Eat Bulaga Indonesia hosts Uya Kuya and Rian Ibram meet Eat... Bulaga! Dabarkads

“They said the Bossing in Philippines is handsome, ok? And I think I am more handsome than Bossing!” jokes Eat Bulaga Indonesia’s Uya Kuya about his Philippine counterpart Eat... Bulaga!’s Bossing Vic Sotto. Uya Kuya and his EB Indonesia co-host Rian Ibram appeared in yesterday’s EB show.


Kahapon, August 11, Sabado ay masayang nakipagkulitan at nakipag-jamming ang hosts ng Eat Bulaga Indonesia, na sina Uya Kuya at Rian Ibram, sa mga Pinoy Dabarkads ng Eat... Bulaga!, sa pangunguna nina Bossing Vic Sotto, Joey de Leon, at Senator Tito Sotto.

At gaya ng original Philippine version, nangunguna rin sa ratings ngayon ang Eat Bulaga Indonesia sa kanilang bansa.

Bukod dito ay may dala-dala ring kahun-kahong school supplies ang mga Indonesian Dabarkads na ido-donate sa mga nasalanta ng katatapos lang na baha sa Pilipinas.

Sa interview naman ng Startalk TX kahapon sa Indonesian Dabarkads na sina Uya at Rian, sinabi ng Indonesia-based hosts na magandang experience para sa kanila angpakikipagkita nang personal sa kanilang Philippine counterparts.

Eat... Bulaga! people here are nice and we have a very, very good experience here,” ani Uya.

Sabi naman ni Rian, “They are very friendly, very good to work with them.

“Our show, this is kind of three weeks. And then our rating, we raised a very good number—20.7! Such a good number of ratings in Indonesia.

“They like our TV show very much and the audience wants to come again and again to join our segment per segment.

“We share happiness to the people. It’s a good TV show.

“It’s not only a TV show, it’s a life!” dagdag pa ni Rian.

“Maybe the other stations will copy and try to compete with us, but I think Eat Bulaga Indonesia is a masterpiece in Indonesia,” bida namang muli ni Uya.

Matapos nito ay nagbida naman ito ng: “They said the Bossing in Philippines is handsome, ok? And I think I am more handsome than Bossing!”

Ang tinutukoy ni Uya na Bossing ay ang kilalang “Bossing” sa showbiz na si Vic Sotto.

Sinang-ayunan naman siyempre ni Rian ang sinabi ni Uya. Kilala sa Indonesia si Uya bilang Boss Uya Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My Boss is more handsome than Philippines’ Bossing,” birong pagmamalaki ni Rian.

Sa kabilang banda, pawang magagandang bagay naman ang nasabi ni Bossing Vic sa panayam ng StarTalk TX tungkol sa kanyang Indonesian counterpart.

“OK naman, mabait, mabait siya. Alam mong sikat na sikat siya sa Indonesia, ’no? Very famous, pero hindi mo siya makikitaan ng kahit na konting ere.

“Parang ako! Wow!

“Marami siyang talent, multi-talented,” birong totoo pa ni Bossing.

Nagpahayag naman ng kanilang damdamin sina Uya at Rian sa mga nasalanta ng nagdaang habagat.

“We feel sorry for the victims of the floods. We feel sorry for your loss and, of course, we always pray for the victims of the floods,” ani Rian.

Natutuwa naman si Vic sa concern na ipinakita nina Uya at Rian.

“Yeah, alam nila, e. Kasi nung schedule nila na pumunta rito, sakto namang meron tayong konting problema sa bayan.

“E, tayo naman kasi nagpadala rin tayo nung ma-tsunami sila, kung natatandaan ninyo a few years back. So, bigayan lang yan, e.”

Matatandaang tinamaan ng malaking tsunami ang Indonesia nung 2004.

“So, kami naman e natutuwa na hindi nila tayo nakakalimutan na tulungan,” sabi ni Vic.

At bilang pagtatapos sa interview sa kanila, sinabi nina Uya at Rian na isang karangalan daw na nagpunta sila sa Eat... Bulaga!.

“This is our first time in Manila, in Philippines. It’s so good to be here.

“It’s an honor to perform on Eat... Bulaga! Philippines.

“It’s a pleasure to work with them and, hopefully, our TV show Eat Bulaga Indonesia will raise a good number, good rating every single day, and, hopefully, our citizens will love us, will love our TV show,” pagtatapos ni Rian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN