Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz

Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg">

Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg">

Sandali pa lang si Dom Roque sa showbiz, pero meron nang fans ang love triangle nila nina Paul Salas at Ella Cruz sa seryeng Aryana. Pinabulaanan niyang ipinasok siya sa Aryana dahil hindi click ang tambalang Paul at Ella. Pagtatanggol niya, “’Pinasok ako sa Aryana para magkaroon ng kaunting gulo sa loveteam!”


Pinabulaanan ng baguhang si Dom Roque na ginamit niyang pasaporte ang pagiging pamangkin ni Beth Tamayo para makapasok sa showbiz.

Unti-unti na ring nakakagawa ng pangalan si Dom, lalo na’t regular na siyang napapanood sa seryeng Aryana ng ABS-CBN.


NO INFLUENCE. Dumipensa si Dom sa mga nagsasabing ginamit niya ang kanyang Tita Beth Tamayo.

“Hindi ko inisip kahit kailan na gamitin siya, o ginamit ko siya para makapasok sa show business, kasi naiisip ko ang pangit naman ng ganun…

“Na gagamitin ko ang kamaganak ko para magkaroon ako ng pangalan.

“Kahit gamitin ang pangalan ni Tita Juday [Judy Ann Santos] sa mga shows niya, kasi parang pangit tingnan…

“Na tuwing may show siya kasama ako, parang package deal?”

Si Judy Ann Santos ay kilalang kaibigang matalik ni Beth Tamayo.


BETH TAMAYO ABROAD. Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dom ang kanyang Tita Beth at kung nakakapag-usap ba silang dalawa.

“Okay naman siya. Magkausap kami madalas, magka-BBM [Blackberry Mobile] kami. Masaya siya, nagtatrabaho siya dun.”

“Baka early next year, babalik siya dito.”

Kahit nasa San Francisco, U.S., ang tiyahin, nakapagbibigay pa rin daw ito ng advice sa pamangkin.

“Mag-focus daw ako sa trabaho, huwag masyadong labas nang labas, gimik-gimik,” pag-amin ni Dom.

“Dapat marunong daw akong makisama sa mga katrabaho ko, alagaan at mahalin ko raw ang trabaho ko.”


FUGITIVE. Aware ba si Dom na may usap-usapang kaya umalis ng bansa ang tiyahin ay dahil sa mga kasong kinahaharap nito at dahil maraming nagbabanta sa buhay niya at ng kanyang asawa?

“Siguro dahil sa isyu ng asawa niya, pero sa totoo lang, wala naman siyang kasalanan. Naipit lang siya kasi asawa niya, foreigner.”

Ayon kay Dom, bukas siya sa pakikipag-trabaho sa tiyahin kung sakaling mag-decision ang huli na bumalik uli sa pag-aartista.

“Oo, siyempre, masaya yun na makasama ko siya sa pelikula o serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati naman kasi, di namin inisip na papasok ako sa showbusiness na ganito, pero nangyari nga.”


NEXT LEADING MAN? Sa maikling panahon ni Dom sa show business ay masasabing mabilis ang tinatakbo ng career niya at nakabuo na siya ng liga ng mga tagahanga.

Sa ngayon nga ay sinasabing isa siya sa mga isusunod na ipu-push na leading men ng Kapamilya network.

“Hindi ko in-expect na ganito, na sobrang biglaan nga. Tapos nagulat din ako na tinatanggap ako ng mga tao…

“Na maganda naman ang rekasyon nila sa ginagawa ko sa Aryana, kaya sobrang salamat sa mga sumusuporta sa akin.

“Sana nga, gagalingan ko na lang talaga. Sobrang focus talaga ako sa trabaho ko.”

Ipinasok sa Aryana bilang ka-love triangle si Dom nina Paul Salas at Ella Cruz.

At kaya raw ipinasok ang karakter ni Dom ay dahil hindi gaanong kinakagat ng tao ang tambalang Paul at Ella?

“Hindi naman siguro ganun. Pinasok ako sa Aryana para magkaroon ng kaunting gulo sa loveteam!

“Sobrang saya sa set ng Aryana, ang sarap na katrabaho ng mga kasama ko.

“Enjoy-enjoy lang, tapos focus sa work,” pagtatapos ni Dom.

Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg">


Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg"> Dom Roque denies using aunt Beth Tamayo’s influence to join showbiz" data-url="https://www.pep.ph/news/35189/dom-roque-denies-using-aunt-beth-tamayo39s-influence-to-join-showbiz" data-desc="Is Dom Roque being groomed for leading roles in next projects of ABS-CBN?" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/331002971.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN