Angelu de Leon says about husband Wowie Rivera: “Oo, ayaw niya lang ng kissing scene, love scene. O, di ba, parang dalagang Filipina lang?”

Angelu de Leon admits to postpartum episodes after giving birth to her third child. Occasionally, she warns husband Wowie Rivera: “Sinasabi ko na, ‘O, may ganitong moment, ha?’ Pero minsan kasi, mararamdaman mo naman talaga kapag kumi-creep-in na siya. Time-out na ako.”


Kasama ni Angelu de Leon ang buong pamilya niya sa birthday party ng anak ng mag-asawang Chris Tan at Sherilyn Reyes.

Idinaos ng mag-asawang Chris at Sherilyn ang first birthday ng anak nilang si Eia sa St. Francis Shangrila Place noong Sabado, July 28.

Kasama ni Angelu si Rafa, ang magsi-six month old na bunsong anak, na maraming nakapansin ay maraming nakuhang features sa kanya.

“Ganoon na nga,” nakangiting sagot naman ni Angelu nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Sabi nga nila, kung sino ang kamukha, yun ang mahal. Kini-claim ko lang yun,” natatawa niyang sabi.

“Pero pinaghatian naman namin ‘yan. Sabi ko, ‘Sige, sa akin ang ilong, sa asawa ko ang mata,’ yun nga ang nangyari.”

Tinanong namin si Angelu kung ano ang kaibahan ng baby boy niya sa dalawang nauna niyang girls na sina Nicole at Louise.

“Well, pareho sila in a way na hindi sila mahirap alagaan. My kids were never...yung pangalawa lang ang medyo iyakin, but the rest, hindi naman sila perwisyong bata.

“And then, siya kasi, na-train ko na mag-baby wise kaya medyo madali ang transition niya, lalo na nagbe-breastfeeding ako every two hours.”

POSTPARTUM BLUES. Ngayong balik showbiz na siya sa afternoon soap ng GMA-7 na Kasalanan Bang Ibigin Ka?, kinailangan niyang ihinto ang pagbe-breastfeeding.

“Noong mag-start na akong mag-work, I had to stop… ang hirap.

“And then, sabi ko nga, hindi naman sa hindi ako stressed noong nagbe-breastfeed ako, pero hindi ako nakakatulog, so hindi ako nakakapag-produce ng milk.

“So, kapag hindi ka nakakapag-produce ng milk, nakaka-frustrate. Parang both on baby and you.

“So, parang ako, nagkakaroon ng emotional postpartum. So, sige, mag-formula na tayo.”

Ano ba ang pinanggagalingan ng postpartum moods at ano ang naging usapan nilang mag-asawa dito?

“Sinasabi ko na, ‘O, may ganitong moment, ha?’ Pero minsan kasi, mararamdaman mo naman talaga kapag kumi-creep-in na siya. Time-out na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Banyo muna ako. Ganoon… nag-a-isolate ako ng sarili.”

BIRTHDAY PLANS. Kung ang kaibigang si Sherilyn ay nagsimulang mag-prepare para sa first birthday ng bunsong anak noong six months pa lang si Eia, nagpe-prepare na rin ba siya?

“Very organized ’yang si Shey, which I so admire. Ako, hindi pa. Kasi, hindi ko pa nga alam kung ano ang gusto kong theme.

“Parang hindi pa rin nasasabi ni Rafa kung saan siya. Siyempre, ayoko namang ipilit na, ‘O, gusto ko mag-cars ka.’

“Ayoko lang ng Mickey Mouse, hindi ko alam kung bakit,” natatawa niyang sabi.

Ipinaalala namin sa kanya na noong bata siya, ang hilig niya ay si Mickey Mouse.

“I know! Kaya siguro, pati Zashiki Bota,” natatawa niyang sabi.

“E, medyo nahihirapan ako. With the two girls, ang dali! Pero sa lalaki, parang limited. Not unless sa carnival ka yata, mas bongga.

“Kaya hindi pa ako nagpi-prepare. Maybe, kapag tumapak na siya ng six months.

“Kasi, kailangan ko pa siyang ipa-dedicate.”

Karamihan daw ng nasa party rin ng anak ni Sherilyn ang posibleng maging ninong at ninang.

“Well, sabi kasi nila, hindi naman sa naniniwala ako sa kasabihan, pero nakukuha raw ang ugali ng mga ninong at ninang.

“Siyempre, gusto kong kumuha ng ninong at ninang na alam mong puwedeng takbuhan ng anak mo.

“Kasi, yun ang role nila, e—to be the second parent, e.”

NEW TELESERYE. Kinumusta ng PEP ang participation niya bilang Jordana sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?

Ayon sa kanya, “Si Jordana, masaya na mahirap siyang gawin. Kasi, minsan, umiisip ka na kailangan masama ka, di ba?

“Ang hirap, minsan hindi ko naman sinasabi na mabait ako at santa ’ko.

“Pero kung minsan, kailangan kapag may ganoon kang role, ikaw mismo, naglalagay ka ng nuances na… ang hirap mag-isip ng masama.

“May ginawa kaming eksena na may namatay. Dumalaw pa ako at kung ano-ano ang pinagsasabi ko. Jordana was just cold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After ko talagang mai-deliver ang lines, sabi ko talaga, ‘Wala akong puso!” natatawa niyang sabi.

Hindi ba siya nahihirapan na may six-month-old baby pa siya pero balik-showbiz at nagte-taping na siya?

“Noong una, kaya nga bumili ako ng pocket wifi, Facetime kami nang Facetime.

“Minsan nga, noong madalas akong nagwo-work, pag-uwi ko, sabi ko, ‘Kilala mo pa ba ko? Hi, I’m your Mom!’ Yung may mga ganoon.

“Siguro yun ang postpartum ko, yung separation anxiety.

“Kaya we made sure na every night, kapag umuuwi ako, kaming mag-asawa, sa amin siya natutulog.

“Kapag wala kami, nasa kuwarto ng mga bata, with the yaya.”

LIMITATIONS. Gusto ni Angelu na tuloy-tuloy ang mga gagawin niyang trabaho pero tinanggihan niya ang isang indie movie na si Joel Lamangan pa sana ang director.

Menor-de-Edad ang tinutukoy niyang pelikula. Bakit niya ito tinanggihan?

“May love scene, e. Sabi ko, hindi naman na yata—well, hindi na papayag ang asawa ko, di ba?”

So, limitasyon na niya pala yun ngayon?

“Oo, at saka napagdaanan ko na rin naman yun.

“So, hindi ko alam. I don’t wanna close my doors pero yung siguro mga ganito pa lang kabago, parang mahirap pang gawin.

“And then, noong sinabi na, ‘O sige, hindi ka na asawa ni Wendell [Ramos], kayo naman ang mag-dyowa ni Ara Mina.’

“Sabi ko, ‘Mahal ko ang trabaho at gusto kong magpaka-aktres talaga. Kaso lang, hindi talaga.’”

Biro namin sa kanya, tapos na ang Bulaklak ng Quiapo days, ang isa sa mga unang daring movies ni Angelu noon.

“Oo, pero personally, salamat naman.”

May binibigay talagang limitasyon sa kanya ang mister na si Wowie Rivera?

“Oo, ayaw niya lang ng kissing scene, love scene. O, di ba, parang dalagang Filipina lang?” natatawa pa niyang sabi.

LIFESTYLE CHANGE. Halata ring natuwa si Angelu nang napansing pumapayat siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fairness, pumayat na ko,” biro pa niya.

“Actually, I really just gained weight noong latter part ng pregnancy ko. Tapos after pa no’n, noong nagbe-breastfeed ako, hindi ka puwedeng mag-diet.

“So, noong nagwo-work na ako, ngayon ako nagda-diet.”

Dugtong pa niya, “Pero more on calories counting lang. More on the diet, it’s your lifestyle na kailangang mag-change.

“Meron ka talagang mga bagay na kailangang i-give-up.

“Kung hindi mo man i-give-up, yung amount of what you eat lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN