Andrei Felix on alleged excessive PDA with girlfriend Venus Raj: “Narinig ko na din ‘yan pero wala naman kaming ginagawang hindi normal."

Ito ang sagot ni Andrei Felix nang tanungin kung may plano na silang lumagay sa tahimik ng kasintahang si Venus Raj: “Oo naman, aminin na natin na hindi na ako bumabata, hindi ako pumapasok sa isang relasyon para makipaglokohan. Nakilala na siya ng parents ko, ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko. Time will tell, depende sa plano ng Diyos."


Bahagi na lang ngayon ng nakaraan ng TV host na si Andrei Felix ang masalimuot na kinahinatnan ng relasyon nila noon ng artistang si Jennylyn Mercado.

Kung si Jennylyn ay nakahanap na ng bagong pag-ibig sa katauhan ng TV host/actor na si Luis Manzano, si Andrei naman ay masaya na rin sa piling ng kanyang bagong kasintahan, ang beauty queen na si Venus Raj.

Nagsimula bilang magkatrabaho sina Andrei at Venus sa daily morning program ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda (UKG).

Nauwi ito sa pagkakaibigan, at ngayon ay bukas na sa publiko ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION. Ngunit ang isang isyung ipinupukol kina Andrei at Venus ngayon ay ang pagiging sobra raw nilang pagpi-PDA, o public display of affection.

Marami raw tao ang naiilang kapag nakikitang sobrang naglalambingan ang magkasintahan.

Ano ang masasabi ni Andrei rito?

“Narinig ko na din ‘yan pero wala naman kaming ginagawang hindi normal.

“Ginawa namin sa GGV [Gandang Gabi Vice] yung tarsier jump, pero hindi naman namin palaging ginagawa yun kahit saan.

“Sabi ko nga sa kanya, it’s also normal for people to think that dahil, before, when I was single, I used to think that same way towards other couple.

“Naiintindihan ko na ngayon. Hindi maiiwasan yun, you cannot please everybody,” saad ng TV host sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ADVANTAGES AND DISADVANTAGES. Kasalukuyang magkasama sa Umagang Kay Ganda sina Andrei at Venus.

Hindi ba mahirap sa parte ni Andrei na kasama niya sa trabaho ang kasintahan, lalo na’t hindi maiiwasang minsan ay may tampuhan sila na maaaring makaapekto sa trabaho nila?

“Ang advantages and disadvantages… pag in sync kami, in sync talaga kami. Pero pag may tampuhan, hindi maiiwasan na di kami maapektuhan.

“Napag-usapan na namin yun from the very beginning, dapat hindi maaapektuhan ang trabaho namin, dahil bago naman naging kami, pareho na kaming nandito sa industriya, sa UKG.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Andrei na nauwi sa relasyon ang pagiging magkatrabaho at magkaibigan nila ni Venus.

Para kay Andrei, napakalaking adbantahe rin na magkaibigan silang dalawa ng girlfriend.

“Thank you sa Diyos dahil umabot kami ng eight months at sana nga tuluy-tuloy.

“Sabi ko nga sa kanya, ayoko siyang madaliin. She has a bright career ahead of her.

“Napanood ninyo ba ang MMK [Maalaala Mo Kaya] episode niya? Pinakamataas, 40.9 percent!" pagmamalaki ni Andrei sa rating ng long-running ABS-CBN drama anthology.

Dagdag niya, “Sobrang inspirational, sabi ko nga sa kanya, puwede siyang mag-teleserye.

“Gawin niya lang ang gusto niyang gawin, nandito lang ako sa tabi niya.

“Alam namin ang strengths and weaknesses ng isa’t isa.

“Kung hindi dahil kay Vice [Ganda], hindi naman maiisapubliko, pero wala naman kaming tinatago.”

THE ONE. Aminado si Andrei na nakita na niya kay Venus ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habang buhay.

“Oo naman, aminin na natin na hindi na ako bumabata, hindi ako pumapasok sa isang relasyon para makipaglokohan.

“Nakilala na siya ng parents ko, ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko.

“Time will tell, depende sa plano ng Diyos.

“Siyempre, hindi rin biro ang pagpapakasal.

"I’m also thinking about the future. Hindi lang kasi basta kasal ’yan, magkakaanak kami eventually.

“Tamang ipon, planning, at usapan,” saad ni Andrei.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN