Rocco Nacino promises something different on third Cosmo Bachelor Bash appearance

Bagamat nakarampa na si Rocco Nacino sa Cosmo Bachelor Bash at maging sa Bench fashion show, hindi pa raw kaya ng young actor na rumampa nang naka-underwear lang. Paliwanag niya, "Hindi pa talaga ako ready. Hindi pa ako prepared para ipakita ‘yong thighs ko."


Naghahanda na ang young actor na si Rocco Nacino para sa pag-resume ng shooting ng Ilocano epic film na Lam-ang.

Ito ang una niyang nabanggit nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos siyang mag-guest sa farewell episode ng Showbiz Central kahapon, July 29.

Kuwento ni Rocco, “Nakausap ko yung director namin [Ana Agabin] a few days ago. At sabi sa akin, maghanda na raw ulit.

“Hopefully, last week of August daw ulit kami magsu-shoot. We’re just waiting for the weather to calm down lang.

“Kasi wala rin kaming magagawa kung ngayon kami pupunta sa Ilocos, lalo may mga eksena kaming kukunan sa bundok.

“So mini-maintain ko yung mahabang buhok. And then, I’m starting to get my body back na medyo fit.

“Kasi nung sinabi sa akin na na-move yung shooting dates namin—na from July, last week of August na—nagpahinga muna ako sa pagda-diet.

“Tapos, tuluy-tuloy na naman. May Bench fashion show, tapos may Cosmo Bachelor’s Bash.

“So, tuluy-tuloy na naman ang pagda-diet ko,” sabay ngiti ni Rocco.

COSMO BACHELOR BASH. Speaking of Cosmo Bachelor Bash, meron daw siyang pinaplanong gawin na kakaiba sa nagawa niya noong una at ikalawang pagrampa rito.

“Basta kakaiba,” sambit ni Rocco.

“Yung sa Cosmo Bash, it’s something that I enjoy doing for the past two years. Third year ko na bale.

“And… basta may naisip na ako na gagawin ko.”

Mas maging daring kaya siya this time?

“Basta something new na hindi ko pa nagawa,” ngiti ng StarStruck alumnus.

Biro namin, hindi kaya magbahag siya sa muli niyang pagrampa rito?

“Puwede!” sabay tawa ni Rocco, na magbabahag sa role niya bilang Lam-ang.

NO TO UNDERWEAR… YET. Sa Bench fashion show naman, mapapayag na kaya siyang rumampa na naka-underwear, gaya ng ginagawa ng ibang hunk actors?

“Hindi!” tawa ulit niya. “Hindi ko pa kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na part of Bench Body, ‘Bakit hindi mo subukan?’ Kakaibang experience din daw iyon.

“Sabi ko… wala, e. Hindi pa talaga ako ready. Hindi pa ako prepared para ipakita ‘yong thighs ko.

“Sa Lam-ang nga, e, ang tagal kong pinag-isipan yung tungkol sa pagsusuot ng bahag bago ko na-accept na gagawin ko ‘yon.

“So, kapag sa Bench Body, iba rin siguro. Accepted naman ni Mr. Ben Chan na hanggang apparel lang muna ako—for now.”

Si Ben Chan at ang pamilya nito ang may-ari ng Bench.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng rumored girlfriend niyang si Sheena Halili sakaling mapanood siyang rumarampa na naka-underwear lang?

“Ewan ko!” tawa na naman niya.

“Siyempre, alam ko, sinusuportahan naman niya ako kung anuman ang desisyong gagawin ko sa showbiz. So, ‘yon.”

Kung si Sheena ba ay magpu-pose nang sexy sa isang men’s magazine, okey din lang sa kanya?

“Ewan ko!” sabay tawa na naman ni Rocco.

“Why not? If it’s gonna… help her, kapag gusto niya iyon. Siyempre, hindi ako tututol.

"Wala naman ako sa posisyon para pagbawalan siya sa kung anumang trabahong darating para sa kanya.

“Pero nasa kanya ‘yon kung gusto niyang gawin ‘yon.

“I heard may ganung offers na nga sa kanya. Pero hindi naman ako ang dapat na kinukonsulta o kinakausap niya tungkol dun, kundi yung network [GMA 7]. At saka parents niya siguro.

“But handa akong makinig kung anuman yung concerns niya. Magbibigay ako ng opinion ko.

“Pero sasabihin ko rin sa kanya… it’s still her decision. At kung anuman ang magiging desisyon niya, susuportahan ko.”

CLOSER. Nasa anong level na ang estado ng espesyal na pagtitinginan nila ni Sheena ngayon?

“Still the same, and we’re happy naman. Happy with everything that is happening.

“We’re even closer. Yeah!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon na hindi ako masyadong busy, I get to spend more time with her. Nabawi ko na yung panahong hindi kami gaanong nagkikita.

“And I also spend time with her family. She spends time din with my family.

“At I’m happy na mas close na kami ngayon,” sabi ng binata, na hinirang na isa sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine sa taong ito.

Ibig sabihin ba ng “closer” ay malapit-lapit na sa official announcement na mag-on nila?

“I don’t know. Time will tell!” natatawang sagot ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN