Cogie Domingo takes new role as Raina’s dad seriously

Cogie on fatherhood: “Ang para sa akin po, lahat na lang ibibigay ko para mabigay ko yung magandang kinabukasan para sa bata.”


Kaarawan ni Cogie Domingo sa darating na August 15, kaya naman isang malaking regalo daw ang kanyang baby girl na ipinanganak nitong kasagsagan ng hanging habagat.

Isang masayang Daddy Cogie ang nagpaunlak ng live phone patch kanina, August 11, sa Ang Latest ng TV5.

Panimulang tanong ni Cristy Fermin, main host ng show at itinuturing na nanay-nanayan ni Cogie sa showbiz, Ano ang latest sa buhay mo, ‘nak?”

Tugon ni Cogie, “Okay lang naman po, masaya.”

Diretsong tinanong ni Cristy kay Cogie, “Sino ang kamukha ng baby?”

Natawa muna si Cogie, at sabay sabing, “Alam na pala ng madla,” at nagkatawanan na rin sa studio.

Pabirong saad naman ni Amy Perez, co-host ng show, “Alam na namin, baka ikaw na lang ang hindi nakakaalam?”

Natatawang sagot pa rin ni Cogie, “Di ko po masabi, e, pero mixed emotions, e. And natutuwa talaga ako, kamukha naman daw po, kamukha ko naman daw po.”

Dugtong pa niya, “Babae po. Baby girl.”

At ang pangalan ng baby: “Raina po, opo, kasi ipinanganak po siya umuulan, e.”

Rain daw ang magiging palayaw ng bata.

Sunod na tanong ni Cristy kay Cogie ay kung kamusta na ang kanyang "manugang," ang ina ng kanyang anak.

Tugon nito, “A, okay lang po siya, nagpapahinga lang po, opo.”

Hindi na muna pinangalanan ni Cogie ang ina ng bata pero childhood sweetheart daw niya ito.

Aniya, “A, huwag na lang po muna, medyo private muna siya at nahihiya siya, e.”

Inamin din ni Cogie na ang pagkakaroon niya ng anak ay isang malaking inspirasyon sa kanya.

Sunod pang tanong ni Cristy kay Cogie, “Ano ang mababago sa buhay mo ngayon at karera?”

Lahad ni Cogie, “Naku, marami po. Ang para sa akin po, lahat na lang ibibigay ko para mabigay ko yung magandang kinabukasan para sa bata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN