Regine Velasquez gets emotional while singing parents’ favorite song; says dad Mang Gerry is "okay but he can be better"

Naging emosyunal ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang kinakanta ang "You’ll Never Know" sa Party Pilipinas kahapon, August 12. Ipinaliwanag ni Regine sa H.O.T. TV na napaiyak siya dahil ito ang paboritong awitin ng kanyang mga magulang.


Sa Party Pilipinas kahapon, August 12, ay nagulat ang marami dahil naging emosyunal si Regine Velasquez sa isa niyang song number.

Hindi kasi napigilian ng Asia’s Songbird ang mapaiyak habang kinakanta ang awiting “You’ll Never Know” ni Frank Sinatra.

Kinahapunan, sa H.O.T. TV—kung saan isa si Regine sa mga hosts kasama nina Roderick Paulate, Raymond Gutierrez, at Jennylyn Mercado—ang tungkol dito ang ipinaliwanag ni Regine.

“Lagi naman akong umiiyak pag kumakanta ako,” ang sa simula’y pagbibiro ni Regine.

“Hindi, kasi meron kaming bagong segment ngayon sa Party Pilipinas na ‘Mr. & Mrs. A.’

“Yung mga viewers natin, magpapadala sila ng mga love stories nila tapos magre-request sila ng song.

“This week, for the first time, ang ginamit naming story… hindi naman talaga namin ikinuwento yung buong story, yung sa nanay at tatay ko."

Ang tinutukoy ni Regine ay ang mga magulang niyang sina Gerry at Teresita Veleasquez.

“And ‘You’ll Never Know’ is their favorite song. Kaya medyo naging emotional ako.

“Siyempre kasi medyo nagbabago na ang panahon,” ang tila muli na namang naiiyak pang sinabi ni Regine.

MANG GERRY’S HEALTH. “Actually, marami ang nagtatanong sa akin kung okay ba daw si Papa kasi nagtu-tweet din ako.”

Si Mang Gerry ang nagsilbing unang mentor ni Regine bilang isang mahusay na singer.

Pagpapatuloy ng Asia’s Songbird, “Yeah, I just want to let everybody know that’s he’s okay, okay naman siya.

“Pero alam mo yung… he can be better.

“Yung parang I wish na mas okay pa siya, yung bumalik yung dati niyang sigla, yung ganun.

“’Tsaka para hindi din… ang hirap makita, e, pagka yung magulang mo, pinapanood mo, ang hirap, e!

“Lalo na ako, kasi sanay na sanay ako sa tatay ko na… may ADHD [attention deficit hyperactivity disorder] yung tatay ko, e!” pagbibiro ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung kahit saan… magulo siya, e, malikot siya. Lahat kinakausap, madaldal.

“And then suddenly, nawala iyon, e.

“Kaming dalawa ng nanay ko ang parang medyo, ‘What’s happening?’”

SONG FOR TATAY. May kuwento pa nga na habang kumakanta si Regine ay sinabi ng ama nito na ‘Kanta ko yun, para sa akin yun!’

“Oo, ganun yun, e. Sasabihin nun, ‘Para sa akin yun, e, kanta yun ng anak ko para sa akin!’

“Proud siya.

“Sana ano, Papa, magpalakas ka pa kasi hindi pa naman time. Marami pa tayong panahon na pagsasamahan.”

Ayon pa kay Regine, “Ako, ito lang ang masasabi ko sa mga kabataan ngayon: life is so short.

“Na kung meron kayong time na iparamdam sa inyong mga magulang o sa mga mahal ninyo sa buhay na mahal ninyo sila, gawin ninyo na ngayon kasi… hindi natin alam.

“Actually, one phone call, kilig na kilig na sila dun, e.

“Ang tatay ko, pag tinatawagan ko, yung parang ‘Wow!’”

Noong Hunyo ng taong kasalukuyan ay sumailalim sa "minor surgery" si Mang Gerry, pero hindi tinukoy ni Regine kung anong klaseng operasyon ang isinagawa rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN