Julie Anne San Jose says Elmo Magalona does not give her chocolates

Julie Anne, 18: "Madami akong unforgettable summers e, pero siguro masasabi ko halos lahat dun would be involved with work."


Sina Julie Anne at Elmo Magalona ang mga lead stars sa pelikulang Just One Summer, na tungkol sa young love.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne noong Biyernes, August 10, sa 17th floor ng GMA TV Complex, kung anu-anong pang-young love at summer questions ang naitanong namin.

Una na, ano ang unforgettable summer sa kanya?

“Madami akong unforgettable summers e," sagot ng 18-year-old, "pero siguro masasabi kong halos lahat dun would be involved with work."

Paliwanag niya, "Kasi last time, nung nag-birthday ako, nag-celebrate ako sa CamSur and para iyon sa Party Pilipinas.

“Sixteen po ako nu’n bale, Party Buong Pilipinas ‘yun, so parang dun kami nag-celebrate ng birthday ko. Tapos, sakto Sunday siya. Tapos, overnight siya—and iyon, ang dami-dami naming ginawang fun stuffs.”

Kasama niya sa summer na iyon, two years ago, si Elmo.

“Yeah, actually, dun kami lalo nagkakilala.”

Kapansin-pansin ang kaseksihan ngayon ni Julie Anne. Ano ang ginagawa niya para maging ganito?

“Hindi nga po ako nagwo-work out e, kasi tamad ako, e.”

Mabilis namang nagbigay ng paliwanag si Elmo, na katabi ni Julie Anne noong interbyu, sa pinanggagalingan ng magandang pangangatawan ng dalaga.

“Ano siya e, sobrang maalaga sa mga kinakain niya. Hindi siya nag-a-ice cream, hindi siya nagtso-chocolates.”

Ayon naman kay Julie Anne, talagang hindi lang niya hilig ang matatamis na pagkain.

“Hindi po talaga, kasi ever since nu’ng bata ako, hindi talaga ako mahilig sa mga ganung klaseng pagkain. Hindi ako mahilig sa sweets. Hindi ako mahilig sa ice cream.

“Parang choice ko na din na ayoko.”

So, hindi siya binibigyan ng chocolates ni Elmo?

“Hindi.”

Ano na ang pinaka-espesyal na nairegalo sa kanya ni Elmo?

“Nung birthday ko, binigyan niya ako ng jewelries.

“Ano po siya e, isang set, para siyang accessories. Kasi kaya ko siya nagustuhan, kasi favorite color ko siya, orange.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Earrings and necklace po siya.”

Pabalik sa tanong tungkol sa pagka-sexy ni Julie Anne, nausisa namin kung, kapag nasa tamang edad na siya at alukin ng men’s magazine na FHM, papayag ba siyang mag-pictorial dito?

“Naku hindi po, ayoko po.

“Hindi ko po alam, parang hindi ko lang po feel. Parang hindi ko feel na mag-ano sa ganun,” ang natatawang sinabi ni Julie Anne.

“Parang ayoko lang talaga.”

Naitanong na rin ng PEP: May lupa sina Julie Anne sa Bulacan, binaha ba ito nitong nagdaang habagat na nanalasa sa Luzon?

“Hindi ko nga po alam e, wala akong balita.”

Ipinundar ba niya yun?

“Hindi po, actually property po talaga yun nina Papa tsaka ni Mama, tapos parang ang plano na lang is patatayuan na lang ng bahay, so ayun. Pero hindi ko pa nga po natse-tsek kung binaha o ano.”

Masasalang ang tambalang Julie Anne at Elmo sa takilya sa Just One Summer. Bakit dapat panoorin ng mga tao ito?

“Sobrang dapat po nila talagang abangan ang Just One Summer kasi sobrang dami nilang matututunan, and lahat ng pagod namin binuhos namin dito sa movie.

“Kahit na pabagu-bago ng weather tinry namin yung best namin para tapusin ito and maipalabas namin siya kumbaga.

“Tapos nandito rin po ‘yung mga magagaling nating veteran actors and actresses, and sobrang dami po naming natutunan sa kanila.

“And, siyempre, maipapakita namin dito yung other side of Julie and Elmo.

“Na like… kasi yung mga [ibang] ginagawa po namin together is more, medyo light po siya. Usually yung ginagawa namin sa Party Pilipinas, tapos before nag-Andres De Saya kami, Daldalita, tapos yung Together Forever, parang light din po yun.

“Pero kumbaga, dito sa Just One Summer, it’s more of a dramatic side pero light pa din po siyempre.

“Tapos ayun, kikiligin po sila, gugulong silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gugulong sila sa kilig kasi gumulong kami—so gugulong din sila.”

Literál pala ang ibig sabihin ni Julie Anne. May eksena palang nagpagulung-gulong daw sila ni Elmo.

“Nakakatawa yung eksenang yun!”


Just One Summer. Sa August 15, Wednesday, ipapalabas sa mga sinehan ang kuwento ng pag-ibig nina Nyel (Elmo) at Beto (Julie Ann) sa Just One Summer, sa direksyon ni Mac Alejandre.

Ang istorya ay iikot sa kuwento ng buhay ng dalawang magkababata, at kung paano nila matatagpuan ang pagmamahal sa panahon ng tag-araw.

Nasa pelikula rin sina Alice Dixson bilang Irene Lune-Cuaresma, ina ni Elmo; Cherry Pie Picache bilang Julie; Joel Torre bilang Daniel Cuaresma Sr., ama ni Elmo...

Boboy Garovillo bilang Berting, ama ni Julie Anne; at Gloria Romero bilang Meding, lola ni Julie Anne.

Kasama rin sa pelikula sina Arkin Magalona, Sheena Halili, Lexi Fernandez, Sef Cadayona, Steven Silva, Diva Montelaba, Benedict Campos...

Ken Chan, Joana Marie Tan, Diva Montelaba, Ana Feleo, Mon Confiado, Mega Unciano, Maey Bautista at Betong Sumaya.

Ito ay handog ng GMA Films.

CLICK HERE to watch PEP Talk with JuliElmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN