Elmo Magalona clears issues about Lauren Young; assures JuliElmo fans: "Feeling ko hindi pa naman time na dapat mag-worry yung mga tao na baka mag-split or kung anong mangyari."

Elmo Magalona stars with Julie Anne San Jose in GMA Film’s latest teen flick about young love, Just One Summer.


Sa muli na namang pagtukoy sa mga bali-balita na may relasyon sila ni Lauren Young, diretsong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo Magalona tungkol dito.

Nakausap ng PEP si Elmo noong Biyernes, August 10, sa 17th floor ng GMA TV Complex para sa promo ng pelikula nila ni Julie Anne San Jose para sa GMA Films, ang Just One Summer.

Kaibigan daw si Lauren ng mga kapatid niyang sina Saab at Maxene Magalona.

“Hindi, feeling ko kaya… sa akin kasi, kaya sila laging nali-link, yung sa amin kasi, parang ano siya..." pagbubuo muna ng paliwanag ng 18-year-old Kapuso contract artist tungkol sa usap-usapang may relasyon diumano nila ni Lauren.

"Si Lauren, close siya kina Max ’tsaka kay Saab, e. Parang yung minsan sumasama sila sa akin, ganun.

“Kasi kasama ko sina Max, ’tapos lalo na yung mga bading nilang kaibigan.

“Iyon nga kasi ako, alam ninyo naman close ako sa family ko, e. Madalas po ako lumabas kasama ko sila.

"Minsan lang ako lumabas kasama yung mga friends talaga. Kasi, ayun, nasa college sila ’tapos ako, parang wala naman akong time.

“Kunwari, busy sila ngayon, or busy ako ngayon. Kaya ayun, usually, kasama ko ang family ko.

“Tapos ayun, lumalabas ako kasama ko yung kuya ko, sina Max, sina Saab,” patuloy na pagpapaliwanag ni Elmo.

At ang kanyang sagot sa tanong kung sila na ba ni Lauren: “Hindi, hindi po kami.”

Ngunit hindi rin naman itinanggi ni Elmo na may mga pagkakataong lumalabas sila ni Lauren.

“Pero kasi, usually pag nakakasama ko po siya, kasama ko rin po yung ibang friends niya, e.

"Never po na kaming dalawa lang. Hindi ko pa siya nakasama na kaming dalawa lang, kahit once.”

Nang tanungin ng PEP kung nililigawan ba niya si Lauren, ito ang tugon ni Elmo: “Ngayon po? Hindi, hindi po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit dati rin daw ay hindi niya ito niligawan.

“Parang… she’s a good friend. Pero hindi to the point na, kami, or relationship na ganun?" tukoy pa ni Elmo tungkol sa pagiging magkasintahan diumano nila ni Lauren.

Naiinis ba siya kapag inili-link sila ni Lauren, lalo na nga’t sa August 15 na ipalalabas ang pelikula nila ng ka-loveteam niyang si Julie Anne?

“Ewan ko kung naiinis, pero parang lagi na lang kasing inaano, e. Laging nalalagay sa picture,” tila nagrereklamong tugon ni Elmo.

NO REAL INFO ON RUMORS. May balita ring ang mommy niyang si Pia Magalona na ang magma-manage kay Lauren, na balitang lilipat na sa GMA.

“Oo nga po, iyon yung… So, parang ewan ko.

"Feeling ko, parang ano yun...Hindi ko alam kung bakit inisip niya na maging ano yun, parang path niya in her career. Pero yun ang rumor.”

Hindi pa raw rin kasi sila nagkakausap ni Lauren, kaya wala rin siyang alam kung totoo nga ang mga usap-usapang paglipat nito ng network at pagkuha sa mommy niya bilang bagong manager nito.

Pero ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling totoo pala ang mga usap-usapan?

“Ano, ewan ko,” natatawang sagot ni Elmo.

Hindi pa rin daw kinukumpirma ng mommy nila sa kanilang magkakapatid kung ito nga ba ang magiging manager ni Lauren, bagamat nababanggit naman nito minsan ang dalaga sa kanila.

“Minsan sinasabi niya, pero hindi naman siya nagsasabi na parang confirmed or ano.

"Minsan binabanggit niya, pero hindi naman niya ’binibigay yung full details sa amin, e,” ani Elmo.

Pero ok lang ba kay Elmo kung sakaling maging Kapuso na si Lauren?

“Oo, ok lang. Kasi feeling ko, wala naman yung parang…kunwari kung maaapektuhan yung work ko or yung loveteam namin ni Julie Anne?

“Kasi ngayon parang…”

Ang pag-aalala ni Elmo ay ang posibleng reaksyon ng JuliElmo fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka awayin ng mga ito si Lauren.

“Yun nga, kasi laging nili-link lang,” sabi ni Elmo.

JULIELMO FANS NEED NOT WORRY. Pero matibay naman ang paniniwala ni Elmo na hindi basta mabubuwag ang loveteam nila ni Julie Anne, kahit na nali-link siya kay Lauren.

“Opo, e. Feeling ko naman parang ngayon lang talaga nabibigyan ng parang recognition din yung loveteam namin ni Julie.

"Kasi ngayon lang din naman yung movie namin. So, feeling ko hindi pa naman time na dapat mag-worry yung mga tao na baka mag-split or kung anong mangyari.

“Kasi kahit na may ma-link, parang kung hindi naman nanggagaling sa amin or what, wala naman talagang proof or evidence.

"So, iyon. People just keep on assuming naman, e,” may kumpiyansang sabi pa ni Elmo.

Wala raw dapat talagang ipag-alala ang fans ng JuliElmo loveteam.

“Opo. Kasi yun nga, hanggang sa may JuliElmo pa rin, wala namang dapat mag-worry na may mangyayari.”

ON POSSIBLE PAIRING WITH LAUREN. Pero paano kung ipareha siya kay Lauren?

Natawa bigla ang binata, “Ewan ko.

“Kasi hindi ko naman alam, e. Parang…

"Nakita ko siyang mag-act. Pero magaling naman siya, e. Pero hindi ko alam kung..." nag-aalinlangang banggit ni Elmo.

"Ewan ko, kasi kay Julie pa lang naman talaga ako nag-work as a tandem talaga, e.

“Kasi yung sa amin ni Barbie, hindi naman siya talaga naka-incline sa loveteam or parang may love relationship.”

Hindi nga sila ganoon kadalas magkaeksena ni Barbie Forteza, ang kapareha niya sa weekly primetime comedy show na Tweets for my Sweet ng GMA.

“Oo nga, e. Minsan na nga lang kami magkita ni Barbie, e.

“Kay Julie pa lang naman talaga nagwo-work yung chemistry ko. So, hindi ko pa napi-feel kung …” pagputol na mismo ni Elmo sa walang kasiguraduhang pananalita niya.

NOT YET READY TO START A NEW LOVETEAM. Pero ang gusto talagang ipunto ni Elmo, wala pa siyang tiwala na kaya niyang magsimula ng bagong loveteam o maipareha siya sa ibang female talent ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, and feeling ko kasi, wala akong masasabi kung may chemistry ako sa ibang tao pa, e.”

“Ok lang, kung magwo-work siya.

"Kasi yung sa amin naman ni Barbie parang nagwo-work din, kasi hindi naman siya talaga loveteam nga, di ba?

"Pero ayun, napapakita namin yung makulit naming side, yung parang nagkukulitan kami, inaasar ko siya."

ASSURING JULIELMO FANS. Muli ay siniguro niya sa fans nila ni Julie Anne na kahit ipareha siya sa iba ay hindi maaapektuhan ang loveteam nila.

“Kung nate-threaten yung mga tao, feeling ko dapat hindi naman, e.

"Kasi iyon nga, dapat focused lang sila muna dito sa kung ano ang meron sa amin ni Julie. Kasi bago pa lang siya, e.

“Kahit two years na kaming nagkakatrabaho ni Julie, parang ngayon talaga siya nagiging mainit sa masa," pag-a-assure pa ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN