Meet the Top 10 female contenders of Protégé

The ten female contenders of Protégé: The Battle For The Big Artista Break: (first row, L-R) Mitch Capili, Steffi Pacheco, Reese Tayag, Kelly D, and Arny Ross; (second row, L-R) Zandra Summer, Apple Vega, Shelley Hipolito, Elle Ramirez, and Thea Tolentino.


Pagkatapos maipakilala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sampung male contenders ng Protégé: Battle For The Big Artista Break, ngayon naman ay kilalanin natin ang kanilang female counterparts…

Mindanao

APPLE VEGA, 20, Dipolog City

Ano ang advice sa kanya ng mentor niyang si Phillip Salvador?

“Disiplina sa sarili, respeto hindi lang po sa sarili kundi pati sa mga kasama. At laging magpe-pray at mag-trust kay Lord.”

Sino sa tingin niya ang pinakamahigpit niyang kalaban?

“Si Elle Ramirez po, kasi nakikita ko po sa kanya na may potensiyal po siya na maging magaling na artista po talaga.

“Tsaka ang ganda-ganda po niya. Pati sa kamera, ang ganda po niyang tingnan.”

Ano naman ang lamang niya sa iba?

“Kasi po, I’m into dancing, sumasayaw po ako.

"Pero po siguro, kung dadaan po ako sa mga workshops, sa acting, of course po, siguro po mahuhubog po ako.

“At saka I’m willing to work hard para po maging magaling na artista po talaga.”

Isang registered midwife si Apple. Nakapagpaanak na ba siya?

“Yes po… while on duty pa po kami sa school.

“Pero nung pumasa na po ako as a midwife, hindi po ako nagtrabaho as a midwife po talaga. Kasi naghahanap po ako ng trabaho na magkakaroon agad ng salary.

“Kasi po pag bago ka pong midwife, hindi po puwedeng magtrabaho ka tapos may salary agad. Kailangan voluntary pa po.

“So my first job was I was a promo merchandiser po, hindi po ako nag-work as a midwife.”

Ano ang gagawin niya kapag hindi siya nanalo?

“Hindi po ako mawawalan ng pag-asa, of course,” sabi niya.

“Siguro po magwo-workshop pa rin po ako—sa sayawan, sa acting din po, at saka hindi po ako mawawalan ng pag-asa.

“Siguro po, I will try sa commercials po. Pero pag hindi rin po maging successful sa commercials, magtatrabaho po ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STEFFI PACHECO, 16, Davao

Ano ang hindi niya malilimutang sinabi sa kanya ng mentor niyang si Kuya Ipe?

“Nakakita daw po siya sa akin ng potensiyal na maging isang sikat na artista po daw.

“Siyempre po napakasaya ko po kasi nga po, di ba, si Mr. Phillip Salvador na nagsabi po sa akin ng ganun?

“Tapos nakitaan niya daw po ako ng fire sa mata, na gusto daw niya po akong pasikatin. Tapos iyon po, ipakita ko yung talent ko.”

Ano ba ang talent niya?

“Kumakanta po ako, sumasayaw, acting rin po. Hindi pa po masyadong ganoong kagaling pero sakto lang po.”

Kung siya ang tatanungin, bakit siya ang dapat manalo sa Protégé?

“Kasi po, naniniwala po ako sa sarili ko. Naniniwala po ako sa talento ko, na kaya ko pong ipakita sa lahat yung mga talento ko po.

“Gusto ko rin pong maging inspirasyon sa lahat ng mga kabataan na nangangarap na maging artistang katulad ko po.”

Sino ang artistang gusto niyang maging katulad?

“Si Kris Bernal po.

“Kasi po, di ba, maliit po siya katulad ko po—small but terrible!

“Nakakaya po niya lahat ng mga roles, kahit ano pong role ang ibigay sa kanya, nababagay po sa kanya. Kaya po siya ang idol ko.”

Gusto rin niya si Aljur Abrenica?

“Yes po!”


Na-meet na raw niya si Aljur, pero si Kris ay hindi pa.

“Si Aljur po, hindi po kami nagkausap, parang hi-hello lang sa GMA.”

Kapag nakaharap niya si Kris, ano ang sasabihin niya?

“E, siyempre, ‘Hello, Ate Kris Bernal, I love you! Idol po kita.’

“Mai-starstruck po talaga ako sa kanya.”

Visayas

ZANDRA SUMMER, 18, Cebu

Bakit siya sumali sa Protégé?

“It’s been my dream po kasi since I was young that magiging artista ako.

“Hindi ako … it’s not about the prize or anything, but it’s about reaching my dreams and being a part of showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang advantage niya sa ibang female protégés?

“I think po yung pag-act ko po, yun lang.

“I mean, I’m still having… I’m still looking forward to learn more, like sa singing and dancing, tapos yung acting.

“Wala talaga akong… when I was still back in Cebu, wala talaga akong proper practice, proper workshop. Wala po.

“So iyon, I’m looking forward to learning more.

“I’m more like… kasi back when I was in high school, palagi akong sumasali ng speech class, declamation or whatever… so I think that’s it.

“But I wouldn’t really say that it’s an edge ’coz I think it needs more practice po.”

Si Jolina Magdangal ang mentor niya.

MITCH CAPILI, 15, Bohol

Ayon kay Mitch, “Matagal ko na po talagang pangarap itong pagiging artista.

“Tapos, feeling ko po, ito na po yung right time po para matupad yung pangarap ko.

“Tapos, feeling ko, ito na po yung right age po para mag-start na po sa pagiging artista.”

Sino sa mga artista ang gusto niyang sundan ang yapak?

“In showbiz po, idol ko po talaga si Miss Regine Velasquez dahil may angking talento po siya sa pag-arte at sa pagkanta po.”

Sino naman ang paborito niyang male celebrity?

“Ano po, si Aljur Abrenica, dahil po magaling po siyang umarte, magaling po siyang kumanta, at magaling po siyang sumayaw, talented na tao po siya…

“At meron po akong naririnig na good person po siya.”

North and Central Luzon

SHELLY HIPOLITO, 16, Nueva Ecija

Bakit siya sumali sa Protégé?

“Sumali po ako sa Protégé kasi gusto kong matupad yung dreams ko, tapos gusto kong i-develop yung skills and talents ko, tapos gusto ko rin pong tulungan yung family ko.”

If ever hindi siya manalo, sasama ba ang loob niya? Ano ang susunod niyang gagawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi po.

"I will not feel bad naman po kasi sobrang kung sa experience pa lang po, siguro madami po kaming matututunan dito.

“’Tsaka po kasi, pagkapili pa lang po sa amin dito sa Top 20, sobrang saya na po nun, nakaka-overwhelm na.

“Kasi thousands of people talaga yung nag-audition tapos kami po yung napili, so hindi po sasama ang loob ko in case hindi ako manalo.”

Si Ricky Davao ang mentor niya. Ano ang pinakamagandang advice sa kanya ni Ricky?

“Just be true to yourself po,” sagot ni Shelly.

REESE TAYAG, 16, Tarlac

Idol ni Reese si Jennylyn Mercado.

“Kasi po, ang buhay ko, parang siya rin, na puro challenges rin po. At isa po siya sa iniidolo ng mga kabataan ngayon.

“Bukod sa maganda po siya at talented, parehas din po kami, ako din po kasi nagdaan sa maraming challenges sa buhay.”

Ang isa sa pagkakapareho nila ni Jennylyn…

“Siguro po yung maaga pong nagwo-work para sustentuhan yung pag-aaral po siguro.”

Ano ang trabaho niya?

“Hindi naman po siya as in work na regularly, pero I used to dance po, sing, sa mga gigs po, modelling, photo shoots, ganun po.

“Si Ate Jen po, ganun din.” Ate Jen ang tawag niya kay Jennylyn.

Matanda na raw kasi ang ama niya at hindi na nakakapagtrabaho kaya si Reese ang sumusuporta sa sariling pag-aaral.

South Luzon

ARNY ROSS, 21, Cavite

Bakit siya sumali sa Protégé?

Sagot ni Arny Ross, “Ang pinaka-main purpose ko po is to achieve my biggest dream ko talaga na maging artista.

“Kasi po dati, pinangarap ko na maging beauty queen, tapos na-achieve ko na rin po siya.

“Maging model, naging model na rin po ako sa commercial and ramp modelling po.

“And tapos, ito po yung biggest dream ko, kasi feeling ko po, it’s impossible for me kasi ang dami pong pumipila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya yung main purpose ko po is share ko lang yung talent ko, tsaka po maipakita ko na deserving po ako of the Top 20.”

Nanalong Miss Cavite Global 2008 at Binibining Dasmariñas si Arny. Grand winner din siya ng Circle of 10 Image Model Search noong 2009.

Si Marian Rivera raw ang gusto niyang gayahin.

Paliwanag niya, “Kasi si Marian Rivera, iba po siya sa masa.

“Kumbaga, patok na patok po siya sa masa, tsaka magaling rin po siyang sumayaw.

“Gusto ko rin po kasi talaga ang pagsayaw, tsaka pangarap ko po ang sumayaw sa Party Pilipinas, tsaka mag-host din po.”


THEA TOLENTINO, 15, Laguna

Bakit siya sumali sa Protégé?

“Sumali po ako sa Protégé para po ma-enhance yung skills ko, and maipakita ko po sa tao na may talent ako, and para matulungan yung pamilya ko po,” sagot ni Thea.

Bukod sa pagiging artista, ang pangarap pa ni Thea ay: “Makapagtapos po ng pag-aaral.”

Fourth year high school siya ngayon.

Hindi raw siya huminto sa pag-aaral kahit sumali siya sa Protégé.

Kung papipiliin siya kung pag-aaral o showbiz, ano ang pipiliin niya?

“Hindi ko pa po sure kasi ang binabalak ko po kasi, kung mangyari nga po iyon na maging artista ako, e iba-balance ko po parehas.

“Kahit mag-homestudy po, basta matuloy ko po at makapagtapos po ako.”

Si Marian Rivera rin ang idolo ni Thea.

“Si Marian po, versatile po siya. Kaya po niyang mag-comedy, drama, ayun po.”

Sino ang gusto niyang maging leading man balang-araw?

“Yung kaedad ko po, siguro si Kristoffer Martin… yung ganun.”

Mega Manila

KELLY D, 15, Pasig City

Ang best advice daw kay Kelly ng mentor niyang si Roderick Paulate ay: “Maging totoo po sa sarili ko, ipakita ko lang po yung kakayahan ko po.”

Sinong artista ang gusto niyang sundan ang mga yapak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Marian Rivera po, siya po kasi ang pinaka-idol ko sa lahat ng artista.”

Gusto niyang makatrabaho si Marian?

“Opo, opo!”

Ibig bang sabihin ay gusto rin niyang maka-loveteam si Dingdong Dantes?

“Ay, puwede din po, puwede din po.”

Ano ang una niyang naging reaksiyon nang nakita niya sa personal si Dingdong, na host ng Protégé?

“Ano po, sobrang nagulat po ako kasi ang guwapo po niya sa personal.”

Hindi pa niya nakikita si Marian, pero ano ang una niyang sasabihin dito?

“Sasabihin ko po, idol ko po talaga siya.”

Si Jake Vargas daw ang crush niya.

Ano ang lamang niya sa ibang female protégés?

“Siguro po, yun po yung nagko-compose po ako ng songs, nagpe-play po ako ng drums.”

ELLE RAMIREZ, 18, Rizal

Ano ang pinakamagandang advice kay Elle ng mentor niyang si Roderick Paulate?

“Pinaka-advice siguro yung… hindi pa naman kami ganun nagkaka-bonding, pero yung pinakatumatak talaga na sinabi niya sa akin na, ‘Lalaban tayo!’

“Na-feel ko doon na, all throughout, lalaban kami talaga and kasama ko siya, iga-guide niya ako. Iyon po.”

Ano ang edge niya sa ibang female aspirants?

“Sa tingin ko, kung ano ang lamang ko sa ibang protégés is acting.

“Kasi pagdating sa acting, naniniwala ako, yung emosyon ko, mabilis akong mag-sensitize.

“So, iyon ang sa tingin kong nakikita kong edge sa kanila.”

Ano ang plano niya kapag hindi siya nanalo?

“Para po sa akin, siguro ipagpapatuloy ko na lang po.

“Siguro naman hindi mawawalan ng opportunity kasi na-expose na naman ako.

“If ever lang, siyempre iga-grab ko yung opportunity na makakabuti sa akin, hanggang sa ma-achieve ko talaga yung pinakapangarap ko na maging mahusay na actress.”

Tulad ni…

“Siyempre po, ni Miss Vilma Santos po. Siya po ang idol ko pagdating sa acting,” sagot ni Elle.

Makikita muli ang Top Female contenders ng Protégé Season 2 sa PEP Gallery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN