JC Tiuseco: "Hindi nga ako lumalabas, e, paano ako magkaka-girlfriend? Wala akong nakikilala."

Four years after he became the Ultimate Sole Survivor, JC Tiuseco remains a hunk with even less body fat.


Mag-aapat na taon na nang una nating makilala si JC Tiuseco nang siya ay manalo sa pinakaunang season ng Survivor Philippines, ang reality show ng GMA-7.

Marami na nga ang nagbago sa kanyang buhay mula noon, partikular sa kanyang showbiz career, subalit nananatili siyang mahiyain kapag nakakausap ng press.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JC noong Sabado, August 11 sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite para sa last taping day ng My Daddy Dearest ng GMA-7, nag-share si JC ng latest sa kanya.


ON HIS LOVELIFE. Una naming inusisa sa kanya ang tungkol sa napapabalitang non-showbiz girlfriend daw niya.

Natawa lamang siya at sinabing, “Buti pa sila may alam. Wala, wala nga, e, wala talaga.

“Hindi nga ako lumalabas, e, paano ako magkaka-girlfriend? Wala akong nakikilala. Sana nga meron, e.

“Nagpapahanap nga ako sa mga kaibigan ko ng made-date, e. Hindi kasi ako malabas so wala akong nakikilalang mga bago.

“Pero ngayon na tapos na ang taping, kokontakin ko na ang mga kaibigan ko, lalabas na kami.

“Seryoso, promise, wala akong girlfriend!”

Hindi rin daw totoong binabalikan niya ang ex-girlfriend niyang non-showbiz girl.

“Matagal ko nang hindi siya nakakausap, sobrang tagal na. Ever since nagpunta siya sa States, hindi ko na siya nakausap,” sabi ng Kapuso hunk.


MY DADDY DEAREST. Tinanong din namin si JC kung ano ang nararamdaman niya sa pagtatapos sa Biyernes, August 17, ng My Daddy Dearest.

“Happy naman ako sa show pag nagte-taping kami, light, masaya lahat.

"Tapos ’pag nandiyan nga sina Kuya Ogie [Alcasid], sina Kuya Pekto, laging nagtatawanan, ganun, okay naman.”

Gayun pa man ay nalulungkot din daw siya.

Paliwanag ni JC, “Oo naman, kasi laging ‘pag nandiyan sila masaya tapos mababait lahat ng cast, sina Jolina [Magdangal], tapos naging close lahat, so malungkot.

“Kasi pag nasa standby area kami, kulitan kaming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga kids rin, nakikipaglaro ako sa kanila.”

Crush nga raw si JC ng mga batang cast members ng show, tulad nina Kyle Ocampo at ng bidang si Milkcah Wynne Nacion.

“Hindi naman, kuya lang, kuya nila ako. Hindi pa nila alam yung crush-crush,” nakangiting sabi niya.

Sinasabihan nga raw si JC ng mga bagets na, "Kuya JC, ang laki ng muscles mo!"

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Siyempre flattered kasi napapansin nila kahit mga bata pa sila, at yun nga, kuya nila ako, e.”

At siyempre, since sila ni Ogie ang "magka-loveteam," iba rin ang naging closeness nila.

Tinanong namin siya kung ano ang natutunan niya kay Ogie.

“Yung patience ni Kuya Ogie, ibang klase, kasi kahit inuumaga kami, trabaho lang, dire-diretso pa rin, walang reklamo.”

Naging kumportable naman siya na "ka-loveteam” si Ogie?

“Oo naman kasi hindi naman mahirap kasi makulit, e, tawanan kami nang tawanan lagi.”

Sa My Daddy Dearest kasi ay naging babae ang karakter ni Ogie, at si JC ang naging love interest niya.

Ano naman kaya ang nararamdaman niya kapag "nilalandi" siya ni Ogie sa mga eksena?

“Natatawa na ako, pinipigil ko lang ang tawa ko.”


GAY ROLES. Kung siya naman kaya ang aalukin ng gay role, papayag ba siya?

“Hindi ko ata kaya yun, e. Si Kuya Ogie kaya niya, kaya hanga ako sa kanya.

"Nakikita ko siya in character siya kahit hindi kami nagte-take, e. Hindi siya bumibitaw, e, nagpapatawa pa rin siya tapos bading pa rin.

"Hindi ko yata kaya buong araw na ganun!” ang natatawang sabi ni JC.

Paano kung serious gay role?

“Hindi yata, pangit tingnan, e, hindi ko kaya, hindi ko ma-imagine. Ang laki ng katawan ko tapos gaganun ako,” sabay tawa muli ng hunky male star.

“Siguro ’pag matagal na matagal na ako sa showbiz.”


OTHER YOUNG ACTORS. Talent ng Mercator Artist & Model Management si JC, tulad rin ni Benjamin Alves na kahit baguhan ay nabibigyan ngayon ng magagandang projects sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw nai-insecure dito si JC.

“Ako, hindi naman kasi madami nang naging talents si Jonas, hindi naman ako nai-insecure sa mga ganun.

"Mas natutuwa pa nga ako pag maraming work ang mga talents ni Jonas.

“Siyempre nasa iisang agency lang naman kami.”

Ngunit kung tutuusin, wala naman dapat ika-insecure si JC dahil hindi naman siya nababakante ng mga projects.

“Oo, kaya okay naman.”

Si Mikael Daez, na Mercator talent din, ay ilu-launch na bilang leading man sa susunod nitong soap na Sana Ay Ikaw Na Nga katambal si Andrea Torres.

“Good for him, e, di maganda," reaksiyon ni JC.

Hindi naman daw nagde-demand si JC sa GMA-7 na bigyan siya ng lead or solo show.

“Hindi naman. Para sa akin, as long as may work.

“Inaantay ko na lang sila kung ano ang desisyon nila, nasa kanila yun.

"Kasi kahit ano naman ang sabihin ko diyan, hindi naman mangyayari kung ako lang ang magsasabi, di ba?

“Dapat sa kanila manggaling.”


BEING A KAPATID. Tinanong din namin si JC kung ano ang masasabi niya sa paglipat ni Daniel Matsunaga sa TV5. Alaga rin ng Mercator ang hunky Brapanese model.

“Sabi ni Jonas naman kasi, iyon yung parang pinaka-the best na move for him.

"Kasi parang nag-meeting din naman yata sila ng GMA, iyon na yata yung pinaka-best move for him, to switch na.”

Si JC ay may kontrata pa sa GMA-7 hanggang May 2013.

Naisip ba niya na after mag-expire ang kontrata niya ay lilipat siya sa TV5?

“Hindi pa. Happy naman ako sa GMA,” sagot niya.

What if malaki ang offer ng Singko at maraming projects na ibibigay sa kanya?

“Mag-uusap muna kami nang mabuti ni Jonas. Siyempre tatanungin ko siya kung bakit, kung ano ang reason niya.”

Kung maganda ang reason na ibigay sa kanya ni Jonas?

“Hindi ko alam, desisyon niya yun, siya yung manager, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tatanungin ko siya, kung ano yung best siyempre, kung ano yung sa tingin niya ay mas makakabuti sa akin.”

Tinanong din namin si JC kung nasaan na si Akihiro Sato na taga-Mercator din. Pagkatapos kasi nitong manalo sa Survivor Philippines Celebrity Edition ay nawala na sa sirkulasyon.

“Nasa Brazil pa, pero ang alam ko, babalik naman daw dito.

“Sabi April, e, wala pa rin siya. Kasi ang alam ko, may mga aayusin pa siya dito na mga naiwan niyang mga bagay-bagay.”


ON DOING GOOD DEEDS. Nitong nakaraang hagupit ng Habagat, tumulong daw si JC sa mga binaha.

Kuwento niya, “Pumunta ako sa Corinthians, tapos nag-pack ng relief goods.

“Yung nag-relief operations noong Ondoy sa Megatent tsaka Corinthians, sila yung grupo, classmate ko noong high school yung isang member.

"So doon kami nagbagsak ng relief goods tapos nag-repack.”


ON HIS PHYSIQUE. Kapansin-pansin din na paganda nang paganda ang katawan ni JC, kaya naman hindi namin mapigilang magtanong kung ano ang plano niya.

“Wala naman, naadik lang ako sa gym, e!” sabay tawa niya.

Tuwing kailan siya kung mag-workout?

“Kung kailan may free time.

"Kasi after ko nung surgery ko [ng ACL], sabi ko, ayoko ng ma-injury ulit. Gusto ko nang bumalik sa paglalaro ng basketball. Gusto ko malakas na ulit ako.

“Tapos iyon, eventually, habang nagdyi-gym ako, ang dami kong natutunan, ang dami kong na-research.

"Tapos iyon, alam ko na kung paano kong i-diet yung katawan ko, kung kailan ako puwedeng kumain, kung kailan ako kailangang mag-diet, kung paano mag-workout.”

Kasabay ng regular workout niya, naging conscious din siya sa kanyang kinakain. Iniiwasan na raw niya ang oily and fatty foods.

“Pero ngayon kumakain na ako ulit ng fried kasi ngayon puwede na akong kumain, e. Mababa na yung body fat ko.

“Kaya normal na ulit ang kain ko, pero mine-maintain ko pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kunyari ngayon kakain or magpi-pig out ako ng isang araw, tapos kinabukasan magda-diet ako. Ganun, parang paiba-iba.

“Tapos iniisip ko sa isang day iniisip ko kung ano na yung mga nakain ko within 24 hours, hindi puwedeng puro bad.”


Nananatili pa din and desisyon ni JC na hindi siya magpapa-pictorial nang naka-briefs or skimpy swimming trunks, “Oo, magagalit si Mommy, e.”

Kilala kasing masunuring anak si JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN