Kristoffer King on what he’s willing to do for fame and money: “Sa ngayon siguro, kahit patulayin ako sa alambre, e, gagawin ko!”

Walang pag-aalangang inamin ng indie film actor na si Kristoffer Martin na kumakapit siya sa patalim kapalit ng pera. Nang tanungin kung bakit niya ito inamin, sumagot si Kristoffer ng: "E, kailangan, e. Pero ingat na ingat akong magkaroon ng record na masama."


Madalas na ikinukumpara si Kristoffer King kay Coco Martin.

Gaya kasi ni Coco ay nakilala rin si Kristoffer sa paggawa ng indie films.

Katulad din noong nagsisimula pa lang si Coco ay mapangahas si Kristoffer sa pagtanggap ng roles sa pelikula, kahit na may nude or sex scenes ang mga ito.

Ilan sa mga nagawang indie films ni Kristoffer ay ang mga sumusunod: Ang Babae Sa Breakwater (2003), Masahista (2005), Foster Child (2007), Tirador (2007), Serbis (2008), at Oros (2012).

Nakasama ni Kristoffer si Coco sa Masahista, Tirador, at Serbis—na pawang idinirek ni Brillante Mendoza.

Sa Oros ay napagwagian ni Kristoffer ang New Breed Best Actor award sa katatapos lang na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Isa sa tinalo niya sa kategoryang ito ay si Coco na bida sa entry na Sta Niña.

Ito ang unang acting award ni Kristoffer, na nakilala rin sa kanyang pagiging mapangahas pagdating sa pictorial.

Nag-guest si Kristoffer sa pilot episode ng bagong showbiz-talk show ng TV5 na Ang Latest noong Sabado, August 4.

Isa sa mga tanong sa kanya ay kung sino mas magaling umarte sa kanila ni Coco. Sa palagay ba niya ay mas nabigyan lang ng maraming break si Coco kaysa sa kanya?

Sagot ni Kristoffer, “Hindi naman siguro, hindi ko nga nararamdaman na artista ako, e."

Aminado si Kristoffer na nararamdaman niya ang pressure sa pagwawagi niya ng acting award.

Saad niya, “Talagang naghalo yung tuwa at kaba siyempre.

“Iniisip ko, ‘Dyusko, pag may kumuha, mag-e-expect sila ng ano… ng mas ano ito, best actor.’

"Kailangan mag-ano [galingan]… yun, kaya ako kinakabahan.”

WHO IS KRISTOFFER? Tinanong din si Kristoffer tungkol sa kanyang pinagmulan.

Lahad ng indie actor, “Lumaki ako sa Baclaran.

“Bago ako mag-showbiz, mayroong business yung father ko, yung agency sa Japan.

“Sa Don Bosco ako nag-aral simula prep hanggang high school.

"Tapos yung fourth year ko na, nagkasakit yung mother ko sa kidney, naubos yung pera namin dahil sa dialysis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin daw kinaya ng ina ni Kristoffer ang karamdaman nito at pumanaw noong fourth year high school ang aktor.

Nag-asawa rin daw agad ang kanyang ama at sa murang edad niya ay natutunan na ni Kristoffer na magbanat ng sariling buto.

THE AUDITION. Kinalaunan, nag-audition si Kristoffer para sa pelikulang Ang Babae Sa Breakwater ng yumaong direktor na si Mario O’Hara.

Kuwento niya, “Basta nag-audition na lang ako kay Direk Mario O’Hara, tapos yun, sabi niya, ‘Okay, ikaw na yung ano…’

"Hindi ko pa naiintindihan yung mga lead, lead na ‘yan.”

Sa pelikula ay may nude scene agad si Kristoffer. Hindi ba siya na-shock na nagpakita siya kaagad ng katawan?

“Hindi naman, kasi sabi nila sa akin, marami ang may gusto sa role na ‘yan,” sagot ni Kristoffer.

KAPIT SA PATALIM. Kahit na naging sunud-sunod ang kanyang mga pelikula, hindi raw naging sapat ang kanyang kinikita kaya daw napilitan siyang gumawa ng “ibang bagay” bukod sa pag-arte.

May usap-usapan kasi sa loob ng showbiz na pumapatol si Kristoffer sa mga bading at matrona kapalit ng pera.

Tanong ng Ang Latest sa sexy actor: May mga nagsasabing kumakapit ka daw sa patalim?

“Oo,” walang kagatul-gatol na sagot ni Kristoffer.

Bakit niya ito inamin?

"E, kailangan, e. Pero ingat na ingat akong magkaroon ng record na masama," walang pag-alinlangang sagot ni Kristoffer.

Hanggang saan ang kaya niyang ibigay para sumikat at magkapera?

“Sa ngayon siguro, kahit patulayin ako sa alambre, e, gagawin ko!” tugon ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN