International Boxing Federation junks Team Philippines’ protest of Mark Barriga’s loss

Nawala ang pag-asa ng Pilipinas na makasungkit ng medalya sa boxing sa ginaganap na 2012 London Olympics matapos matalo ang Filipino boxer na si Mark Barriga sa round-of-16 match laban sa boxer mula sa Kazakhstan.


Ibinasura ng International Boxing Federation ang protesta ng Amateur Boxing Association of the Philippines sa dalawang puntos na binawas sa Filipino boxer na si Mark Anthony Barriga, sa round-of-16 match nito laban kay Birzhan Zhakypov ng Kazakhstan.

Ginanap ang laban noong Sabado, August 4.

Dahil sa two-point deduction na ito ay natalo si Barriga kay Zhakypov, 16-17.

Ayon sa report ng spin.ph, iprinotesta ng Team Philippines ang resulta ng laban dahil nagkamali diumano si Canadian referee Roland Labbe sa pagbibigay ng warning sa 19-year-old Filipino boxer dahil sa “excessive ducking” sa unang minuto ng third round.

Ito ang naging dahilan kung bakit nabigyan ng karagdagang dalawang puntos ang Kazakh boxer.

Makalipas ang isang oras pagkatapos nilang mag-file ng protesta at magbayad ng 500 dollars, natanggap ng mga opisyales ng Team Philippines ang masamang balita: nagdesisyon ang board of jury na ibasura ang kanilang protesta.

Ayon sa board of jury, ang protesta ng Team Philippines “was subjective and not based on technicality.”

Hindi naman matanggap ng executive director ng Amatuer Boxing Association of the Philippines na si Ed Picson ang desisyong ito ng board of jury.

Aniya, "They made the decision even without watching the tape of the bout.’’

Ayon sa ilang eksperto, sa 11 athletes na ipinadala ng Pilipinas sa London ay sa boxing ang may pinakamalaking tsansa na makakuha tayo ng medalya.

Ngunit sa pagkatalong ito ni Barriga ay nawala na nang tuluyan ang pag-asa ng Pilipinas na makasungkit ng medalya sa 2012 London Olympics.

Para sa karagdagang report sa isyung ito, bisitahin ang spin.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN