Dingdong Dantes celebrates 32nd birthday with family and Marian Rivera in Hong Kong

Apat na araw nanatili si Dingdong Dantes, kasama ang kanyang buong pamilya at kasintahang si Marian Rivera, sa Hong Kong, bilang selebrasyon ng kanyang ika-32 kaarawan. Na-appreciate daw nang husto ng aktor ang ginawa ni Marian na maglaan ng apat na araw para sa kanya.


Kababalik lang sa Pilipinas ni Dingdong Dantes mula sa ilang araw na pagbabakasyon sa Hong Kong, kasama ang buong pamilya at ang girlfriend niyang si Marian Rivera.

Sa Hong Kong nagdiwang ng kanyang 32nd birthday si Dingdong. Noong August 2 ang aktuwal na kaarawan ng actor-TV host.

Bago sila pumunta ng Hong Kong, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong kung ano ang birthday wish niya, pero noon ay sinabi nitong hindi pa raw niya maisip kung ano.

Nang muling makaharap ng PEP si Dingdong, pagkatapos ng kauna-unahang gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break kagabi, August 5, ay alam na raw niya ang kanyang birthday wish.

Natupad naman daw ito.

“Nag-wish ako, e, sabi ko, sana hindi umulan.

“Tuwing birthday ko kasi, umuulan. Walang birthday ako na hindi umuulan.

“So, sabi ko, sana hindi umulan kasi magdi-Disneyland kami.

“Sobrang init naman, ibang klase sa Hong Kong!

“So, nagkatotoo naman yung wish ko,” saad ng Kapuso actor-TV host.

SIMPLE CELEBRATION. Ano ang kaibahan ng naging birthday niya ngayon?

“Ang kaibahan niya, ayokong mag-celebrate nang malaki. Gusto ko lang, kumpleto kami na family.

“Kasi, first time na nangyari na kumpleto kaming family. Tapos, kasama ang mga asawa ng mga kapatid ko.”

Bakit niya naisip na ganoong paraan niya i-celebrate ang birthday niya ngayon?

“Kasi every Sunday, may dinner kami. Parang ginawa naming practice yun na once a week, nagkikita-kita kami, nagluluto ang mommy ko. Para bonding.

“Sabi ko, parang gusto ko yung feeling na gano’n.

“Sa birthday ko, sabi ko, gusto ko, dalhin natin sa labas o sa ibang lugar na medyo matagal.”

TRIP TO HONG KONG. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong kung ano ang mga ginawa nila sa Hong Kong for four days.

“Basic lang… ako, lakad-lakad lang. Yun ang pinaka-importante sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-enjoy ako sa isang show na pinanood namin—it’s called House of Dancing Water. Sa Macau yun.

“It’s a billion-dollar production na parang times ten ng Cirque de Soleil. Parang ganoon, ibang klase, e.

“I was really amazed, sobrang sulit! Kaming lahat nanood.”

Para kay Dingdong, malaking bagay na binakante talaga ni Marian ang apat na araw para makasama nila.

“Nakakatuwa, kasi matagal ko nang plinano.

“Sabi ko, ’Kung puwede, itong mga petsang ‘to, kung puwede, reserve niyo lang.’

“I’m sure, busy rin siya. Pero pinagbigyan niya ako, sila ng manager niya [Popoy Caritativo].”

MARIAN’S BIRTHDAY GIFT. Siyempre pa, hindi maaaring hindi tanungin si Dingdong kung ano ang naging birthday gift sa kanya ni Marian.

“Well, she treated us ng isang dinner. Pero para sa akin, it’s more than enough na kasama siya,” sagot niya.

Kilala ang magkasintahan sa pagiging galante sa pagpapalitan ng regalo. Minsan nga ay niregaluhan ni Marian si Dingdong ng Ducati motorcycle.

Wala nang iba pa?

“Wala na, okay na, sapat na yun para sa akin,” nakangiting sabi ni Dingdong.

Sa Linggo, August 12, ay ang 28th birthday naman ni Marian. Pero wala pa raw nakahandang regalo si Dingdong para sa kasintahan.

“Hindi ba puwede yung overall trip na namin na yun?” natatawang biro ng Protégé host.

“Honestly, wala pa, wala pa kong naiisip.

“Pero, ako naman kasi, kadalasan, three of four days bago yung actual event, doon talaga merong pumasok.

“Doon ako may naiisip na ito yung okay, ito yung magugustuhan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN