Maja Salvador confirms breakup with Matteo Guidicelli

Maja Salvador on reason for breakup with Matteo Guidicelli: “Wala namang third party. Parang nag-decide kami na i-end muna ang relationship kasi may mga priorities kaming dapat unahin. Like siya, yung career niya at yung pagiging triathlete niya.”


“Single” ang sagot ni Maja Salvador nang tanungin ni Kris Aquino tungkol sa estado ng lovelife niya.

Ibig sabihin, break na sila ng car racer turned actor na si Matteo Guidicelli.

Nag-guest si Maja, kasama ng matalik na kaibigang si Kim Chiu, sa early morning program ni Kris sa ABS-CBN na Kris TV, kaninang umaga, August 3.

Isa sa mga tinanong ni Kris sa dalawang Star Magic prime young actresses ay ang tungkol sa estado ng lovelife nila ngayon.

Ibinase ni Kris ang kanyang tanong sa kadalasang paglalagay ng status sa social networking sites, tulad ng Facebook.

Nilalagay raw kasi rito kung ang isang tao ay “single, dating, in a relationship” o minsan pa nga ay “it’s complicated.”

Noong isang linggo ay nag-post sa kanyang Instagram si Maja ng: “I don’t know why they call it heartbreak. It feels like every part of my body is broken too.”

Wala namang paliguy-ligoy na sinagot ni Maja si Kris ng: “Single.”

Nag-react agad ang katabi ni Maja na si Kim, na sinabing: “Ito naman, single, agad-agad?”

Pero pinuri ni Kris si Maja, at sinabi nitong gusto niya ang pagiging “diretso” ng young actress.

MUTUAL DECISION. Nilinaw naman ni Maja na walang third party sa breakup nila ni Matteo. Mutual daw ang desisyon nila na mag-break.

Ayon kay Maja, “Sobrang magkaibigan kami.

“Wala namang third party.

"Parang nag-decide kami na i-end muna ang relationship kasi may mga priorities kaming dapat unahin.

“Like siya, yung career niya at yung pagiging triathlete niya.”

Si Matteo ay nakikipag-compete sa iba’t ibang lugar sa bago niyang sports na thriathlon, kung saan may running, biking, at swimming.

Patuloy ni Maja, “Siyempre, di ba, yung oras mo, sobrang mahahati sa lahat. Like ako, yung taping namin.

“Sobrang mahirap magkita. Hindi ma-balance ang oras sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang kinumpirma ni Maja ang relasyon nila ni Matteo matapos magkaroon ng engkuwentro sina Matteo at Coco Martin maapos ng Star Magic ball noong September 3, 2011.

Nagselos si Matteo kay Coco dahil sa pagiging sweet ng huli kay Maja habang nagpu-promote ng soap nila noong Minsan Lang Kita Iibigin.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ngayon nga ay nauwi rin sa breakup ang relasyon nina Maja at Matteo.

MATTEO. Samantala, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo noong July 28 sa grand finals ng Promil I-Shine Talent Camp ng ABS-CBN.

Kapansin-pansin na hindi makasagot nang diretso ni Matteo nang tanungin ang estado ng relasyon nila ni Maja.

Aniya, “We’re happy. Everything’s fine.”

Nang tanungin kung masaya ang puso niya, ang trabaho niya ang binanggit ni Matteo na dahilan kung bakit masaya siya.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN