GMA-7 reveals Top 10 male contenders of Protégé

The ten male contestants of Protege: The Battle For The Big Artista Break: (first row, L-R) Bryan Benedict, Ruru Madrid, Glenn Roy, Vien Alen King, and Mykel Ong; (second row, L-R) Mikoy Morales, David John Llanas, Japs de Leon, Andres Vasquez, and Jeric Gonzales.


Sa first gala night ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break ng GMA-7 noong Linggo, August 5, ay ipinakilala na ang Top 20 contenders.

Ang mga ito ang napili ng limang mentors mula sa auditions sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa online auditions.

Ang mentors ay sina Phillip Salvador (Mindanao), Jolina Magdangal (Visayas), Ricky Davao (North and Central Luzon), Gina Alajar (South Luzon), at Roderick Paulate (Mega Manila).

Ang judges naman ngayong ikalawang season ng Protégé ay sina Joey de Leon, Bert de Leon, Annette Gozon-Abrogar, at Cherie Gil.

Pagkatapos ng live presentation, hosted by Dingdong Dantes and Carla Abellana, ay isa-isang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Top 20 protégés—sampung lalaki at sampung babae.

Unahin natin ang mga kalalakihan…

Mindanao

DAVID JOHN LLANAS, 19, Cagayan de Oro

Nag-audition si David noong Season 1 pa lang ng Protégé, pero hindi siya pinalad na makuha noon.

“Hindi po ako nakuha noong season one but I tried it out again this season. And thank God, nakapasok po,” sabi ni David.

Ang Season 1 grand winner na si Krizza Neri ay mula rin sa Cagayan de Oro tulad niya.

Itinuturing ni David ang sarili bilang isang survivor. Ito ay dahil nasalanta ang probinsiya nila ng bagyong Sendong noong isang taon.

“I could say that I’m a Sendong survivor.

“Sad lang po kasi yung house was wrecked. Two hundred meters lang po kasi kami away sa ilog.

“Pero, nakabangon naman po kami ngayon,” sabi niya.

Ang kanyang pagiging singer ang nakikitang edge ni David sa mga kalaban niya sa Protégé.

Kumakanta na ba siya professionally?

“Ay, no, but I usually sing in weddings, school activities, city activities…”

Magaling man siyang kumanta, gusto pa rin daw niyang maging versatile sa lahat at maging tunay na role model.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga hinahangaan niyang celebrities ay sina Jean Garcia, Jay-R, Kris Lawrence, at Chris Brown.

Ano ang masasabi niya sa kanyang mentor na si Phillip Salvador?

“Si Sir Phillip o si Tatay Ipe, he’s very serious, strict, but malambing naman po at very caring sa amin.”

RURU MADRID, 14, Zamboanga

Si Ruru ang pinakabata o bunso sa Protégé contenders.

Pero kahit daw siya ang pinakabata, malaki ang tiwala niya na kaya niya ang competition at maipagmamalaki siya ng kanyang pamilya.

Kahit siya ang pinakabatang contestant, ano sa tingin niya ang meron siya na wala sa iba?

“I have looks naman po. I can act, sing and dance, and I can play guitar and drums,” sagot ni Ruru.

Bilang pinakabata, sa tingin niya ba ay advantage iyon?

“Sa tingin ko po, may advantage at may disadvantage din po.

“Ang advantage po, parang mas marami pa po akong puwedeng maging experience kesa sa iba po na matatanda na sila.

"Kailangan din daw po na bata para mai-train hanggang pagtanda.

“Ang disadvantage naman po, hindi ko pa po masyadong kilala ang sarili ko. Parang dito ko pa lang po kikilalanin.”

Twelve years old pa lang daw si Ruru ay nagkaroon na siya ng girlfriend, pero puppy love lang daw iyon.

Ang pinakahuli naman daw niyang naging girlfriend ay nasa audience noong gala night para magbigay ng suporta sa kanya.

Anong klaseng mentor si Phillip Salvador?

“Mabait po siya. Itinuturing niya po kaming anak. Marami po siyang nabibigay na advice.

“Kilala niyo naman po siya. Batikan na actor na po siya.”

Ilan sa mga paboritong artista ni Ruru ay sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Parokya ni Edgar, Calla Lily, at ang matagal nang yumaong Hollywood star na si James Dean.

Visayas

BRYAN BENEDICT, 21, Cebu

Ang experience daw ni Bryan ang maituturing niyang edge sa ibang contestants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Yung experience ko po and I also have the talent and background in singing.”

Pero saan nanggaling yung sinasabi niyang experience niya?

“I was a part-time model din po before and nagkaroon din po ako ng ilang acting stints po sa TV.

“May mga flashback scenes din po kasi akong nagawa na dito sa GMA-7, tulad po ng Gumapang Ka Sa Lusak, Kaya Kong Abutin Ang Langit… yung mga ganoon po.

“Tapos po, nag-audition po ako dito sa Protégé.”

Sa online daw siya nag-audition at doon din siya nakita at napili ng mentor niyang si Jolina Magdangal.

Kumusta namang mentor si Jolina?

“Mabait po, sobrang hands-on po sa amin.

“Tuwing may gala po at saka guesting, tuwing magkikita po kami, parang ano po siya...

"Talagang tinitingnan niya ang hitsura namin kung ano ang magiging looks namin at saka kung paano niya kami gustong ipakilala sa tao.”

Interesting ang family background ni Bryan kaya nasabi niyang lumaki siya sa “silent family.”

Ano ang ibig niyang sabihin sa “silent family”?

“Ang mommy ko po kasi, deaf, hindi po siya nakakarinig. Ang dad ko po, hindi po siya nakakapagsalita at nakakarinig.

“Tatlo po kaming magkakapatid, ako po ang bunso at nag-iisang lalaki.”

Magna cum laude si Bryan nang mag-graduate siya ng kursong Tourism Managament sa Far Eastern University.

Nagtrabaho raw siya sa isang hotel sa Cebu kung kaya’t doon siya nag-audition.

Dahil mahilig maglaro ng basketball, hilig din niyang manood ng NBA games. Mahilig din siyang manood ng music channels.

Ang American celebrities na sina Will Smith, Chris Brown, Nelly, Ne-Yo, at ang yumaong si Michael Jackson ang favorite stars ni Bryan.


MIKOY MORALES, 18, Roxas City

Bukod sa marunong tumugtog ng musical instruments, si Mikoy ay isa ring singer. In fact, miyembro siya ng Kundirana sa La Salle.

So, iyon ang masasabi niyang edge sa mga kalaban niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Personally, since I think... I have a big idea what they can do, I think I’m confident to say that I have a discipline.

“I know everyone in this competition has the passion. But I think I have the discipline to control that passion and aim it directly to my goal.”

Bakit niya gustong mag-artista?

“It’s an opportunity and when it came, I took it,” sagot ni Mikoy.

Professionally, wala pa raw siyang nagagawa sa telebisyon, pero nakapag-perform na raw siya sa La Salle Greenhills bilang Kundirana member.

Nasa second year college na siya sa kursong Architecture. Pero pansamantala muna raw siyang huminto dahil sa pagkakapili sa kanya sa Protégé.

Kumpara sa iba, maipagmamalaki raw ni Mikoy na kumpleto ang pamilya niya.

Aniya, “I have a brother and I have a complete and happy family.

“We’re not rich, but I can say na I’m contented na rin po with my life.

“We’re not rich, pero ang parents ko po, everything they earned, they put it in our education. Yun po talaga ang naging priority nila.”

Sina John Lloyd Cruz, Roderick Paulate, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Mon Faustino, at German “Kuya Germs” Moreno ang ilan sa mga iniidolong artista ni Mikoy.

North and Central Luzon

JAPS DE LUNA, 20, Nueva Ecija

“Kung gusto mong matupad ang pangarap mo, kailangan mong sumugal. May tiwala ako sa talento ko kaya nandito ako,” sabi ni Japs, isa sa protégés ni Ricky Davao.

Ano ang puwede niyang isugal sa Protégé na wala ang iba?

“Palagay ko po, yung determinasyon ko talaga.

“Mas mataas po ang determinasyon ko sa kanila. Yun ang ipinagmamalaki ko.

“Alam ko po sa sarili ko yun at naniniwala po ako.”

Proud din si Japs na si Ricky ang mentor niya.

“Mabait po siya at saka masarap siyang pakisamahan. Napakagaling niyang actor at director.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung may napanood na siyang pelikula o TV series na idinirek ng mentor niya, ang kasalukuyang ipinapalabas sa GMA-7 na Makapiling Kang Muli pa lang daw ang napapanood niya.

Ano ang advice sa kanya ng mentor niya?

“’Be truthful,’ yun po ang sinasabi niya.

“Siguro nakitaan na po niya kami ng determinasyon, kaya sabi niya, ‘Nagsisimula pa lang kayo kaya kailangan lahat totoo para hindi kayo mahirapan.’

“Nakakatulong naman po.”

Graduate na ng kursong Information Technology si Japs.

Pero ayon sa aspiring actor, mahirap lang sila.

“Ang buhay po namin, middle [class] tapos down... middle [class] down.

“Sa amin po, ako pa lang po ang naka-graduate ng college at dahil po yun sa scholarship grant na nakuha sa mayor namin.

“Binigyan po niya ako ng 100-percent scholarship ng four years po.”

Sa ngayon, wala raw sa isip niya ang magpa-sexy pero handa raw siya sa kahit na anong ipagawa sa kanya.

Mahilig daw siyang tumugtog ng gitara.

Sina Dingdong Dantes at Ogie Alcasid ang mga paborito niyang celebrities.

Ang news programa ng GMA-7 na 24 Oras naman daw ang paborito niyang pinapanood.

GLENN ROY, 18, Tarlac

Pagdating sa pag-arte, sa palagay ni Glenn Roy ay sa drama ang talagang forte niya.

Saad niya, “Well, hindi lang po ako ang nagsabi, kahit po ang mentor ko na si Sir Ricky Davao, sabi po niya, mas okay raw po.

“Pero hindi pa naman po niya tinutuldukan na doon na ako.

“Parang yun lang po ang tingin niya at yun din po ang pakiramdam ko.

“Kapag nag-a-act ako, parang ang saya at nakikita ko rin naman po sa reaksiyon ng mga tao na parang may nararamdaman sila.

“Masaya po para sa akin na yung pinapanood ko, kaya ko rin naman po palang gawin.”

Nasubukan na rin niyang mag-teatro sa UP Theater, kunsaan nakasama pa raw niya ang Kapuso stars na sina Aljur Abrenica at Rich Asuncion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta namang mentor si Ricky Davao?

“Sobrang bait po! Yun lang ang masasabi ko.

“At saka, may style siya na noong audition, napansin ko po.

“Alam ko po kasi na ang ibang mentor, parang nananakot.

“So, ang ginawa niya po sa amin, dinaan niya kami sa pa-charming para maging kumportable kami sa stage. Para mai-act po namin nang maayos, magawa po namin nang maayos.

“Kahit lalaki po ako, naramdaman ko ang pagiging sweet niya, parang nasa bahay lang kami.”

Simula raw nang ipinanganak siya ay wala silang sariling bahay.

“Tapos po, kailangang magtrabaho ng papa ko sa malayo. Nasa Tarlac po kami, yung Papa ko nasa Davao City.

“Yung tatlong kapatid ko po, nasa Makati. Pero kami ni Mama, nasa Tarlac.

“Parang ang hirap na sa araw-araw, magkakalayo kami, lalo na po at bunso ako.

“Parang ang ibinigay sa akin na task ni Papa, bantayan ko ang mama ko.”

Basketball, billiard, at table tennis ang mga nakakahiligang laro ni Glenn Roy. Mahilig din daw siyang sumayaw, kumanta, at lalo na ang umarte.

Sina Vic Sotto, Marian Rivera, Gary Valenciano, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, at One Direction ang mga paborito niyang celebrities.

South Luzon

JERIC GONZALES, 19, Laguna

Ano ang edge niya sa ibang male protégés?

“Bukod po sa I have talents, I have the looks, at nasa akin po ang hinahanap nila na artista figure… na hinahanap nila dito sa Protégé,” kampanteng sagot ni Jeric.

Ano ang ibig niyang sabihin sa “artista figure”?

“Yung mapapatingin mo po ang mga tao, na kapag nakita ka, nakikita na nilang artista.

“Actually, sa mga tao rin po na nakakakita sa akin, sa mga kaibigan ko, sa kanila rin po siguro galing kaya na-boost ang confidence ko na sumali dito sa Protégé.”

Paano niya ilalarawan ang mentor niyang si Gina Alajar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang masasabi ko po, strict po siya, pero may figure na nanay po siya.

“Puwede ka pong mag-open sa kanya. Kung family matters, nandiyan po siya para mag-guide sa inyo.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Jeric nang malamang siya ang napili ni Direk Gina na maging isa sa protégé nito?

“Sobrang saya po!” bulalas niya.

“At saka, si Direk Gina, veteran actress na po. Simula pa lang po bata, gumaganap na siya.

“Sa tingin ko po, kapag naturuan niya kami nang maayos at nakinig kami nang maayos sa kanya, magiging magaling din po kami katulad niya.”

First time daw niyang sumali sa isang talent search.

Nakatapos na ng kursong Nursing si Jeric sa Calamba Doctors College.

Naging second runner-up siya sa Ginoong Laguna 2012. Noong 2010 ay nanalo rin sa kontes na ito ang Kapuso young actor na si Alden Richards.

Mahilig maglaro ng basketball at marunong din siyang tumugtog ng gitara.

Sina Christopher de Leon, Dingdong Dantes, at Richard Gutierrez ang ilan sa mga paboritong aktor ni Jeric.

MYKEL ONG, 20, Batangas

Hindi raw madali ang naging karanasan ni Mykel sa pag-o-audition kaya sisiguraduhin daw niyang hindi ito masasayang ngayong nakapasok siya sa Top 20 ng Protégé.

Ano ang meron siya na wala sa ibang contestants?

“Mas determined at pursigido po ako sa kanila. At saka sa dancing and singing din po.

“Siguro po, mas okay po kung maipu-push po talaga.

"But, at the same time, sa acting ko rin po, kasi talaga gustong mag-focus.”

Ano ang masasabi niya sa mentor niyang si Gina Alajar?

“Ang bait-bait po, sobra! Nanay na nanay po yung tingin ko po sa kanya.

“Dito po kasi, hindi namin nakakasama ang parents namin, siya po yung parang lumabas na nanay namin.

“At saka, ang bait po, the best po talaga.

“Kapag nagbigay po siya ng tips, talagang tatama po sa ’yo at saka maiisip niyo pong talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Bataan lumaki si Mykel ngunit sa Manila siya nag-high school at nag-college.

Graduate na siya ng Aircraft Mechanic sa Airlink International Aviation College sa Paranaque.

Nag-aral din siya sa Sydney, Australia.

Sabi ni Mykel, “Pumunta po ako ng Sydney para mag-aral pa rin ng Mechanical Engineering, but unfortunately, hindi ko rin po natapos.”

Mayaman ba sila at nakapunta siya sa Sydney?

“Hindi po, hindi po ako mayaman.

“Pumunta po ako doon para mag-aral, pero hindi rin po ako nakapag-aral.

"Nag-work po ako do’n ng construction at janitorial work.”

Single si Mykel ngayon at isa pa lang daw ang naging girlfriend niya.

Mahilig daw siya sa sports gaya ng basketball, swimming, at martial arts. Pero mahilig din siyang maglaro ng computer games.

Sina Christopher de Leon, Vilma Santos, at Parokya ni Edgar naman ang mga paborito niya.

Mega Manila

VIEN ALEN KING, 19, Quezon Province

Naniniwala si Vien na ang ibinigay raw sa kanyang talento ng Diyos ay dapat niyang gamitin para maibahagi sa iba.

Singing daw ang pinaka-forte niya.

“Para po sa akin, yung pagiging balladeer ko po.

"Bihira na lang din po ang kumakanta ng mga OPM songs, classic songs, like mga Basil Valdez, James Ingram… pero I can also sing mga pop songs po.”

Sumali na raw si Vien sa mga amateur singing contests.

“Nananalo rin po ako, pero marami rin po akong talo.”

Taga-Quezon Province daw talaga si Vien, pero sa Mega Manila siya nag-audition.

Ano ang masasabi niya sa kanyang mentor na si Roderick Paulate?

“Very kind po siyang talaga at talagang ini-inspire niya po kaming talaga. Sinasabihan niya po kami na hindi biro ang pinasok namin.

“‘Ito na ang pangarap niyo at gawin niyong lahat ang magagawa niyo para palagi tayong magtutulungan.’

“Yun naman po, gagawin ko ang lahat ng best ko at hindi ko siya bibiguin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2000 pa raw naghiwalay ang mga magulang niya, pero para sa kanya, naka-move on na siya sa pangyayaring yun.

Minsan nga lang daw ay naaapektuhan siya kapag hindi siya natatanggap sa mga audition.

Ngayong natanggap siya sa Protégé, ano ang pakiramdam niya?

“Mixed emotions po at napapaiyak po ako sa sobrang saya. Na thank God, ito na po talaga, ibinigay Niyo na po sa akin ‘to.

“Kaya sobrang saya po at lahat ng tinatamasa ko ngayong blessings ay ino-offer ko po sa mga tao at sa mga mahal ko sa buhay, para rin po sa kanila.”

Sina Aljur Abrenica, Marian Rivera, Ogie Alcasid, at ang One Direction ang mga paboritong celebrities ni Vien.

ANDRES VASQUEZ, 21, Taguig

Kung ang karamihan sa contestants ay singing ang edge, si Andres naman daw ay acting.

Bakit niya nasabi yun?

Aniya, “Siguro po kasi, may experience na ako sa acting.

"Theater actor po ako sa Villa Teatro. Ang studio po namin ay sa Ortigas po dahil nagsu-show rin po kami sa mga SM Cinema.”

Dahil nakapag-teatro na siya, confident siyang matatanggap sa audition?

“Hindi po confident na matatanggap, pero confident na ako sa ini-audition ko po,” sagot niya.

Bakit ngayon lang niya naisipang pasukin ang showbiz?

“Actually po, sumasali na po ako, pero ngayon pa lang po sa artista search.”

Si Roderick Paulate ang mentor niya. Kumusta naman ito bilang mentor?

“Okay po, mabait po, at saka kuwela po minsan.

“Binibigyan niya po kami ng advices, tinuturuan niya po kami kung ano po ang dapat gawin.

“Makinig lang daw po dapat. Sumunod lang po sa mga instructions, and then, sa mga matataas po.”

Third year na sana siya sa kursong Architecture, pero huminto muna siya dahil kailangan daw niyang magtrabaho para masuportahan ang mga kapatid sa pag-aaral.

Pareho raw walang trabaho ngayon ang mga magulang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga paborito niyang artista ay sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid.

Bubble Gang at Party Pilipinas naman ang mga paborito niyang pinapanood.

Makikita pa ang mga male Protégés sa Gallery ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN