Kris Aquino defends brother Noynoy’s TV Patrol speech: “[He] has the right to defend himself & express his opinion.”

Kris Aquino posted this message on her Twitter account last night, July 30, to defend her brother, President Benigno "Noynoy" Aquino III: “[He] has the right to defend himself & express his opinion. Freedom of speech is a 2 way street right?”

PNoy was criticized by ABS-CBN stalwarts for taking Noli de Castro to task when the President delivered a “prangka” speech at the 25thanniversary celebration of


Nagbigay ng pahayag ang TV host-actress na si Kris Aquino bilang depensa sa kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay ng “prangka” speech ni PNoy sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol noong Biyernes, July 27.

(CLICK HERE to read full speech of PNoy.)

Sa kanyang personal Twitter account ay sumagot si Kris sa isang Twitter post, kung saan naka-tag siya:

Sabi ng nag-tag kay Kris, dapat daw ay hindi inaatake ng Pangulo ang media.

Bilang depensa, sinabi naman ni Kapamilya TV host-actress na karapatan din ng kanyang kapatid ang magbigay ng sariling opinyon.

“@NinaBellatrix1 has the right to defend himself & express his opinion? Freedom of speech is a 2 way street right?” sabi ni Kris sa kanyang Twitter post kagabi, July 30.

Sabi pa ni Kris, “@NinaBellatrix1 PNoy is our president & I do believe the majority of our people feel he’s doing a great job. Maybe he just like anybody else.”

Ilang araw rin bago nagbigay ng komento si Kris tungkol sa isyung ito. Nag-iingat lang daw kasi siya sa kanyang masasabi.

Kaya naman bago siya sumagot kagabi sa isang user, sinabi niya: “@NinaBellatrix1 hi Nina. Prayed be4 I replied to make sure I don’t tweet the wrong thing. My issues r so trivial in comparison to PNoy.”

MALACAÑANG EXPLAINS. Samantala, nilinaw ng Malacañang na ang talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol ay hindi lamang ipinaparating sa ABS-CBN kundi sa lahat ng mga media outfit.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma: “Pinupunto lang ng Pangulo, maaaring maging instrumento sa pagbabago yung mass media sa pamamagitan ng pagbibigay din ng mabuting balita, positibong mensahe, na siyang mag-e-encourage din sa ating mga kababayan.”

Ganito rin umano ang naging tema ng talumpati ni PNoy sa isang okasyon ng Philippine Press Institute (PPI).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At halos ganito rin ang naging tema ng kanyang talumpati nang dumalo siya sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo naman ng pahayagang Business World kamakailan.

THE “PRANGKA” SPEECH. Nag-umpisa ang usap-usapan sa pagiging prangka ni PNoy nang magpasaring siya sa isang news anchor ng TV Patrol na hindi niya pinangalanan.

Sa kanyang talumpati, ikinuwento ni PNoy ang ilang pagkakataon kung saan naging negatibo ang komento ng news anchor na ito sa ilang balitang naiulat sa kanilang programa, kahit pa positive ang facts ng balita.

Kaya naman bago siya matapos, pinaalala ni PNoy: "Kung alam mo na opinion-maker ka, alam mo rin dapat na may responsibilidad ka. Sana po sa tuwing sinasabi nating magandang gabi bayan, sana totoong hinahangad natin na maging maganda ang gabi ng bayan.”

Iisa lamang ang taong naisip ng mga nakarinig ng kanyang talumpati: si dating bise presidente Noli de Castro, na isa sa mga unang anchors at ngayon ay senior anchor ng TV Patrol.

Kilala si Noli sa pagsasabi ng “Magandang Gabi, Bayan” tuwing matatapos ang programa.

ABS-CBN ANSWERS PNOY’S SPEECH. Sa isang press statement, sinagot naman ni Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News ang Current Affairs, ang usap-usapan tungkol sa speech ni PNoy.

Aniya, ang pagbibigay ng opinyon ay hindi pagpapakita ng pagkontrol ng media.

Ito ang kabuuan ng pahayag ni Reyes:

"Criticism is not a monopoly of journalists and media practitioners. The President had as much right to free speech as every citizen.

"But the focus of Friday’s celebration was TV Patrol’s 25 years— the people behind the stories, the unsung heroes behind the cameras and unforgettable events that shaped history.

"We did not just remember the disasters, anomalies and political upheavals that TV Patrol covered.

"We also celebrated stories of remarkable achievers and everyday heroes, whose triumphs over adversity is a testament to resiliency of the Filipino spirit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa TV Patrol kagabi, July 30, ay tumangging magbigay ng komento tungkol sa isyung ito si Noli.

Bukas ang PEP.ph sa anumang magiging pahayag ng TV Patrol anchor at iba pang taong nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN