Part 2. Maxene Magalona overwhelmed by high ratings of Faithfully; says Julie Anne brings out the best in Elmo

“I’m really thankful for all the wonderful comments and great feedback from the people na talagang sinasabi nila na ang laki na raw ng in-improve ko. And you know, I appreciate it na nalalaman ko na yun ang tingin nila, kasi I always believe na there’s always room for improvement," sabi ni Maxene Magalona tungkol sa papuring natatanggap sa kanyang pagganap ng Stella sa Faithfully.


Masayang-masaya si Maxene Magalona sa consistent na mataas na ratings na nakukuha ng afternoon teleserye niya sa GMA-7, ang Faithfully.

Natanong tuloy ng PEP kung extended ba ang pag-ere nito?

“Ang alam ko, oo.

"Pero for now, you know, I’m just really enjoying kasi hindi namin inakala na magiging ganito kataas ang ratings ng show namin.

“Hindi namin in-expect ito, so talagang maraming salamat, kasi ang ganda po talaga ng istorya.

“And, hindi lang yun, yung cast namin, sobra kaming okay.

“Minsan, bumisita kayo sa set namin, tingnan niyo kung gaano kami kagulo.

“From all the girls, parang some are saying na may rivalry, na nagiging competitive kami sa isa’t isa.

“But no, not at all! Kasi the reason why the show is doing so well, kasi we act so well sa TV and our chemistry is so good.

“And, of course, all of us are so close na talaga.

“Alam mo yun, sampalan, iyakan, sigawan, pero pag cut na, lahat kami enjoy talaga.

“Minsan napapagalitan na kami ng direktor namin na, ‘Oy, tama na iyan, masyado na kayong magulo.’

“Pero yun, the most important thing is when it comes to work, work talaga.

“Pero enjoy kami sa set, bonding kami nang bonding. Masaya talaga, super-duper fun."

Kasama ni Maxene sa Faithfully sina Michelle Madrigal, Isabel Oli, Vaness del Moral, at Isabelle Daza.

Patuloy niya, “And this is the first show na ginagawa ko na single ako, kaya enjoy. Ibig sabihin, focused talaga ako sa work.

“I’m really thankful for all the wonderful comments and great feedback from the people, na talagang sinasabi nila na ang laki na raw ng in-improve ko.

“And you know, I appreciate it na nalalaman ko na yun ang tingin nila, kasi I always believe na there’s always room for improvement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Never kong masasabi na nadun na ako at na-reach ko na lahat because marami pang puwedeng mangyari at puwedeng gawin.”

PALABAN. Nagiging palaban na nga raw ang character niya sa show bilang si Stella.

“Oo, palaban na. Kasi marami nang napipikon kay Stella, e.

“Kung ako rin, mapipikon ako kay Stella, e, kasi ang tanga-tanga niya.

“Pero yun, magandang-maganda yung twists namin sa show kasi, yun na nga, ang dami, e—action-packed na siya ngayon, e.

“Kasi si Stella, muntik nang magpakamatay, and we have to shoot this scene na tumalon si Stella.

“Yun, after that scene, kailangan ding maghiganti ni Stella.

“Ang dami niyang iba-ibang ginagawa, may disguises na siya.

“And it’s so much fun kasi it’s the first time I’m doing this, something like this.”

ELMO AND JULIE ANNE. Natanong din ng PEP kay Maxene ang tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si Elmo Magalona.

Seryoso na ba si Elmo kay Julie Anne San Jose matapos makunan ng picture ang dalawa na nagde-date?

“Ay, hindi ko alam,” sambit niya.

“Hindi naman ako nakikialam sa lovelife ng mga kapatid ko.

“Pero I’m so happy because yung movie nila, Just One Summer, is about to show.

“I’m so proud of my brother, you know, he’s gone such a long way.

“And yung loveteam nila, nakita ko naman talaga silang they’re working together, napaka-professional nila.

“Ang advice ko sa kanila, no matter what happens, kung maging sila man in the end o kung hindi, you know, just enjoy and bata pa sila.

“Napakabata pa nila, and sayang kung magkakaroon man sila ng romantic involvement, tapos in the end hindi rin magwo-work, so paano na yung trabaho, di ba?

“Marami pang oras, hindi naman kailangang magmadali.

“Basta for now, I know they’re enjoying each other’s company.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boto ba siya kay Julie Anne para kay Elmo?

“Of course, bakit naman hindi, di ba?

“Kasi for me, as long as I can see na si Elmo is very professional. And gumaling talaga silang dalawa, gumaling sila because of each other.

“You know, Elmo wasn’t like that when he started. And si Julie, hindi siya marunong mag-rap noong una.

“Pero natuto silang dalawa sa isa’t isa.

“You know, I would always want my siblings to be with someone who will bring out the best in them.”

Ano ang mga nagustuhan niya kay Julie Anne?

“Kay Julie, she’s very, very nice and she’s down to earth. And of course, she’s very talented.

“Wala akong naririnig na masama kay Elmo, and I see that when they’re working together, they’re both happy.

“So, yun, I can see na maraming magagandang qualities si Julie.

“Kami ni Elmo, super close kami niyan. Kung meron mang complaints or whatever siya kay Julie, sasabihin niya sa akin.

“Wala talaga, e,” saad ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN