Kiray Celis on Luv U partner Igi Boy Flores: “Super bet ko si Igi! Hindi…super love ko yan!”

“Parang kapatid ko na siya mula pa sa Goin’ Bulilit. Pero kami ni Igi, walang malisya-malisyahan,” says Kiray Celis on her screen partner Igi Boy Flores. Kiray and Igi are being marketed as a love team and comic relief on the ABS-CBN teen series Luv U.


Parang aso’t pusa sina Kiray Celis at ang ka-loveteam niyang si Igi Boy Flores sa ABS-CBN show na Luv U.

Sila ni Igi ang comic relief sa panghapong programa na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP.

Madalas silang mag-away sa show, to the point na puwedeng isipin na parang tinototoo na nila ang pagsasakitan.

Hindi ba sila nagkakapikunan?

“Hindi puwedeng etchos-etchos lang,” simula ni Kiray nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Luv U sa ABS-CBN Studio 1 nung nakaraang linggo.

“Kasi, kapag nagsasampalan, sabunutan, hindi puwedeng hihinaan ko lang. Hindi puwedeng daya. So, kailangan.

“At saka, trabaho ‘to. Marami namang way para magawan ng paraan. Natutunan ko yun sa Mara Clara.”

Kasama si Kiray sa 2010 remake ng Judy Ann Santos-Gladys Reyes 1992-97 hit drama series na Mara Clara. Sina Kathryn Bernardo at Julia Montes naman ang mga bida sa remake.

Ayon pa kay Kiray, kailangan daw talaga nila ni Igi Boy na magkapisikalan sa Luv U.

Mas sanay raw sila ni Igi Boy sa pagsasakitan kaysa magswit-sweet-an.

“Kapag nagkakatinginan nga kami… Diyos ko po!” natatawa pa niyang sabi.

SERIOUS IGI BOY. Pero in real life, crush niya ba talaga si Igi Boy?

Napalakas ang boses niya sa pagsasabing, “Super bet ko si Igi!

“Hindi…super love ko yan!

“Parang kapatid ko na siya mula pa sa Goin’ Bulilit. Pero kami ni Igi, walang malisya-malisyahan,” banggit pa ni Kiray sa longest-running gag show na pinagmulan din ng iba’t ibang child stars ng Kapamilya station.

Pero kung ligawan nga siya ni Igi Boy, posible kayang magustuhan niya ito?

Natatawa muling sagot ni Kiray, “Actually, si Igi po, sobrang bait.

“Actually, sa lahat ng boys namin, siya yung hindi luko-loko. Kasi ang mga lalaki ngayon, alam lang landian.

“Aminin naman natin, life fling-fling-an lang. Lalo na yung ka-age ni Igi, ka-batch namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Igi kapag may ginawa siya, seryoso talaga siya, sincere siya.”

REAL CRUSH. Mabilis naman ang sagot ng 17-year-old nang tanungin kung sino ba talaga ang showbiz crush niya.

“Si Sam Milby! It’s like a decade?! Decade talaga,” pakikay pa niyang sagot.

“Sobrang bait kasi ni Kuya Sam. Hindi ako by the look.

“Actually, maraming guwapo rito sa work namin. Magsasawa ka sa lahat ng guwapo. Palagi kang mabubusog sa rami ng guwapo. Pero, iba yung hindi nagbabago ang ugali.

“Since PBB days nga, hindi siya nagbago at hanggang ngayon, yun pa rin ang ugali niya.

“Hindi naman po yung crush na, kasi guwapo siya, kundi sa ugali rin po siguro.

“Hindi ka naman tatagal sa kanya kung guwapo lang. Iba talaga kapag personality na talaga,” patuloy ni Kiray.

NOT JUST COMEDY. Naniniwala naman ang Luv U star na marami pa siyang puwedeng gawin bukod sa pagpapatawa.

“Actually, nag-start ako noon…actually, nag-start po ako bilang singer sa MTB,” banggit ni Kiray sa dating noontime show na kinabibilangan niya.

“Tapos, hindi ko po alam…yung Goin’ Bulilit, madaling magsabi ng mga jokes. Pero actually, mahirap din kapag binitawan mo. Depende sa bitaw. So, mahirap magbitaw ng jokes.

“So, nagulat ako sa Goin’ Bulilit, si Kira, Goin’ Bulilit,” banggit ng teenager sa pangalan niya sa kiddie gag show.

“Pero after no’n, nabakante rin po ako. Nag-graduate din ako.”

Napasali si Kiray sa Goin’ Bulilit nung 2005 at nanatili roon hanggang 2007.

“Years din po akong nawala. Ang comeback ko na, Mara Clara. Masaya ‘ko ro’n kasi, natatawa sila at the same time, sobrang naiinis sa character na si Desiree.

“Doon ko napakita na, marunong din pala akong magmaldita. Kasi, ang hirap magmaldita. Madali lang magpaawa kasi, yun ang ginagawa ko sa Goin’ Bulilit, ako ang kinakaawaan. Pero, this time, ako ang nang-aaway,” aniya pa nang mapasali na raw siya sa Mara Clara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At naramdaman ko rin na first role ko na serious, yung movie ko na The Mommy Returns. First time kong gumawa na seryoso, walang patawa.”

Ang The Mommy Returns ay ang 2012 comedy movie ng Regal Films na kinatatampukan nina Ruffa Gutierrez, Pokwang, at Gabby Concepcion.

Ani Kiray, kahit na comedy ang pelikula ay nagdrama rin siya roon.

“Na-appreciate naman nila na hindi naman daw nakakatawa ang face ko.

“E, palagi nilang sinasabi na, ‘Ano ba yan, umiiyak ka na ba o nagpapatawa?’

“Pero ro’n, napakita ko na hindi lang ako pang-comedy, pangmaldita, puwede rin akong umiyak na hindi ako natatawa,” pagmamalaki ni Kiray.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN