TYPHOON WATCH: International celebrities express concern for the Philippines as rains and floods continue

Ilan sa mga nagpakita ng kanilang suporta sa Pilipinas gamit ang Twitter ay sina: (clockwise L-R) American Idol alumni Jessica Sanchez at David Archuleta, American TV host Ryan Seacrest, at NBA superstar Pau Gasol.


Sa tindi ng nangyaring pagbaha kahapon, August 7, sa Metro Manila at ilang probinsiya ng Luzon, umabot sa atensyon ng international media ang sitwasyon ng bansa.


Makailang beses ini-report ng U.S.-based news channel na CNN ang tungkol sa weather conditions sa Pilipinas.

Sa ulat ng CNN wire staff sa kanilang website, ipinakita sa pamamagitan ng mga larawan ang eksena ng paglikas at pag-rescue sa mga residenteng na-trap sa kanilang mga tahanan.


Naiulat din dito ang pangakong tulong ng bansang Amerika, sa pamamagitan ni U.S. Ambassador to the Philippnes Harry K. Thomas, na US$100,000 para sa disaster relief operations.


Bukod sa CNN, nag-ulat din ng kalagayan ng bansa ang NBC News sa Amerika, na nagsabing nagmistulang "waterworld" ang ilang apektadong lugar.

Iniulat naman ng BBC News ng United Kingdom ang pagka-paralisa ng Maynila, ang capital city ng Pilipinas, kung saan nasuspinde ang klase sa lahat ng antas ng paaralan at nasuspinde rin ang trabaho sa government at private offices.


AMERICAN IDOL TWEETS. Nagpakita naman ng kanilang concern sa bansa ang ilang inernational celebrities sa pamamagitan ng pag-post ng mensahe sa social networking site na Twitter.


Maaga pa lang kahapon ay nag-tweet na ang Fil-Am singer at American Idol runner-up na si Jessica Sanchez ng mensahe gamit ang hash tag na #PrayForThePhilippines.

Nangamba rin ang isa pang American Idol alumni, and one-time TV5 actor, na si David Archuleta para sa mga mamamayan ng bansang minsang nagpatuloy sa kanya.

Kaakibat ang isang web link na naglalaman ng news report tungkol sa pagbaha, ipinadala ni David ang mensaheng ito sa Twitter: "Our thoughts go out to all affected by the flooding in Manila and the surrounding areas. (Team Archuleta)"


Maging si David Cook, ang nakatunggali ni Archuleta sa American Idol finals noong 2008, ay nagpaabot din ng pakikiramay sa mga nasalanta.

"Sad to see the news coming out of the Philippines. Sending thoughts and love to everyone there," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati na ang host ng naturang reality singing contest na si Ryan Seacrest ay nagpaabot din ng mensahe kagabi.

Aniya, "From London to Manila, my thoughts are with the people of the Philippines. Stay safe. Stay resilient."

Siya ay kasalukuyang nasa London, England, upang manood at mag-report tungkol sa nagaganap na Olympic games.

MUSICIANS SHOW SUPPORT. Samantala, nanawagan naman ng dasal ang musikerong si Will.I.Am para sa bansang sinilangan ng Black Eyed Peas bandmate niyang si Apl De Ap.


Aniya, "Pray for the phillipines...my best friend @apl_de has family in manila...pray for @apl_de beautiful country..."


Nanawagan naman si Apl ng tulong mula sa kanyang Twitter followers upang makapagsimula ng food drive para sa mga nasalanta.


Isa pang international Pinoy celebrity ang nag-alay din ng dasal para sa Pilipinas.

Sa tweet ng YouTube sensation na si Maria Aragon, sinabi nito na, "Prayers go out to everyone in the Philippines. My hugs and kisses go out to you all, God is always with you. stay safe!! xoxo"

Ang American-Japanese singer na si Marie Digby ay nagpaabot din ng kanyang pakikiramay sa bansa, kung saan siya namalagi ng ilang buwan upang maging performer sa Sunday noontime show na ASAP.


Tweet ni Marie: "Praying and sending positive thoughts out to everyone in the Philippines during these torrential rains..please stay safe.."

Pati si pop singer Michelle Branch, na kamakailan lang ay nag-concert sa bansa, ay naghatid din ng mensahe para sa mga Pinoy: "Reading news of the flooding in the Philippines. Thinking of you all. Stay safe! #PrayForThePhilippines"



BEYOND AMERICA. Ang Spanish basketball superstar na si Pau Gasol—mas kilala bilang NBA player sa koponan ng Los Angeles Lakers—ay nagpaabot din ng pakikiramay sa mga nasalanta.

"All my support to all the families that are suffering the terrible floods in the Philippines #PrayForThePhilippines," aniya sa kanyang tweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati na ang Lakers Nation—official Twitter account ng Los Angeles Lakers basketball team, na mina-manage ng isang PR officer—ay nagpaabot din ng mensahe para sa mga naapektuhan ng sakuna.

"Wanted to take a minute to send our thoughts and prayers to the Philippines today who were hit with a horrendous flood. Hang in there, folks"

Maging ang Thai actress na si Baifern Pimchanok ay nagpaabot din ng mensahe sa kanyang Pinoy fans: "Heard about the strong rain in the Philippines. Please be safe!"

Si Baifern ay nakilala sa Pilipinas nang ipalabas sa ABS-CBN ang Tagalog version ng pelikula niyang Crazy Little Thing Called Love, kung saan nakatambal niya si Mario Maurer.


Mapapanood si Baifern sa upcoming Star Cinema movie na Suddenly It’s Magic, tampok pa rin si Mario at ang aktres na si Erich Gonzales.

IMMEDIATE RELIEF. Samantala, ginamit naman ni actor-dancer at It’s Showtime-mainstay Jhong Hilario ang Twitter upang mag-coordinate ng agarang pagpapadala ng relief goods sa mga nasalanta.

Ka-tweet niya ang ilang miyembro ng American dance group na I.Am.Me na sina Emilio Dosal at Brandon Harrell.

"Hey Philippines, my prayers are with you, @Brandon747 and I are going to be sending some stuff y’alls way to help out!" wika ni Emilio.


Sabi naman ni Brandon, (ang tinukoy na Brandon747 sa tweet ni Emilio): "Excited to send some clothes to Philippines!! Somebody will get some stuff of mines! So cool! IME shirt included! haha"

Habang nag-iimpake ay nagbiro pa ito at sinabing, "When im packing a box of clothes for Philippines, Its only right that I do the Otso Otso dance."



ROCK BANDS PRAY FOR SAFETY. Ilan pa sa mga nanalangin sa kaligtasan para sa mga apektado ng masamang panahon ay ang mga miyembro ng American band na The Maine, na kamakailan lang ay nag-concert sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa official Twitter accout ng banda, sinabi nila, "Hope all of you in Manila are doing ok! We can’t wait to visit you again next month. Stay safe."


Maging ang drummer ng bandang A Rocket To The Moon na si Andrew Cook ay nagpaabot din ng mensahe sa Manila-based fans na nakadaupang palad nila nang mag-perform sila rito noong Pebrero.


"To our friends and fans in the Philippines, I hope you’re safe from the rain and floods. You’re in my thoughts! #PrayForThePhilippines"

BOOK AUTHORS OFFER PRAYER AND SUPPORT. Maging ang ilang celebrities sa mundo ng literatura ay nagpaabot ng mensahe sa mga Pilipino.

Ang inspirational book author na si Joyce Meyer ay nanawagan ng dasal para sa mga nasalanta ng baha.

"Join us in praying for the people of Manila who have been devastated by severe flooding. Our thoughts and prayers are with you," sabi niya sa kanyang Twitter account.

Maging ang author ng ilang best-selling novels, gaya ng Stardust at Coraline, na si Neil Gaiman, ay nagpaabot din ng mensahe at tulong sa pamamagitan ng Twitter.

"Sending love and worry to the Philippines. (WIll also send aid donation using #reliefPH info....)"

CONCERT ARTISTS PRAY FOR FANS’ SAFETY. Nasa bansa naman ang ilang foreign music celebrities nang mangyari ang malawakang pagbaha sa NCR at karatig probinsiya.

Isa na rito ang vocalist ng bandang Smashing Pumpkins na si Billy Corgan.

May concert sana sila kagabi sa Smart Araneta Coliseum, subalit na-postpone na ito dahil sa masamang panahon.

"I’m happy to report thanks to our great crew and with the helpful assistance of Manila promoter we have rescheduled our show for tomorrow.

"The safety of our fans is ALWAYS a huge priority. With 24 long hours delay our 1st Manila show will be at same arena, same time tomorrow!!" aniya sa magkasunod na Twitter posts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakda ring mag-concert ang bandang Snow Patrol sa Smart Araneta Coliseum bukas, August 9.

Dumating kahapon sa bansa ang mga miyembro ng banda, kabilang ang vocalist na si Gary Lightbody, na nangamba nang mapanood sa TV ang sitwasyon sa mga binahang lugar.


"Just seen the floods in Manila on TV. Sweet Jesus. I sincerely hope you and your loved ones are safe. Didn’t realize it was as bad as this!x"

Patuloy ang pag-apaw ng mensahe sa Twitter at tulong para sa mga biktima, mula sa mga celebrities mapa-foreign man o local.

Patuloy din ang panalangin ng marami na sana’y bumuti na ang panahon at nang maibsan ang paghihirap ng mga nasalanta nating kababayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN