Dingdong Dantes on joining politics: “Sa dami ng trabaho ko sa showbiz ngayon, ayokong mag-suffer ito kapag pinasok ko ang ibang mundo.”

Nakipag-bonding si Dingdong Dantes sa ama ng kasintahang si Marian Rivera sa Spain, nang huling dumalaw ang dalawa doon. Napag-alaman ni Dingdong na marami pala silang common interests. Kuwento niya: “Mahilig siya sa sasakyan—karerista rin siya ng motor noong araw. Mahilig siya sa steak. Mahilig siyang mag-grill.”


Dati, matagal nang planado ni Dingdong Dantes ang ireregalo sa kaarawan ng girlfriend niyang si Marian Rivera.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa live gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break noong Linggo, August 5, sa Studio 7 ng GMA.

Live gala presenter si Dingdong Dantes ng Protégé.

Doon tinanong ng PEP sa actor kung wala pa siyang naiisip na regalo sa kasintahang aktres sa kaarawan nito sa Linggo, August 12.

“Wala pa, iniisip ko pa, e,” sinabi ni Dingdong.

Biro tuloy kay Dingdong—baka nagsasawa na siyang magregalo kay Marian?

“Siguro, hindi! Mahirap din kasing mag-isip kung ano ang ibibigay sa kanya.

“Usually naman, definitely kapag three days before, may maiisip na ako.”

Sa isang interview naman kay Marian, nasabi nitong kapag nagmahal siya, hindi lang kamay at braso ang ibinibigay niya sa taong mahal niya kundi buong katawan.

At ang reaksyon dito ni Dingdong…

“Oo, e! Ganoon siya talagang klase ng tao. Pag ’binibigay niya ang sarili niya, talagang buong-buo!

“Ina-appreciate ko naman yun kaya kung ano ang ibinigay niya sa akin, aalagaan ko naman.”

Ganoon din ba si Dingdong?

“Kanya-kanya namang bersyon, e. Hindi ko masasabi in those words. I express myself differently.”

Hindi alam at ikinagulat ng aktor ang balitang papasok sa pulitika si Aga Muhlach.

Kaya’t ibinaling sa kanya ang tanong na papasukin din ba niya ang public service.

Sabi ni Dingdong, “Sa dami ng trabaho ko sa showbiz ngayon, ayokong mag-suffer ito kapag pinasok ko ang ibang mundo.

“Para sa akin, masaya na ako sa ginagawa ko. Ayokong mag-suffer ang isa, dahil gusto kong mag-excel sa isang field.

Abala si Dingdong sa filmfest entry niya with Angel Locsin at Angelica Panganiban na One More Try ng Star Cinema.

Ipapalabas na rin ang Aswang Chronicles niya sa October, pero ang movie niyang Dance of the Steel Bar ay baka next year na maipalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Liban dito, nariyan pa rin ang kanyang sinimulang YesPinoy Foundation. Sa pamamagitan nito ay nakakatulong si Dingdong at ang kanyang mga kaibigan at supporters bilang private citizens.

Noong Ondoy ay nag-organisa ang foundation ng caravan ng relief goods. At nakakalikom sila ng pera para sa scholarships ng mga anak ng mga sundalo ng ating sandatahang lakas.


THANKS TO TECHNOLOGY. Kamakailan, napabalitang magkasamang nagpunta sina Dingdong at Marian sa Spain.

Ang Kastilang ama ni Marian ay naninirahan sa bansang Espanya, at dati nang nagkakilala ang ama ni Marian atb si Dingdong.

Kumusta ang naging bonding ngayon ni Dingdong sa ama ni Marian?

“Masaya,” ang nakangiting sinabi ng aktor. “Mas masaya na this time around.

“Kasi nga medyo naka-warm up na kami. Enjoy lang talaga.

“Tsaka mas maayos na ang communication ngayon dahil… well, thanks to iPhone, dahil may translator.

“Mas napapadali ang buhay. Pati siya, nakakapag-communicate na siya nang madalas,” kuwento pa ni Dingdong.


WEDDING BELLS? Hindi ba siya tinanong ng ama ng aktres kung kailan niya pakakasalan si Marian?

“Wala, wala,” sabay-tawa ni Dingdong. “Casual lang ang usapan.

“Walang tanong na ganoon. Good time lang talaga.

“May mga common interests din kami. Mahilig siya sa sasakyan—karerista rin siya ng motor noong araw.

“Mahilig siya sa steak. Mahilig siyang mag-grill.”

Natatandaan ng YES! Magazine team na hilig din ito ni Dingdong. Nang minsang mapadpad sa lugar niya ang YES! team para sa isang pictorial, higit pa sa sapat ang inihanda nitong pagkain.

Pero di pa nasiyahan si Dingdong. Sinabi nitong kung hindi lang nagkulang sa oras, ang balak talaga niya ay mag-grill ng steak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN