Zsa Zsa Padilla still talks to Dolphy: "Most of the time, I talk to him when I really miss him."

Ayon sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, hindi pa siya handang lisanin ang bahay na naging tahanan niya kasama ang Comedy King: “But I feel, feeling ko lang kasi, kung umalis kami ngayon—feeling ko lang, lahat na lang nawala na sa akin. Huwag naman sana muna, hindi pa ako ready.”

.


Balik na sa trabaho ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla matapos mailibing ang partner niyang King of Comedy na si Dolphy noong Hulyo 15.

Kahit hinahagupit ng malakas na ulan at hangin ang Metro Manila sanhi ng bagyong Gener noong July 31, Martes, tuloy pa rin ang cast ng I Do Bidoo Bidoo sa last shooting day ng pelikula, sa Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City.

Present ang lahat ng major cast ng pelikula na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Jim Paredes, Buboy Garovillo, Danny Javier, Sam Concepcion, Neil Coleta, Tippy dos Santos, at si Zsa Zsa.

In between takes ay nagpaunlak ng panayam si Zsa Zsa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na dumalaw sa set.

Ayon kay Zsa Zsa, lagi niyang naaalala ang yumao niyang partner, lalo na tuwing paggising niya.

Kuwento niya, “Yes, as always, kasi I had coffee time with him, di ba?

“Sometimes, I have coffee time with my mom, I go to the banyo, or I go to the corner... I will always talk to him.”

Ano ang sinasabi niya kay Mang Dolphy tuwing kinakausap niya ito?

“I see him singing... In my mind, I saw him with Tito Panch [Panchito]…

“I think he’s very happy where he is.”


CAUGHT ON CAM. Kuwento pa ni Zsa Zsa, nagpakita raw si Mang Dolphy sa kanya at kinunan pa niya ito ng litrato.

Aniya, “Isang beses, makulit ako… isang beses, when we went home, sabi ko, ‘Kailangang makita kita sa CCTV [closed-circuit television]…’

“Kahit trying hard, I took a picture of him.

"You have to try hard to see his profile, but then you see him there.”

Ano ang naramdaman niya nang "makita" sa litrato si Mang Dolphy?

Tugon ni Zsa Zsa, “Wala, sinabi ko talaga sa kanya na, ‘Hindi ako titigil hangga’t hindi kita makita.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun ako nang ganun sa CCTV, kasi ten yung cameras namin, e. Ang tagal!

“Until finally, suma-side view akong ganun, ‘Ayun, finally nakita na kita!’"

Dagdag ni Zsa Zsa, gumagaan ang kalooban niya nang malamang "nandoon pa rin" sa tahanan nila sa Marina Subdivision ang yumaong Comedy King.

"I feel comfortable now, I feel better.

“It comforts me, whenever I’m home, in a little corner of my home, I can… I know that he’s been there.

“Kahit hanggang attic, kahit hanggang yung ni-renovate namin na loft, dinala ko siya dun.

“Kahit hirap na hirap siyang umakyat, dinala ko siya dun.

“So, every corner of our home, ini-imagine ko na he’s been there.”

Kapag naiisip niya si Mang Dolphy ngayon, ano ang ginagawa niya?

“I talk to him. Most of the time, I talk to him when I really miss him."


DOLPHY’S EDGE. Masaya naman si Zsa Zsa sa mga papuri na hanggang ngayon ay natatanggap niya tungkol sa Comedy King.

Lalo na sa usaping “angat” si Mang Dolphy sa ibang mga komedyante dahil sa dami ng talents nito.

Sabi ni Zsa Zsa, “Edge niya sa ibang komedyante, for instance, magaling nga siya sa punchline, nakakatawa siya.

“Some comedians can’t sing, pero siya… he’s such a great dancer pa.

“Parang ang hirap makahanap ng ganun. Kasi, pag sinabak mo sa drama, magaling din.”

So, wala na talagang susunod pa kay Mang Dolphy?

“May mga ipinapanganak siguro sa mundo na ganun, di ba? Kumbaga, very rare…very rare yung kanyang talent," sagot ni Zsa Zsa.

THE HOUSE. May plano ba silang magpamilya na manatili sa Marina Subdivision sa Parañaque City ngayong wala na si Mang Dolphy?

“For as long as I can, kasi the house is huge,” sagot ni Zsa Zsa.

“Nicole went back to Australia to work. Ang maiiwan na lang ay si Zia at ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo hindi naman siya practical i-maintain, ano.

“Pero, siyempre, may kaibigan din naman ako na marunong ng ganyan, tatanungin ko lang kung saan puwede magtipid.

“I made a listing already. Karylle made me do it, ‘Mama, try to realize how much you spend in a month.’

“Oh, my God, I spend so much! So, malalaman mo lang…So more or less, titingnan ko kung saan ako puwede magtipid.

“But I feel, feeling ko lang kasi, kung umalis kami ngayon, feeling ko lang, lahat na lang nawala na sa akin.

“Huwag naman sana muna, hindi pa ako ready.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN