Meet the Top 8 male students of Artista Academy!

Artista Academy Top 8 male students: (L-R) Chris Leonardo, Akihiro Blanco, Mark Neumann, Vin Abrenica, Jon Orlando, Benjo Leoncio, Alberto Bruno, and Brent Manzano.


Nakausap at nakilala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang walong male students ng Artista Academy, ang pinakabagong artista search ng TV5.

Kahapon, August 5, sa Broadway studio ng TV5, isa-isang in-interview ng PEP ang walong kabataang lalaki na pinalad makapasok sa Top 16 ng Artista Academy.

CHRIS LEONARDO, 20, LAGUNA.

Bakit siya sumali sa Artista Academy?

“Sumali po ako ng Artista Academy kasi tinray ko po na baka makapasok po ako dito.

“Tinray ko po yung mga chance na puwede pong makuha ko yung mga opportunities na puwedeng makuha ko. Kasi ang Artista Academy, break po ito sa mga gustong mag-artista.

“So, ako po, nag-try po ako para at least matulungan ko yung lola at lola ko—yung mga tao pong sumusuporta sa akin, yung mga taong tumutulong at nagmamahal po sa akin.

“Kasi ang nag-aalaga po sa akin, yung lolo at lola ko. Sila po ang nagpalaki sa akin at nagsilbing mga magulang ko, na nanay at tatay ko.”

Hinahanap ni Chris ang biological father niya na isang foreigner. Nasaang bansa ang father niya?

“Hindi ko po sure.

“Ang kuwento po ng lolo ko, yung mother ko po, nag-a-abroad siya, para siyang… dancer.

“So palipat-lipat sila ng bansa ang grupo niya, so siguro nakilala niya yung father ko, tapos….”

So “nabuo” siya sa abroad.

“Yata po, kasi umuwi po mama ko, buntis na.”

Mula nang ipinanganak si Chris ay hindi pa raw niya nakikita ang tatay niya.

“Opo, kasi yung father ko daw po, gustong umuwi ng Pilipinas kasi ikakasal sila ng mother ko, gusto nilang magpakasal.

“Pero nung ikakasal na po sila, yung father ko daw po, kuwento ng lolo ko, naaksidente, nabalda po yung isang paa, so hindi siya nakauwi.

“Gusto niya po akong kunin, pero hindi po ako ibinigay ng mama ko.

“E, siyempre, sabi nila, bakit ibibigay? Sabi ng lolo ko, ‘Pakasalan mo muna ang anak ko, ibibigay ko ang apo ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After po nun, hindi ko na po alam, kasi wala po talaga silang ikinukuwento sa akin.”

ALBERTO BRUNO, 16, MARIKINA.

Isang Filipino-Italian si Alberto Bruno.

Nang tanungin kung naniniwala ba siya na “Italians are great lovers,” ito ang sagot niya:

“Opo. Kasi po doon nanggaling yung mga pinakamagagandang story, like Romeo and Juliet… madami.”

Paano niya ilalarawan ang Italian men?

“Kasi po ang mga lalaking katulad ko, katulad ng ibang mga tao dito, parang sasabihin nila e medyo playboy ako.

“Pero ako, malambing lang talaga ako sa babae.

“Pero pag nagmahal talaga ako, bilang isang lalaki at bilang isang Italian…

“Kahit hindi na sabihing Italyano, basta pag nagmahal ako, talagang minamahal ko nang todong-todo.”

Idol daw ni Alberto and komedyanteng si Michael V.

“Opo, kasi nung napanood ko si Michael V sa Bubble Gang, dun talaga ko siya nagustuhang panoorin.

“Hindi ako nabo-boring panoorin si Michael V. Nag-e-enjoy ako kaya siya ang idol ko.”

BENJO LEONCIO, 21, CEBU

Kung hindi siya manalo sa Artista Academy, ano ang backup plan niya?

“If ever hindi ako sinuwerte dito, tatanungin ko po yung manager ko kasi may iba siyang plans para sa akin,” sagot ni Benjo, na talent ni Jonas Gaffud ng Mercator Artist & Model Management.

Dagdag niya, “Ive been doing commercials na po.

“Actually, nag-e-enjoy po ako sa shooting na may kamera, sa shooting ng commercial ko.

“Talagang hindi ako napapagod kahit yung tulog ko two to three hours lang.”

Wala bang pressure na ang mga co-talents niya sa Mercator ay sina JC Tiuseco, Mikael Daez, Venus Raj, Shamcey Supsup, at ang mga Brapanese hunks na tulad nina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, at Akihiro Sato?

“Actually, wala po, kaibigan ko silang lahat. Nung nakilala ko sila nun, parang, ‘Teka, totoo ba ito? Ito ba si Fabio Ide?’

“Mabait sila, ‘Benjo, you’re from Cebu, right?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos nung bago pa ako dito, nung hindi pa ako marunong mag-Tagalog, hindi talaga ako nakakaintindi ng Tagalog, tinutulungan nila ako.”

Sideline ni Benjo ang modelling kaya nakakaipon siya at hindi na humihingi ng allowance sa parents niya.

“Praktikal po ako na tao.

“Kapag may watch na ako, hindi na ako bibili ng bago pa. Kapag may mga shirts na ako, hindi ko ugali na bumili ng marami na hindi ko naman magagamit lahat.

“Mahilig po akong tumulong sa mga tao,” sabi pa ni Benjo.

BRENT MAANZANO, 20, QUEZON CITY

Mahalaga naman ang rason ni Brent Manzano sa pagsali sa Artista Academy.

Aniya, “Sumali po ako dito kasi bata pa lang po ako, pangarap ko nang maging artista.

"Tsaka ito rin po ang gagamitin ko para mabuo yung pamilya ko.

“Kasi yung tatay ko po, hindi ko na nakikita. Once lang po kami nagkita, seven years old po ako.

“Tapos yung mama ko po, magkahiwalay po kami kasi wala po akong pera, wala po akong…

“Kumbaga, wala rin po siyang pera, wala po siyang trabaho.

“Kaya malaking bagay po yung Artista Academy, kaya po ako sumali dito, para mabuo ang pamilya ko.”

Kuwento pa ni Brent, “Nagre-rent lang po ako ng apartment.

“Ngayon po… ito na lang pong lumaki ako, hindi na po kami magkasama.

“Seventeen po ako nung humiwalay ako, since po umalis siya [his mother], nag-abroad po.

“Solo po akong nabubuhay, wala po akong kapatid.

“Doon po sa tinirhan ko sa Bulacan, yung bakanteng lote po dun, yung mga kapitbahay ang tumulong sa akin.

“Kasi nung time na may pera po kami, may kaya pa po kami, marami po kaming natulungan sa area po namin.

“So, nung kami naman po yung nawalan, kumbaga, sila naman po ang tumutulong sa akin.”

Sa Bulacan lumaki si Brent at sa Cavite naman siya nagsimulang mamuhay mag-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May bahay po kami sa Cavite, tapos nabenta po yung bahay, hanggang sa kailangan ni Mama na umalis na.

“So, ako po, lumipat po ako sa bakanteng lote na may bahay lang po siya na tambakan ng basura, wala pong kuryente.

“Mga six months po ako tumira doon habang nag-aaral po ako. Sixteen po ako noon, twenty na ako ngayon.

“Pagka-seventeen ko po, pagka-graduate ko ng high school, pumunta na po ako ng Maynila hanggang ngayon.”

Paano siya nabuhay?

“Nag-biki-bikini open po ako, nag-pageant–pageant.”

Hanggang ngayon ay solo siyang namumuhay, bagamat may isang tiyahin na patuloy na tumutulong sa kanya.

VIN ABRENICA, 21, PAMPANGA

Nakababatang kapatid ng Kapuso star na si Aljur Abrenica si Vin Abrenica.

Ano ang advantage at disadvantage na kapatid siya ni Ajur?

“Ang advantage ko po dun, sa tingin ko, na kapatid ko si Aljur… ang advantage ko po e sikat na po siya, so madali. Minsan po natatawag akong Aljur, so medyo kilala na po ako.

“Ang disadvantage naman po e marami po akong pressure, kasi si Kuya, nandiyan na po siya. Kung hindi ko po gagalingan, male-left out po ako.”

Boto ba siya kay Kylie Padilla para kay Aljur?

“Hindi ko po alam kung sila na, pero kung magiging sila po, why not?

“Wala naman po akong magiging against kung ano ang gusto ng puso ng kuya ko.”

Kay Kris Bernal ay boto rin daw si Vin.

Kanino siya mas close?

“Kay Kylie po ako mas close, kasi po dati po, nag-dinner na kami.

“Si Kris po, nakakasama ko siya sa tapings po ni Kuya nung bago pa lang siyang nag-aartista, nung loveteam pa po sila.

“Tapos si Kylie, lumalabas po sila sa Party Pilipinas kasama yung ibang artista. Iyon po, nakaka-bonding ko, kaya mas close kami ni Kylie.”

Nilinaw naman ni Vin na hindi tototong ang kuya niya ang nagdesisyon na sa Artista Academy siya sumali at hindi sa artista search ng GMA-7 na Protégé.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Choice ko po na dito sa Artista Academy sumali, kasi po I’ve heard na school po ito.

“Actually, dati po, thankful po ako na nakakakuha ako ng mga offers pero mas pinili kong mag-aral.

“Ang gusto ko po, maabot ang isang bagay na pinaghirapan ko, ayoko pong mag-shortcut.

“Gusto ko po na dumaan sa tamang proseso bago ko maabot ang pangarap ko.”

AKIHIRO BLANCO, 17, PASIG.

Pamangkin naman ng Lorenzo’s Time star na si James Blanco si Akihiro Blanco.

Sumali siya sa Artista Academy dahil:

“Pangarap ko po maging artista at, yun nga po, parang school, gusto ko po muna matuto bago ako sumabak sa mga project-project.”

Kung hindi siya manalo, ano ang plano niya?

“Ang plano ko po, if ever hindi ako manalo, bibigyan naman po kami ng contract ng TV5.

“Kasi pag Top 16, may contract na, so siguro po itutuloy ko na lang po yung trabaho na iyon.”

Half-Japanese si Akihiro.

“Yung daddy ko po, Japanese. Tapos yung mom ko po, Filipina."

Ang totoo niyang apelyido ay Ishii.

Inamin naman niyang ginamit niya ang Blanco sa screen name niya dahil sa Uncle James niya.

MARK NEUMANN, 17, QUEZON CITY.

Filipino-Croatian naman si Mark Neumann.

Ano ang advantage niya sa ibang male aspirants?

“Alam ko hindi ako talagang magaling tulad ng iba, for example, mga specialties nila na singing, dancing, and acting.

“Pero I’m always willing to give my best in all I do, and I always want to give my best in all the performances.”

Sino sa palagay niya ang ang pinakamahigpit niyang kakumpitensiya?

“A, si Vin, kasi he is an all-around performer and hardworking po talaga.

“Si Chris sa dancing, si Brent sa singing and acting, especially sa drama po.”

Ano ang strength niya?

“Sa tingin ko, as of the moment, dancing po.

“Pero I’m getting better in acting as well, dahil may nag-mention sa mga mentors na I was one of the best actors when we were performing sa first teacher namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sa tingin ko po, iyon.”

Hindi siya naiilang kapag may kamera na sumusunod sa kanila mula gumising hanggang sa kabuuan ng araw?

“Sa una po, hindi po ako sanay, lagi walang energy, yung normal.

“Pero sa Artista Academy, lagi kailangan ganun ang dating—masaya, always smile, always may energy kahit pagod.

“So, sa una po, lagi akong ganun-ganun lang. Pero sinasabi nila na smile lang ako lagi, and lagi may energy dapat palagi.”

Nagtrabaho dati si Mark sa isang shampoo factory sa England.

JON ORLANDO, 19, MANILA

Kung suwertihin siyang manalo, ano ang una niyang gagawin?

“The first thing I would do is call my mom and get her first class tickets.

“I’ll fly her first class to the Philippines kasi ang nanay ko ay nakatira sa Canada.

“Ang lahat ng family ko ay nasa Canada, so the first thing I’m gonna do is fly them all out back here sa Pilipinas,” sagot ng Filipino-Italian contestant.

Kuwento pa ni Jon, “Tumira ako sa squatters’ area dati, kasi ang nanay ko ay mahirap ang family dito sa Pilipinas, so tumira ako sa family house namin sa Lerma malapit sa Quiapo.

“So ang goal ko ay to help them out.

“Gusto kong in the future, even if I don’t win this, siguro hindi pa kasya ang pera ko, pero in the future, I wanna help build a community center, a basketball court para sa kanila.

“Kasi I hate that they play out on the streets, that they tambay on the streets.

“Just to have a safe place para sa kanila, even just tambay lang, so they won’t be in involved in bad things around us.

“That’s my main, main, main goal, ang dahilan kung bakit nandito ako sa Pilipinas.

“Siyempre, also to help my mom and my family as well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jon, mas lamang sa kanya ang pagiging Pilipino.

“I’m just an undercover Filipino in a white man’s body. Ang puso ko ay talagang Pilipino.”

ARTISTA ACADEMY. Ang mananalong Best Actor at Best Actress sa Artista Academy ay tatanggap ng kabuuang premyo na P20 million at lead roles sa mga upcoming teleserye ng TV5.

Napapanood ang Artista Academy mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Si Marvin Agustin ang reality host at si Cesar Montano naman ang live exam presentor tuwing Sabado.

Live exam critics naman sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, at ang TV5 Talent Center Head na si direktor Mac Alejandre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN