TV5 princess Eula Caballero: “To call myself a star… napakakapal naman ng mukha ko. Pero I would say, almost there."

Ang Star Factor winner na si Eula Caballero ang pangunahing bituin sa weekly suspense-horror series ng TV5 na Third Eye. Ito ang first starring role ni Eula, kaya naman excited siya at kinakabahan sa pagsisimula ng kanyang programa.


Ramdam na ramdam ni Eula Caballero ang pagpapahalagang ibinibigay sa kanya ng TV5 bilang isa sa mga prinsesa ng network nang pagkatiwalaan siya ng solo production number sa Game ‘N Go noong Linggo, Hulyo 29.

Kaugnay ito ng grand promotion ng pinagbibidahan niyang Sunday night horror-suspense series, ang Third Eye, na nagsimula nang umere kagabi.

Sabi ni Eula, “Napakasaya ko po. Although mahirap yung sayaw. Alam mo yung siguro may times na pag nahihirapan ka, napapareklamo ka?

“Pero this time, hindi mo magawang magreklamo because hindi siya karekla-reklamo, dahil nakakatuwa na alam nilang hindi ako dancer pero pinagkatiwalaan nila ako na magkaroon ng solo prod na ganyang kahirap.

“I’m really happy for the trust and I will do everything na masuklian yun by doing my best para hindi sila mapahiya.

“It’s really overwhelming!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula pagkatapos ng production number at guest appearance niya sa Game ‘N Go, sa TV5 Delta Studio sa Quezon Avenue, Quezon City.

Kasama niyang nag-promote ang iba pang cast ng Third Eye na kinabibilangan nina Lorna Tolentino, Eddie Garcia, Victor Silayan, Jenny Miller, Clint Gabo, at Daniel Matsunaga, na isa rin sa co-hosts ng Game ‘N Go.

Ayon kay Eula, nagda-dance workshop na nga siya para ma-improve pa ang kanyang pagsasayaw.

“I’ve done jazz [workshop]. Pero natapos na yung course ko na yun. Then maybe I’ll take hip-hop, iba pa.”

FIRST BIDA ROLE. Pero higit sa pag-alala niya sa kanyang pagsasayaw, mas nakakaramdam ng kaba si Eula sa kauna-unahang show na siya ang bida, ang Third Eye.

Bago pa ang pilot episode nito kagabi ay nagpahayag na si Eula ng nararamdaman niyang pressure.

Saad niya, “Opo, may pressure talaga. Kaya nga todo-promote na ako sa Twitter.

“Pero kahit anong promotion kasi ang gawin mo, parang hindi mo alam kung sino talaga yung mga manonood. Hindi mo alam kung ano yung magiging pagtanggap ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kinakabahan pa rin ako.”

Gusto na lang daw maging positive ni Eula na sana ay magustuhan ng mga tao ang Third Eye.

Kaya nga hindi na raw niya iniinda ang pagod sa pagpo-promote, pagte-taping, at iba pang bagay na may kinalaman sa show.

“Balewala lahat ng pagod, yung kabilaang promotion, kahit yung pagod sa taping.

“Kasi, ano ba naman yung mga yun kung ikukumpara mo sa saya at excitement na nararamdaman ko dahil sa laki ng proyektong ito?

“It’s all worth it.”

Si Eula ang grand winner ng naunang artista search ng TV5, ang Star Factor. Ngayong bida na siya sa Third Eye, pakiramdam niya ba star na siya?

“To call myself a star… I mean, napakakapal naman ng mukha ko. Pero I would say, almost there.

“Pero I know I still have to work for that… to really be a star.

“Like si Miss LT, when she’s there, you know she’s there, she stands out.

“It takes a lot of experience siguro to really be a star. Pero I think I’m almost there.”

WORKING WITH THE VETERANS. Nakakatatlong tapings na raw sila para sa Third Eye. Nakasama na niya rito ang mga beterano ng industriya na sina Eddie Garcia at Lorna Tolentino.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa dalawang magagaling na mga artista?

“It’s educational, in a way na you learn a lot.

“It’s so much learning and so much fun, na hindi nawawala yung saya kahit pa medyo tinuturuan pa kami.

“It’s both learning and having fun at the same time on the set of Third Eye with our veteran actors and actresses, my co-actors.”

So far, ano na yung mga natutunan niya kay Lorna at kay Eddie, na isa ring direktor?

“To always be in control of everything, like… Lalung-lalo na yung turo ni Direk Eddie na ang artista ay hindi lang hanggang sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Part pa rin ng trabaho mo yung sa damit mo. Dapat alam mo kung ano yung bagay sa character mo na hindi ka lang basta suot nang suot.

“Siyempre, dapat alam mo yung character mo, so that alam mo kung paano magsalita ang character mo, alam mo kung paano magdamit ang character mo, alam mo yung mismong tayo lang at upo niya.

“Ayun, sobrang pag-aaral talaga. Talagang kailangan pag-aralan mo.

“Hindi yung kailan take doon mo lang siya iaarte, doon mo lang raramdamin ang character mo.

“Pati ang mga linya, dapat pinag-aaralan mo kung paano sasabihin at ibabato nang maayos.”

Thankful nga raw si Eula dahil kahit baguhan pa lang siya ay nararamdaman niya ang suporta sa kanya ng mga veteran stars.

“Sobra yung suportang ibinibigay nila sa akin sa mga eksena. Sila yung magagaling na and everyone knows that.

“Parang ako, paano ko ba ito dadalhin hanggang sa ending? Paano ako magiging magaling enough para matawag na bida talaga and maging convincing enough, di ba?

“I’ll just really work hard for it.

“Nagpapasalamat lang ako dahil ramdam ko ang suporta sa akin nina Direk Eddie at Miss LT, pati ang co-stars ko.”

Ano ang na-discover niya kay Lorna?

“She’s a funny person pala. Parang pag pagod na kaming lahat, magbibitaw iyan ng punchline, magbibitaw iyan ng mga kung anu-ano na matatawa na lang kami.

“Siyempre, nakikita naming Miss LT iyan, malaking artista iyan.

"Tapos kaming mga bata, parang pagod na pagod na kami, and then makikita namin si Miss LT na still full of energy kahit anong oras na—parang nakaka-inspire siya for us to keep going.

“It’s really nice to have her on the set kasi dinadala niya yung energy sa set.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN