Veteran actress Ama Quiambao wins her first acting award

Sa nakaraang awards night ng 8th Cinemalaya ay napanalunan ni Ama Quiambao ang Best Actress (New Breed category) para sa kanyang mahusay na pagganap sa Diablo.


Triumphant ang veteran actress at university professor na si Amable "Ama" Quiambao nang tanggapin niya ang New Breed Best Actress balanghai trophy.

Naganap ito sa awarding ceremony ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP), noong Linggo, July 29.

Ama—who is the aunt of 1999 Miss Universe 1st runner-up Miriam Quiambao—won her very first award as an actress for her role in Diablo by indie filmmaker Mes de Guzman.

Kabilang ang parangal na natamo ni Ama sa major sweep ng Diablo, na nanalong 8th Cinemalaya New Breed Best Picture, Best Director, at Best Cinematography (Tristan Salas).

Mula rin sa panulat ni Mes, ang Diablo ay tungkol sa isang balo, si Nana Lusing (Ama), at ang kanyang limang anak na lalaki na may magkakaibang landas ng buhay.

Ginampanan ang mga ito nina Carlo Aquino, Roeder Camanag, Arnold Reyes, Jose Escobedo, at Freddie dela Cruz.

Ang matandang ina, na nag-iisang nakatira sa malaking bahay, ay binabagabag ng patuloy na guni-guni ukol sa isang misteryosong aparisyon, habang may kaguluhang bumabalot sa buhay at pagkatao ng nawasak nilang tahanan.

Tanging ang isang maliit na radyo sa gabi at ang programa ng isang tagapayo ukol sa buhay ang nagsisilbing kaaliwan ng matanda.

"Mes, salamat... I love you! His script reads like literature... I don’t know..." simula ng beteranang actress-winner sa kanyang acceptance speech, bilang pagtukoy sa kapuri-puring trabaho ng kanyang direktor at writer din ng Diablo.

Pinasalamatan ni Ama ang mga hurado ng Cinemalaya at ang kanyang mga propesor sa Unibersidad ng Pilipinas; at bilang isa ring propesora, ang kanyang mga estudyante sa Far Eastern University at Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

Binanggit din ni Ama ang Bulwagang Gantimpala, kung saan madalas siyang gumanap sa mga dula nito, at ang yumaong founder ng Gantimpala Theater Foundation na si Tony Espejo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The first time I was nominated was for my first movie, sa Urian... that was forty pounds ago!" birong-totoo ni Ama, na nag-gain ng weight tatlumpung taon na ang nakalilipas.

Kapansin-pansin din ang puting-puting mahabang buhok ni Ama, na bagay sa kanyang fair complexion.

"Finally, at 65, I got this! Thank you so much! I feel so humbled!"

"MAY HIMALA!" Matapos ang awarding ceremony ay nakausap sandali ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ama para i-congratulate sa kanyang pagwawagi.

Ama said it was for Himala (1982), by the late National Artist Ishmael Bernal, that she was first nominated for best supporting actress in Gawad Urian.

Ginampanan niya sa klasikong pelikula ni Bernal ang papel ni Sepa, ang panatikong mananampalataya ng faith healer na si Elsa, ang bidang karakter na ginampanan ni Nora Aunor.

"Oo, sa Himala ako unang na-nominate, my first movie," wika ni Ama.

Aware din ang beteranang aktres na matapos ang tatlumpung taon, ipalalabas uli ang Himala, sa restored HD version nito, sa 69th Venice International Film Festival sa September 2012.

Kaya totoong significant ang pagwawagi ni Ama ng una niyang best actress award.

"E, sabi ni Nora noon, ’Walang himala!’ Pero ngayon, naniniwala ako, may himala!

"Oo naman. Prayers can move mountains,” makahulugang sabi niya.

AGAINST ACTING GIANTS. Hindi rin daw makapaniwala si Ama na siya ang magwawagi ng Cinemalaya Best Actress award dahil she was "up against the acting giants!"

"Ang lakas ng mga kalaban ko... mga giants sila!" pagtukoy niya.

Nang umakyat si Ama sa CCP stage para tanggapin ang napanalunang tropeyo, at mapadaan sa kinauupuan ng PEP at iba pang taga-media, she was responding to those greeting, saying: "I don’t feel old..."

Pero kabaligtaran daw iyon ng hindi niya inaasahang kaganapan, dahil mabibigat at mahuhusay na aktres ang mga nakatunggali niya.

Kabila dito sina Shamaine Centenera-Buencamino para sa REquieme!;

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ang apat na bida ng Aparisyon na sina Jodi Sta. Maria, Mylene Dizon, Raquel Villavicencio, at Fides Cuyugan-Asencio;

si Alessandra de Rossi (Sta. Nina);

LJ Reyes (Intoy Syokoy ng Kalye Marino);

Sue Prado, Olga Natividad, at Janela Buhain (Mga Dayo);

at ang newbies na sina Annika Dolonius (Ang Nawawala) at Dawn Balagot (The Animals).

PARANORMAL. Tungkol sa kanyang direktor na si Mes de Guzman, ibinahagi ni Ama sa kanyang acceptance speech ang ilang interesanteng kuwento habang ginagawa nila ang Diablo.

Sa maraming eksena ng pelikula ay ipinakikita si Aling Lusing nang mag-isa, lalo kung gabi na nahihirapan itong makatulog at nakikinig ng mga tagapayo sa radyo.

Sadyang maraming bagabag ang matandang central character sa kanyang pag-iisa; habang ang mga anak niyang puro lalaki ay may kanya-kanyang tunguhin sa buhay at hindi nagkakasundo.

Kaya sa kanyang thank-you speech, ginanahang magkuwento si Ama.

"Mes de Guzman, thank you! You’re such a good driver. And you give me so much room...

"Ang tagal mag-cut, at gusto mo, patuloy nang patuloy akong umarte.

"Umiyak ako nang umiyak, hanggang sabi ko, ’Ano ang gagawin ko? Ayaw pang mag-cut ni Mes!’

"Sabi ko, punta na ako sa huling eksena, yung naglalagay na ako ng kulambo, kasi gusto ko nang tapusin yung eksenang yun!

"Masakit sa dibdib ang pag-iyak. Kasi, all throughout the movie, hindi ako dapat umiiyak, except for the breakdown.

"And you can just imagine the physical pain I was suffering because I had to control my tears for the other scenes.

"And finally, that great, great breakdown... because I had a paranormal relationship with my radio, which took the place of my [dead] husband, who visits me every night and does not allow me to sleep...

"But tonight, thank God, I’m going to sleep very, very well!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN