Former Pinoy Dream Academy runner-up Jay-R Siaboc reveals why he quit showbiz: "Hindi ko kaya yung dumi ng trabaho."

Pagkatapos manalong first runner-up sa Pinoy Dream Academy ay nagsimula na sanang umusbong ang career ni Jay-R Siaboc, pero hindi ito nagdire-diretso hanggang sa nagdesisyon siyang tumigil na lang sa pag-aartista. Ayon kay Jay-R, bad publicity at maruming laro sa showbiz ang dahilan kung bakit siya huminto.


Bigla na lamang nawala sa sirkulasyon ang Pinoy Dream Academy Season 1 runner-up na si Jay-R Siaboc.

May usap-usapan na bumalik daw si Jay-R sa Cebu at ngayo’y tricycle driver na raw ang trabaho.

Dinayo ng bagong showbiz talk show ng TV5 na Ang Latest si Jay-R sa kanilang bayan sa Cebu upang malaman ang katotohanan tungkol sa isyung ito.

FALLING STAR. Sa panayam sa singer-actor ay malungkot na binalikan ni Jay-R noong active pa siya sa showbiz pagkatapos niyang maging first runner-up sa Pinoy Dream Academy noong 2006.

Aniya, “Siyempre enjoy na enjoy ko yun kasi, una, masarap yung pinapalakpakan ka ng tao talaga, e. Tapos gusto mo yung ginagawa mo.

“Napundar ko like… yun, nakabili ako ng kotse. Tapos bahay namin, medyo napaayos ko ng konti.”

Naging masalimuot daw ang takbo ng career ni Jay-R nang palagian siyang maging laman ng mga balita. Katulad ng diumano’y palagi nilang pag-aaway noon ng kanyang ka-live-in partner na si Irish Fullerton.

Dahil dito, naapektuhan ang kanyang career, lumamlam ang kanyang bituin, hanggang sa tuluyan nang nawalan ng trabaho.

Sabi ni Jay-R, "Bigla akong nawala sa showbiz, siguro sabihin na lang natin.

"Ako, naniniwala sa pana-panahon lang, kasi parang ganun na lang talaga—minsan may trabaho ka, minsan nagustuhan ka, minsan hindi ka nagustuhan.”

Nalulong ba siya sa bisyo?

“Hinding-hindi po totoo yun na nawala ako sa showbiz dahil nalulong ako bisyo,” tanggi niya.

“Tanggap ko na may mga ganung isyu talaga, kasi halos ganun karamihan, e.

“Porke’t galing ako sa ganito, tambay nga, ganun...”


TRICYCLE DRIVER? Nilinaw rin ni Jay-R ang tungkol sa naghihirap na raw siya at tricycle driver siya sa Cebu.

“Hindi po totoong nagta-tricycle driver po ako.

"At saka po, unang-una, hindi po ako marunong mag-motor.

“Buhay ko ngayon, masasabi ko, medyo okay naman.

“Siyempre hindi kasing okay nung nandun ako sa Maynila, nung may ginagawa pa akong trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, meron akong out-of-town shows. Paminsan-minsan, may mga kakilala ako na iniimbita ako.”


Isiniwalat din ni Jay-R ang tungkol sa isang masamang karanasan na kanyang pinagdaanan.

“Isang bagay na nagpapasuko sa akin sa showbiz sa Maynila, hindi ko kaya yung ano... sorry kung puwede ko bang sabihin—dumi ng trabaho.

“Nasasaktan ako, kasi alam kong yun lang ang pag-asa ko.

"Kaso hindi ko nga makayanan, hindi ko alam kung bakit,” pag-amin niya.


HOPEFUL JAY-R. Sa ngayon, handa na raw si Jay-R na muling bumangon sa pagkalugmok ng kanyang karera at harapin ang mga hamon ng buhay.

Pangako nito, “Handa na ako sa anumang dumi or kahit anong laro sa Maynila.

“Dapat marunong kang... yung just go with the flow. Kung saang lugar ka marunong kang makibagay, marunong kang maglaro.

“Nagpapasalamat ako sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin, sa kakayahan ko, pagiging ako…

“Hayaan ninyo po at mas gagalingan ko pa po, at mas ipapakita ko pa sa lahat kung sino ba talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN