Senator Chiz Escudero’s father, Congressman Salvador Escudero III, passes away

Sumakabilang-buhay kaninang madaling-araw, Agosto 13, ang ama ni Senator Chiz Escudero na si Sorsogon Representative Salvador Escudero III, matapos ang pakikipaglaban sa sakit na colon cancer.


Absent ngayon si Senator Chiz Escudero sa live show ng Kris TV ng ABS-CBN dahil sumakabilang-buhay kaninang 3:30 a.m., August 13, ang kanyang amang si Sorsogon Representative Salvador Escudero III.

Ipinahayag ni Kris Aquino sa Kris TV ang pakikiramay niya sa kanyang co-host.

May sakit na colon cancer ang 70-year-old father ni Chiz, at binawian ito ng buhay habang natutulog sa bahay niya sa Quezon City.

Dalawang taon nang may sakit si Congressman Escudero.

Ibuburol ang kanyang labi sa Mount Carmel Church sa Broadway Street, New Manila, Quezon City.

Dating dean at professor (1970-1984) ng College of Veterinary Medicine sa University of the Philippines Los BaƱos si Congressman Escudero, bago siya nanungkulan bilang Minister ng Food and Agriculture, mula 1980 hanggang 1984, sa administrasyon ni dating President Ferdinand E. Marcos.

Nagsilbi rin si Escudero bilang Secretary of Agriculture sa administrasyon ni ex-President Fidel V. Ramos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN