Bryan Termulo thankful to be called "Prince of Teleserye Theme Songs"; won’t rush feelings for Angeline Quinto

On courting Angeline Quinto, Bryan says, "Ah…hindi ko pa masabi, kasi ayaw ko naman isipin ng tao na dahil pinupush ka, papressure ka lang…nanligaw ka nang pilit just to please everyone. So, medyo titignan ko na lang siguro."


Nirelease ni Bryan Termulo ang kanyang ikalawang album na pinamagatang Hanggang Ngayon, sa ilalim ng BWB Records and Music Production.

Naglalaman ito ng anim na original songs at dalawang cover songs–ang “Dadalhin” at “Pagdating ng Panahon.”

Nakapanayam ng PEP si Bryan sa kanyang album press launch, sa NAPA Restaurant, Scout Borromeo, Quezon City, noong Agosto 10.

FAVORITE TRACK. Tinanong namin si Bryan kung alin sa mga awitin ng kanyang album ang paborito niya.

“Siguro, pinaka-favorite ko yung Dadalhin, kasi po nung huli kong kinanta ‘yang kantang yan, naku, parang—imposible na ‘kong magkaroon ng exposure sa ABS[-CBN], magkaroon ako ng second album, magkaroon ako ng mga shows outside, maging regular ako sa ASAP…

“So, regardless kung ano yung lyrics sa Dadalhin, pero dinala kasi ako nung kantang yun kung saan ako ngayon. Kaya, isa siya sa paborito ko!”

Bago mapunta sa Kapamilya network ay unang sumikat si Bryan nang manalo siyang first runner-up sa singing contest na Pinoy Pop Superstar sa GMA-7.

Ngunit kaunti lamang ang nakakaalam na nauna nang sumali si Bryan sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest.

Ibinahagi ni Bryan ang mga pinagdaanan niya bago mapunta sa kinalalagyan niya ngayon.

“Pero, unfortunately, hindi talaga ’ko nakuha dun sa Star Circle Quest. Yung una kasi, gusto kong sumali, tapos yung ipapakita kong talent, syempre, singing.

“Tapos, parang ginaganun lang kasi yung camera sa ’yo e… Parang lookers lang eh…so papa’no ka ngumiti, yun lang.

“Tapos may mga point na, isang ngiti pa lang, bumabagsak na ‘ko. Ah, okay, sorry…ngiti pa lang.

"Medyo konting nakaka-depress nang konti.

“Then, the second time around, tinry ko ulit. Tapos sinabi nila, you’re in. Then next day, kung ano daw yung talent…sabi ko, singing.

“Di kumanta ’ko, naaalala ko pa yata… ‘May talent ka, pero I think Star Circle Quest is not fit for you. Meron namang mga singing contest dyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So sabi nila, ’But for now, it’s a no.’ Try mo next time. Sabi ko… Ang advice kasi nila dapat sa singing contest daw.

“So, during that time, sa kabilang station [GMA7], nag-offer sila ng singing contest. So dun ako sumali. Dala-dala ko yung advice nila na may mga singing contest naman dyan.

“Siguro, hindi ako yung pang-actor talaga na materyal. So, tinry ko yung singing search sa ibang istasyon. Yung Pinoy Pop Superstar na may year 1, year 2.

“Yung Year 1 hindi ako pumasa, Year 2 hindi ako pumasa, Year 3, awa ng Diyos, pumasa ‘ko! Tapos, the rest is history.

“Naging first runner-up ako dun sa show na yun. Natanggal pa ‘ko, tapos nag-wild card episode lang na napili ako, na sobra talagang hirap kasi natalo pa ’ko sa Year 3.

“It so happened lang tinawag ako for the wild card. Tapos nag-first runner-up ako.

"So lahat ng struggles ko talaga…As in, naexperience ko talaga lahat ng mga bagay na yun.

“Pero okay lang kasi kung wala yang mga experiences na yan, parang hindi ka rin magiging successful e. Maganda na rin na napagdaanan mo yung mga hardships,” paninindigan niya.

Nabigyan naman daw ng break si Bryan sa GMA-7. Naging regular siya sa Sunday variety show noon na S.O.P. at naging bahagi rin ng isang teleserye.

Ngunit pagkatapos nito ay nagpasya na nga siyang lumipat sa ABS-CBN, kung saan ngayon ay nabibigyan naman siya ng exposure sa Sunday noontime show na ASAP.

“PRINCE OF TELESERYE THEME SONGS.” Binigyan din ng titulo ng Kapamilya network si Bryan bilang “Prince of Teleserye Theme Songs.”

Ang awitin niyang “Bihag” ay ginamit sa telesereyng 100 Days To Heaven, at ang “Dadahin” naman ay ginagamit ngayon sa Walang Hanggan.

Ano naman ang pakiramdam na mabansagang “Prince of Teleserye Theme Songs?”

“Naku, ang sarap. Ah…wow. Hindi naman ako naghahangad ng pangalan, pero kung galing sa kanila yun, maraming-maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ako, kung ano lang yung ibigay nilang kanta, gagawin ko lahat para mabigyan ko ng justice.

“Kasi nga, sayang naman yung kanta, sayang naman yung isang teleserye, kung hindi naman nabigyan ng buhay ng isang singer yung kanta.

“So, salamat na lang at binigyan nila ‘ko ng mga kataga…” sagot ni Bryan.

ANGELINE QUINTO. Samantala, ang singer din na si Angeline Quinto, na nali-link sa kanya, ay tinaguriang “Queen of Teleserye Theme Songs” ng ABS-CBN.

Anong masasabi niya at halos parehas pa ang bansag sa kanila ni Angeline na naiulat na nililigawan niya?

“Well, we are friends. Hindi pa naman dumadating sa punto na nanliligaw. So, all I can say is, we are friends.

“Merong ‘queen,’ merong ‘prince,’ siguro yun talaga yung kapalaran namin na kumanta muna sa mga soap operas, which is good.

“Kasi, yun nga, may tiwala silang binibigay. Isa ‘ko sa mga pinagkakatiwalaan. Marami akong songs na pine-play.

“Feeling ko naman, effective naman yung mga songs na kinakanta ko sa kanila,” wika niya.

Totoo ba ang balitang naudlot ang panliligaw niya kay Angeline dahil ginawa nito ang pelikulang Born To Love You kasama si Coco Martin?

“Uhm, hindi naman sa naudlot kasi, well, napanood ko mismo yung pinaka-pelikula nilang dalawa as…bilang kaibigan, suporta.

“Pero, malalaman naman siguro ng tao kung darating sa puntong tataas na yung level nung friendship. Pero sa ngayon, wala pong nangyayaring ganun.

"We are friends.

“Bihira na nga po kaming magkita e. Kasi minsan nasa labas siya ng bansa, meron siyang out-of-the-country show.

“Tapos, ako naman I’m doing the mall show. So, we seldom see each other,” paliwanag niya.

Ngunit may balak nga ba siyang ligawan si Angeline?

“Ah…hindi ko pa masabi kasi ayaw ko naman isipin ng tao na dahil pinupush ka, papressure ka lang…so, nanligaw ka nang pilit just to please everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, medyo, titignan ko na lang siguro,” sabi pa ni Bryan.

Ano ang mga katangian ni Angeline na hinahangaan niya?

“Ah, kasi, nakasama ko na siya sa ibang shows…mga out of town. Ah, kahit sikat na sikat na siya, nandun yung humility. Humble.

“Na parang, it’s not all about yung fame na nakukuha niya, pero being a person. Dapat, kung papano siya nung nagsisimula, ganun pa rin siya.

“So yun yung isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Bukod sa magaling kumanta.”

Papayag ba siyang maging love interest ni Angeline sa isang teleserye kung sakali?

“Syempre, dun nagsisimula yung ano e, ’di ba… Yun nga yung tinatawag na kung merong chemistry.

“At, yun nga, sa mga loveteam. Ako, open ako sa mga ganun. Kung bibigyan kami ng ABS-CBN, sino ba naman ako para tanggihan?

“Gusto ko din na i-try na loveteam muna para tumatak or tignan ng mga tao kung p’wede talaga, kung may chemistry.

“Tapos, yung mga susunod na mangyayari, e hindi ko na syempre dapat pangunahan.”

AGAINST ALL ODDS. Hindi man kasama si Angeline ay magiging bahagi na rin si Bryan ng isang teleserye, ang Against All Odds.

Ito ay pagbibidahan nina Judy Ann Santos, Sam Milby, at Jessie Mendiola.

Makakasama rin dito ang batikang aktres na si Coney Reyes.

Nagsimula na ba sila ng taping? “Nakapag-shooting na po sila, nakapag-taping na po sila. Pero ako po, yung role ko, hindi pa po. Pero sabi nila sa’kin, second or third week.”

May kakantahin naman kaya siya sa mga theme songs ng teleseryeng ito?

“Sana meron. Kung hindi man ’pa-record sa ‘kin, sana pumili na lang sila ng songs na p’wedeng bagay dun sa Against All Odds.

“Pero hindi ko pa kwan… Pero, sana. Kasi nga ang dami ko ng mga…well, I’m so thankful kasi ang dami ko ng mga songs na nagustuhan ng ABS at sa tingin nila, bagay at okay ilagay sa mga teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Succesful naman yung iba, so maraming-maraming salamat. So sana po, yung mga susunod na teleserye sa ABS…” sabi ni Bryan na may maliit na ngiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN