Netizens cry foul over TV5’s "deceitful" info about airing 2012 London Olympics’ closing ceremony live

Isa sa mga inabangang performances sa 2012 London Olympics Closing Ceremony ang pagbabalik-entablado ng all-famale group na Spice Girls. Masaya na sana ang Pinoy fans nang malamang ipapalabas sa TV5 ang buong pagtatanghal ng closing ceremony, subalit nadismaya ang mga ito nang putulin ng network ang pagtatanghal upang magbigay-daan sa kanilang regular programming.


Nag-init ang social networking site na Twitter ngayong umaga, August 13, dahil sa maaanghang na tweets ng mga netizens laban sa TV5.

Marami ang nagalit dahil sa tinatawag nilang "panloloko" ng network sa kanilang live telecast ng 2012 London Olympics closing ceremony.

Nitong mga nakalipas na araw kasi ay in-advertise ng Sports 5—ang official free TV broadcaster ng London 2012 Olymics sa Pilipinas—na ipapalabas ang closing ceremony sa TV5, sa ganap na 4 a.m. hanggang 6:30 a.m. ngayong araw.

Ito ay live telecast umano na kasabay ng mismong event na nagaganap sa Olympic Stadium sa Stratford, London, England.

Tinupad naman ito ng network, at bandang alas-kwatro kaninang umaga ay nagsimulang umere ang programa.

Subalit ang masaya sanang panonood ng ilan ay nauwi sa pagi-init ng ulo ng marami dahil biglaang pinutol ng TV5 ang coverage upang magbigay daan sa ilang commercials.

Bagamat hindi naman inanunsiyo sa mga advertisement na walang commercial breaks ang telecast, hindi pa rin ito ikinatuwa ng viewers sa kadahilanang may ilang bahagi ng programa ang hindi nila napanood.

Nangibabaw rin ang tweets ng mga fans ng grupong Spice Girls na nangambang baka hindi nila maabutan ang reunion performance ng kanilang mga idolo.

Taong 2008 pa kasi nang huling magtanghal bilang grupo ang Spice Girls. Ito ay naganap sa Air Canada Centre sa Toronto, Canada, bilang bahagi ng naudlot nilang reunion world tour.

Makailang beses na naulit ang pagsingit ng TV5 ng commercials sa gitna ng programa.

Hanggang sa sumapit ang 5 a.m., kung saan imbes na ipagpatuloy ang coverage ay nagsimula nang umere ang morning show ng TV5 na Good Morning Club.

Bagamat bumalik din ang telecast, hindi na tuloy napanood ang iba pang mahahalagang pangyayari sa closing ceremony.

Dahil dito, hindi na napigilan ng mga netizens/viewers ang kanilang emosyon at ipinarating ang kanilang pagkadismaya sa TV5 sa pamamagitan ng Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang ilang posts ng mga dismayadong manonood:

@shellaina: "we thought the tvc breaks during the live coverage is worse already. but wait, there’s more! tv5 made it worst by cutting it short! kaloka!!"

@AkoSiEricksonM: "Nabubuwisit ako ng TV5. Pinaka aabang abangan ko pa man din yung Closing Ceremony, bigla ba naman cinut? Ang aga ko pa naman gumising."


Maging ang ilang hosts ng programa na sina Paolo Bediones, Amy Perez, Christine Bersola-Babao, at Chiqui Roa, at pati na si TV5 vice president for entertainment Perci Intalan, ay nakatanggap din ng mga negatibong komento mula sa mga manonood.

@mmmarc: "@GoodMorningClub @paolobediones @TVManila5 @percinotpercy disappointed at how TV5 handled the Olympic Closing Ceremonies live broadcast."

Upang pahupain ang galit ng manonood, muling ipinalabas ng TV5 ang Olympics coverage, kasabay ng Good Morning Club, sa pamamagitan ng screen inset.

Inanunsiyo rin ng mga Good Morning Club hosts na magre-resume ang telecast mula 6 a.m. hanggang 6:30 a.m., at sinigurong mapapanood ng fans ang performance ng Spice Girls.

May ilan na natuwa sa agarang pag-aksyon na ito ng TV5 sa kanilang reklamo, subalit mas nangibabaw pa rin ang galit ng karamihan—lalo na nang muling putulin ng TV5 ang pagpapalabas sa closing ceremonies habang nagpe-perform ang bandang The Who.

@feeshda: "akala ko 6am onwards asan na??? another lie. tsk tsk tsk. sana sinabi nila na spice girls lang ang ipapakita. haaay.. fail tv5."

@feeshda: "excuse me hindi lang spice girls ang hinihintay ng mga tao. this is the freakin olympics! a MAJOR event people deserve to witness ok? tv5"

@DRgeekEW: "Olympics happen every 4 years.. but this Closing Ceremony happens only once! TV5 ruined the start of my week"

STATEMENT FROM TV5. Samantala, nahingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag ang pamunuan ng Sports 5 tungkol sa insidenteng ito.

Narito ang kabuuan ng email na ipinadala ng Sports 5 ngayong umaga:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The Closing Ceremony of the London Olympics was aired live on TV5 from 4:00-5:00 AM today and highlights were incorporated into its morning program, Good Morning Club. TV5 will air the full closing ceremony at 12 noon on TV5 and at 8:00PM on AKTV on IBC."


FALSE ADVERTISING? Bagamat may replay na maaaring panoorin ng mga nabitin sa live airing kaninang umaga, marami pa rin ang nanindigan sa kanilang pagkadismaya sa TV5.

Narito ang ilan sa kanila:

@nike_free70: "TV5 gave a false advertisement regarding the live coverage of the closing ceremony"

@Kurt_Urbanozo: "TV5, though I have BBC1, I am disappointed with your false claim on London 2012s LIVE Coverage of the closing ceremonies#TruthInAdvertising"

@MrSeaFoamGreen: "I hate pretentious advertising #TV5"

@ryanvsilverio: "@tv5manila deceived viewing public #London2012#ClosingCeremony #tv5"

@_peabrain: "Dear TV5, pag may pagkakataong magpakitang gilas, lubusin na, ibuhos lahat. Huwag yung tingi lang. Gumastos na lang din."

Bukod sa TV5 ay napanood din ang closing ceremony ng 2012 London Olympics sa cable channel na Solar Sports bagamat delayed telecast na ito.

Sa ngayon ay hinihintay ng PEP kung magkakaroon pa ng karagdagang statements ang Sports 5 at TV5 tungkol sa pangyayaring ito.

Abangan na lang ang karagdagang mga detalye sa susunod na mga oras o araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN