TYPHOON WATCH: President Noynoy Aquino bumps into ex-girlfriend Shalani Soledad at Valenzuela relief operation

Nabigyan ng pag-asa ang mga tiga-Valenzuela nang personal silang dalawin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaninang umaga, Agosto 9. Ngunit lalong nadagdagan ang kanilang saya nang marinig ang pagbati ng Pangulo sa kanilang konsehalang si Shalani Soledad-Romulo, dating kasintahan ni PNoy.


Muling nagkita ang dating magkasintahan na sina Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III at Valenzuela Councilor Shalani Soledad-Romulo.

Ito’y nangyari nang dumalaw si PNoy kanina, Agosto 9, sa Gen. T. de Leon Elementary School, na nagsilbing evacuation center ng mga taga-Valenzuela.

Nagkataon naman na naroon din ang ilang local officials ng Valenzuela, kabilang na si Shalani.

Sa kanyang talumpati sa mga taga-Valenzuela, sinabi ni PNoy, "Hindi na tayo masyadong naiimbita sa Valenzuela these days.

“Pero ngayon naman ho, okay lang ho dumalaw sa inyo.”

Ngunit ang tila bumuhay sa mga tiga-Valenzuela ay nang batiin ng Pangulo ang magandang konsehala nila.

“Batiin ko lang muna si Mayor Sherwin [Gatchalian], si Vice Eric [Martinez], siyempre ang konsehal nating si Shalani.”

Bago matapos ang kanyang speech, pinaalala ng pangulo na bagamat hindi niya madalas madalaw ang lungsod, makasisiguro ang mga tao na hindi niya pinababayaan ang mga ito.

“Maski wala po ako dito, nasa isip ko po kayo. Sana tandaan po natin iyan.”

Dalawang taon din tumagal ang relasyon nina PNoy at Shalani.

Nagtapos ito noong 2010, ilang buwan matapos iluklok bilang Pangulo ng Pilipinas si PNoy.

Pagkatapos nilang maghiwalay ay na-engage si Shalani kay Pasig Congressman Roman Romulo, na kanyang pinakasalan noong Enero ng taong kasalukuyan.

SIGN OF HOPE. Samantala, sa panayam ng ABS-CBN News kay Shalani, sinabi nitong malaki ang pasasalamat niya sa pagdalaw ni PNoy sa kanilang lugar.

“No’ng Ondoy, times two ang aming mga tao na nandito sa evacuation centers,” pag-alala ng konsehala sa bagyong puminsala sa Valenzuela noong 2009.

“Kinakailangan talaga namin all the help that we can get dahil, siyempre, masarap din ang feeling na ang Presidente binibisita tayo dito sa ating lugar.”

Kaya naman ang mensahe niya sa Pangulo:

“Mula sa lungsod po ng Valenzuela, maraming salamat po, of course, kay PNoy at pati na rin sa ating mga Cabinet secretaries na nagpunta dito today para tulungan tayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN