Pinoy pop group Down To Mars’ members have pact not to go solo in the biz

Kagagaling lang ng grupong Down To Mars mula sa Korea para i-represent ang Pilipinas sa International Exposition Yeosu Korea 2012. Kuwento ni Jang Seung Ri sa kanilang numbers: “Ipinapakita po doon yung pag-ride po ng Philippines sa Korean wave. Tapos ipinakita naman namin kung paano nagkaroon ng inter-cultural link ang Philippines at Korea—through K-pop, through music.”


Mga bagong alaga ng kilalang choreographer na si Geleen Eugenio ang sumisikat na Pinoy pop group na Down To Mars.

Mahigit isang taon pa lang ang Down To Mars sa showbiz, ngunit mukhang unti-unti na nitong nakakamit ang pinapangarap na kasikatan.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga miyembro nitong sina Kenji Chua, Jang Seung Ri, Daisuke Hagihara, Yheen Valero, Kiro Rivera, Sky Young, at Jeongwon Song.

Ang pitong miyembro ng Down to Mars—na napapanood sa Party Pilipinas sa GMA-7 tuwing Linggo—ay pawang mga Pinoy na may kalahating dugong Japanese, Chinese, o Korean.

Busy na ngayon ang DTM sa pagpo-promote ng kanilang kauna-unahang self-titled album under PolyEast Records.

Nasa album ang mga kantang “My Everything” bilang carrier single, “Oh! Oh! Here We Are,” at “Fly, Fool’s Paradise.”

Ang kanta nilang “Nandito Lang Ako,” naman ang gagamiting theme song ng GMA-7 Koreanovela na Smile Dong Hae.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Down To Mars bago ito nag-perform sa album promo mall tour sa SM Novaliches noong Agosto 4.

Para sa Down To Mars at sa manager nitong si Geleen, malaking hamon daw nila ngayon ang maabot ang kasikatan—at malagpasan ang itinagal—sa industriya ng Universal Motion Dancers, o UMD.

Ang UMD ay grupong hinawakan ni Geleen ng walong taon bilang manager.

Matatandaang nag-umpisa ang UMD bilang back-up dancers noong 1992. Nang lumaon ay sila na ang masasabing nagpasimula ng mixed hip hop-street dance na sumikat sa showbiz.

Naglabas din ng top-selling music albums ang UMD, at isa na rito ang sikat na Dancing with the Motion.

Sabi ni Jang, “Meron pong ’binibigay na inspiration sa amin si Tita Geleen na lagpasan daw namin ang UMD.

“Yun talaga ang goal namin. So, kung tumagal ang UMD ng eight years, gusto namin yung higitan.

“At saka sabi ni Tita Geleen, nakagawa na kami ng history na kami yung first pop group na nakapag-represent ng Philippines sa world expo sa Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yun pa lang, great achievement na para sa amin.”


MAINTAINING THE GROUP. Ang isang karaniwang dahilan ng paghihiwalay ng isang grupo ay ang pagkakaroon ng solo career ng isa o mahigit pang miyembro.

Halimbawa nito ang Pinoy pop group ding XLR8, na dating nakakasama ng DTM sa Party Pilipinas.

“Marami rin po kaming natutunan sa kanila,” sabi ni Kenji.

“Nakita po namin yung consequences kapag gumawa kami ng isang bagay na against sa goal ng grupo.”

So, ibig sabihin nito hindi sila tatanggap ng solo projects?

“Wala po kaming balak po. As a group po talaga kami. Nakataga po kay Tita Geleen iyan,” sabi naman ni Yheen.

Kay Geleen daw mismo nanggaling na hindi niya papayagang mag-solo ang kahit na sino sa grupo.


DISCIPLINE. Habang tumatagal ay mas tumatatag pa raw ang samahan ng DTM dahil na rin daw sa guidance at pagbibigay-payo ng manager nila.

Ano ba ang madalas na ipayo sa kanila ni Geleen?

“Yung mga success po, lagi kaming nire-remind ni Tita Geleen na, ‘O ano ‘yan… parang feathers in your caps. Pero dapat hindi magse-swell yung head ninyo.’

"Lagi niya kaming nire-remind na ganun.

“Sobrang na-appreciate namin kasi kung walang magre-remind sa amin, hindi namin mapapansin.

“So siya, hindi pa nangyayari, nire-remind na niya kami,” sabi ni Jang.

Kuwento ni Daisuke, “May consequence kami sa late. Meron kasing joint account si Tita Geleen at saka ang Down To Mars.

“So every late, P500 ang penalty. So, wala po talagang nale-late as of now.”


THE KOREAN EXPERIENCE. Ang DTM ang isa sa napili ng local Department of Tourism (DOT) na mag-perform sa South Korea sa katatapos na International Exposition Yeosu Korea 2012.

Kasama nila sina Kyla, Jay-R, Gina Magdangal, Ballet Philippines, at ang University of Cebu Dance Company (UDCC).

Naging malaking opportunity at exposure para sa DTM ang pagpunta nila sa South Korea para sa international exposition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan ni Jang sa expo, “Yung world expo po, parang binibigyan po ng isang whole day ang isang nation para mai-showcase o mai-promote kung ano po yung meron sa bansa ninyo.

“Like yung Philippines, pino-promote po ng Department of Tourism yung ‘It’s More Fun in the Philippines.’

“So, bakit it’s more fun in the Philippines? Yung performance po, ’pinapakita yung different dances, like yung Sinulog Dance.

“Tapos, ipinapakita po yung different tourist spots sa Philippines.

“Ginawa po yun ng Ballet Philippines at UCDC.”

Paano nila ini-represent ang Pilipinas?

Sagot ni Jang, “Nag-perform po kami ng “Oh! Oh! Here We Are,” isa po sa original songs na nasa album namin…

“In which ipinapakita po doon yung pag-ride po ng Philippines sa Korean wave.

“So, parang ipinakita muna noong una [unang performers] yung cultural side ng Philippines.

“Tapos, ipinakita naman namin kung paano nagkaroon ng inter-cultural link ang Philippines at Korea—through K-pop, through music.

“Tapos kinanta rin po namin yung carrier single namin sa album na “My Everything,” na naka-translate sa Korean, at saka yung lagi po naming kinakanta na “2012” ni Jay Sean.

“Nakakatuwa lang po yung response ng mga tao. Na-prove din namin na may international appeal din pala ang Down To Mars.

“Kasi, siyempre, pangarap din po ng grupo na makapag-perform sa Korea.”

Dagdag naman ni Sky, “Hindi nga po namin inakala na may ‘asim’ at dating pala kami sa Korea.

“Kasi po, pagkatapos ng performance namin, hindi lang pala yung mga kabataan ang natuwa sa amin, pati yung mga matatanda.

“Meron nga pong isang grupo ng matatanda na naghintay pa sa amin sa labas para magpa-picture at magpa-autograph.

“Kaya sobrang nakakatuwa po. Video-han ko pa nga, kasi first ko pong maka-experience nun na hindi teeny-bopper yung nagpapa-picture.

“Sabi nila ang cool daw namin.”


INTERNATIONAL APPEAL. Hindi raw nila makakalimutan ang kanilang karanasan sa South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jeongwon, “Overwhelming po talaga. Sobrang warm po ng pagtanggap sa amin doon.

“Hindi po namin ine-expect na tatanggapin po kami nang ganun, hindi lang ng mga Pinoy doon kundi pati ng Koreans at ibang lahi.

“Kasi po 30 percent lang po ang Pinoy, tapos 70 percent po Koreans at sa ibang lahi na.

“It’s a great honor po na i-represent ang bansa natin and gagawin po ulit namin iyan kahit ilang beses pa.

“Nagpapasalamat po kami kay Secretary Ramon Jimenez Jr. [ng DOT] at sa buong Department of Tourism para sa napakagandang opportunity.

“Thank you rin po sa CCP [Cultural Center of the Philippines], sa GMA Artist Center, at kay Tita Geleen.”

Masaya rin nilang ibinalita na may gustong kumuha sa DTM para mag-perform, hindi lang sa Korea kung hindi maging sa Japan.

Kaya proud daw ang Down to Mars dahil hindi lang pala sila para sa Party Pilipinas at sa bansa—pang-international na rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN