inamin ni Mama Renee na pinangarap niyang maging beauty queen.

Kaya ang frustration niya ay inilalagay na lang daw niya sa mga babaeng nadidiskubre niya at tine-train maging beauty queen.

“May kasabihan nga na those who can’t do, teach, di ba? Kaya yung matagal ko nang frustration ay sa iba ko ibinabato.

“I am happy na yung mga hinuhubog kong maging beauty queens ay nagwawagi. Hindi ako napapahiya. Nakikilala sila everywhere.”

Kabilang sa mga naging “anak” ni Mama Renee sina: Melanie Marquez (Miss International 1979);

the late Chat Silayan (3rd runner-up, Miss Universe 1980);

at Desiree Verdadero (3rd runner-up, Miss Universe 1984).

Ang iba pang beauty-queen discoveries ni Mama Renee ay sina: Peachy Sacasas, Gem Padilla, Lou Bunyi, Joyce Ann Burton, Michelle Bautista, Maricar Mendoza, Jennifer Barrientos, Patti Betita, Marina Benipayo, at Izza Gonzales.

Hindi rin nawawala ang creations ni Mama Renee tuwing sasapit ang Philippine Fashion Week, at last year ay ni-launch ang kanyang Renee Salud line para sa fashion brand na Natasha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN