Baron Geisler on why he has no lovelife now: “Nakakalimutan ko yung mga priorities ko pagka nasa isang relationship ako."

Baron Geisler on working with Direk Brillante Mendoza: “But praise God talaga na makakasama na ’ko dito sa movie niya. I’m very, very excited.”


Hindi kaila na maraming hindi magagandang pinagdaanan si Baron Geisler sa kanyang showbiz career at maging sa personal na buhay.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Baron dahil sa sunud-sunod na mga kasong kanyang hinarap, karamihan dito ay may kinalaman sa sexual harassment.

Nawala siya ng panandalian upang ayusin ang kanyang mga kaso at pumasok sa rehab para matugunan ang problema niya sa alak.

Ngayon ay balik na sa pagtatrabaho si Baron, at isa sa mga gagawin niya ay ang pelikula na ididirek ng Cannes-winner na si Brillante Mendoza.

“I’m very, very excited. Pangarap, actually na makatrabaho si Direk Dante," sabi ni Baron sa panayam sa kanya ng Ang Latest na ipinalabas noong Miyerkules, August 8.

Nanghihinayang nga si Baron na hindi siya nakasama sa mga naunang pelikula ni Direk Brillante.

“Dapat kasama ako sa Captive, dapat kasama rin ako sa Kinatay. Nagkaroon lang ng problema sa schedule kaya hindi natuloy.

“But praise God talaga na makakasama na ’ko dito sa movie niya.

"I’m very, very excited," ulit ng aktor.


UNTITLED. Pero hindi pa tuwirang nasabi ni Baron kung ano ang titulo ng pelikula at kung ano ang kanyang magiging role sa pelikulang ito ni Direk Brillante.

Sabi lang niya, “Medyo mahirap yung role, e… dapat marunong akong mag-handle ng camera, sabihin na nating ganun.

“Kaya yung kaninang hawak-hawak ko na camera, pag-aaralan ko ng dalawang araw, babasahin ko yung manual.”

Kasama rin sa pelikula sina Meryll Soriano at Dennis Trillo.


NEW PROJECT. May gagawin din pelikula si Baron na ididirek naman ni Joel Lamangan.

Kuwento niya, “Balita ko po September ang shoot ng Lihis.

“Excited din po ako dun sa project na yun dahil makakatrabaho ko po si Direk Loel Lamangan.

“And exciting po pagka yung mga nakakatrabaho mo, sobrang madami nang kinontribute sa industriya natin. Isa sila sa mga pillars ng industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For an actor, it’s such a great opportunity to get to know them, and to work with them, and to have that bond and experience.

“So ibig sabihin, mas madadagdagan po kaalaman ko bilang isang aktor. So, natutuwa po ako.”


NO LOVELIFE. Masuwerte man ulit sa career, zero lovelife naman daw ang aktor.

Pag-amin ni Baron, “Wala po, e. Walang love life… trabaho po muna… dun ako nasisira, e.

“Nasisira ako pagka nakakalimutan ko yung trabaho ko.

“Nakakalimutan ko yung mga priorities ko pagka nasa isang relationship ako.

“So ngayon, pakasalan ko muna yung karera ko. Mag-ipon para mabilhan ko na ng bahay si Mommy…

“Matagal ko nang pangarap… naudlot kasi nung na-rehab ako…

“So, now sana makapag-ipon talaga and ma-bless ako ni God na magkaroon ako ng isang matinong pamamahay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN