TYPHOON WATCH: Socialite Divine Lee spearheads relief operation in San Mateo, Rizal

Pinangunahan ng socialite na si Divine Lee (extreme left) ang relief operation sa isang eskuwelahan sa San Mateo, Rizal. Kasama niyang namigay ng tulong ang mga kaibigang sina KC Montero at Rhian Ramos (rightmost), at Bubbles Paraiso, Neil Arce, Ronald Singson, at Boy 2 Quizon.


Sa kasagsagan ng malakas na ulan at pagbaha nitong mga nakaraang araw ay naging aktibo ang social networking sites, lalo na ang Twitter, sa pagpu-post ng situationers ng ibat ibang lugar.

Siyempre pa, kasama sa mga posts ang mga litrato ng mga binahang lugar.

At ang panghingi ng tulong at rescue.

Maraming celebrities ang hindi nag-atubiling tumulong sa pamamagitan ng pagre-report sa mga kinauukulan ng kanilang mga kalagayan.

Isa sa kanila ay ang socialite na si Divine Lee, na parang naging reporter sa pagsagot sa mga nagtu-tweet sa kanya na nagpapa-rescue.

Kahapon, August 9, nakasama ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Divine sa pangalawang araw ng pamimigay niya at ilang kaibigan ng relief goods sa Maly Elementary School sa San Mateo, Rizal.

Kasama ni Divine sina KC Montero, Rhian Ramos, Boy 2 Quizon, Bubbles Paraiso, Neil Arce (ex-boyfriend ni Maxene Magalona), Juliana Gomez (anak nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez), at si dating Ilocos Representative Ronald Singson.

Nakapamahagi sila ng halos anim na libong relief goods sa mga evacuees.

Nauna nang namigay ang grupo ni Divine noong Miyerkules, August 8, sa Marikina. Kasama naman niya doon ang boyfriend na si Victor Basa at sina Rhian at KC.

Nakapag-abot sila ng 1,500 packed goods sa ilang kababayan natin doon.

HELPING OTHERS. Unang inusisa ng PEP kay Divine kung matagal na ba nilang ginagawa ang pag-oorganisa ng relief operations kasama ang mga kaibigang mga celebrity.

Lahad niya: “Yes, Ondoy [2009], Pepeng [2009]…

“Nung Milenyo [2006], hindi pa ako medyo sanay, so medyo may mga mali pa sa ginagawa ko. Kung saan-saan na lang ako sumusugod, pabigla-bigla.

“Sa ngayon, medyo alam ko na ang mga pasikot-sikot, alam ko na kung paano mangolekta ng relief goods, paano magpa-pack, paano iko-coordinate sa local government.

“Sa CDO [Cagayan de Oro], pumunta rin kami nina Angel [Locsin], sina Phil Younghusband, Chito Miranda, at si Maxene Magalona… ayun, sunud-sunod.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang motivation niya sa pag-oorganisa ng mga ganitong klaseng kawanggawa?

Sagot ni Divine, “Alam mo kasi, noong bata pa ako, binabaha rin kami. So, I guess, di ko alam, parang trauma or something.

“Na parang sa ngayon, every time na lang pag may ulan, malakas na ulan, tinatanong na agad ako ng mga kaibigan ko kung anong plano ko daw.

“So, I guess, ayaw ko nang mangyari sa ibang tao yung nangyari sa akin.”

Paano niya napagtitipon-tipon agad ang mga kaibigan para sa pangongolekta at pagbabalot ng packed goods?

Kuwento ni Divine sa PEP, “Usually ngayon, mas organized na. Dati kasi isa-isa, itu-tweet mo o i-BBM [BlackBerry Messaging] mo.

“Sila naman yung nagpiprisinta. Like si Ronald [Singson], walang pasabi, merong tatlong van ng goods.

“Kasi sanay na sila na tuwing may nangyayari, sa bahay na sila pupunta at alam nilang may ginagawa na ako.

“Tapos, buti na lang yung Rescue 5 [ng TV5], tinulungan ako.

“Gumawa ako ng mga… yung mga nagtu-tweet sa akin na nagpapa-rescue, ginawan namin ng file, tapos sina-submit namin sa kanila [Rescue 5].

“Kami na mismo ang tumatawag sa mga tao na nagpapa-rescue… Ano ba kailangan nila, ano na nangyari, sa’n na yung water level.

“Tapos, ’binabato namin sa Rescue 5, dahil alam naming wala na silang panahon na mag-check pa kung ano yung number, or something.

“Para nga akong reporter, ‘no. Ang ginawa ko kasi, wala na silang cell phone, so yung mga magtu-tweet ng kung ano na nangyayari sa mga kaibigan nila at kamag-anak, inaalam namin agad yung kalagayan.”

THANKFUL TO HER FRIENDS. Ano naman ang masasabi niya sa suporta ng mga kaibigan?

“Sabi ko nga sa kanila, if anything, ang mga kayamanan ko sa mundong ito ay ang mga kaibigan ko.

“Alam mo namang andaming isyung nangyari, pero hindi ako iniwan. Lalo na pag kailangan ko ng tulong, ‘andiyan sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Divine ay ang estafa case na kinahaharap ng kanyang ama na si Delfin Lee, may-ari ng Globe Asiatique.

“So parang, especially ngayon, na parang automatic na sila na parang, ‘Tawagan natin si Divine, I’m sure may ginagawa ‘yan dahil alam nilang tuwing may disaster, parati akong bumubuo ng team.

“Dahil nag-try ako dati na mag volunteer, pero gusto ko talaga yung ako yung nasa frontline. Yung nakikita ko kung saan napupunta yung ibinibigay at dinu-donate sa amin.

“At saka ang gusto ko, alam ko kung kanino napupunta yung mga pina-pack namin.

“Hindi naman sa wala akong tiwala sa tao, pero gusto ko makita talaga kung ano yung sitwasyon.

“Dito nga, nakikita natin, lahat ng taong ‘yan, nawalan ng bahay. Kaya sila talaga yung una naming pinupuntahan dahil ni pagkain nila sa bahay, natangay pa yun.”

WORDS OF INSPIRATION. Ano ang nararamdaman niya kapag nakakarining siya ng mga pasalamat mula sa mga taong naabutan nila ng tulong?

Aniya, “Siyempre nakakagaan ng loob, pero alam mo, more than that, parang I feel like na iniisip ko na lang yung sitwasyon kung ako yung nandun.

“Yun din naman yung gagawin ko, magpapasalamat, pero parang I never take it seriously.

“Kasi, ginagawa natin ’to hindi para makakuha ng pasalamat kundi ginagawa natin ‘to dahil gusto natin masigurado na okay sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN