Venus Raj on boyfriend Andrei Felix: “Sabihin na natin na gusto naming kami na ang magkatuluyan hanggang sa matatanda na kami."

Ito ang pananaw ng beauty queen turned TV host na si Venus Raj tungkol sa pag-aasawa: “Mas maganda na spiritually and emotionally, ready kayo. Hindi lang financially. Sabi nga ng nanay ko, ang pag-aasawa raw ay hindi parang mainit na kanin na isusubo na puwede mong iluwa pag napaso."


Walong buwan na ang itinatakbo ng relasyon ng Umagang Kay Ganda co-hosts na sina Venus Raj at Andrei Felix.

Para sa 2010 Miss Universe fourth runner-up, ang pagiging magkaibigan nila ni Andrei ang masasabi niyang isa sa matibay na bigkis ng kanilang relasyon.

Sabi ni Venus, “Sobrang saya kami kasi nagsimula kami bilang magkaibigan.

“Nakilala muna namin ang isa’t isa bago kami na-in love sa isa’t isa.

“Hindi lang kami magkaibigan, magkatrabaho, so nakakatuwa kasi alam mo na ang ugali niya. Walang pagpi-pretend na nagaganap.

“Sabihin na natin na gusto naming kami na ang magkatuluyan hanggang sa matatanda na kami.

“Ang maganda dun, pag naging mag-asawa kayo at magkaibigan kayo, hindi ninyo iisipin na burden ang isa’t isa.

“Oo, mahal ko siya, pero paano sa mga pagkakataon na hindi mo siya iniisip bilang asawa mo?

“Maganda na may bonding moments kayo bilang best friends. Pati mga anak ninyo in the future, maganda na nakikita nila na ang mga magulang nila, magkaibigan pala.

“Hindi maiiwasan ang mga away, pero dahil maganda ang foundation ninyo, madali ninyo maayos.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Venus sa Star Magic Games noong July 29 sa Celebrity Sports Plaza.

Hindi naman itinatago ni Venus na nakikita niya kay Andrei ang mga katangian ng lalaking gusto niyang pakasalan.

Pero ang pagpapakasal daw ay isang bagay na pinaghahandaang mabuti, lalo’t ayaw niyang magkaroon ng isang broken family.

Saad ng beauty queen-TV host, “Mas maganda na spiritually and emotionally, ready kayo. Hindi lang financially.

“Sabi nga ng nanay ko, ang pag-aasawa raw ay hindi parang mainit na kanin na isusubo na puwede mong iluwa pag napaso.

“Ayaw naming makita ang mga anak namin na, in the future, naghiwalay ang mga magulang nila, na hindi namin sila mapapalaki na magkakasama kami.”

TOO MUCH PDA? Sa isyu naman na sobra sila kung mag-PDA (Public Display of Affection), sinabi ni Venus na hindi naman isyu ito sa kanila ni Andrei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwedeng bigyan ng kulay ng ibang tao kung hindi kami mag-boyfriend or mag-girlfriend.

“Lahat naman tayo dumadaan sa ganyang phase, lahat tayo nai-in love.

“Pag mahal mo ang isang tao, wala kang pakialam sa kahit na anong iisipin ng nasa paligid mo.

“As long as na hindi ka nakakasakit ng kapwa mo, wala kang natatapakang tao, at sa tingin mo tama ang ginagawa mo, wala kang dapat ikahiya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN