Heart Evangelista enjoys stint as "Chika Minute" anchor; wants to go back to school

Pansamantalang si Heart Evangelista ang pumalit kay Pia Guanio bilang anchor ng entertainment segment ng 24 Oras na "Chika Minute." Nage-enjoy daw ang aktres sa kanyang ginagawa ngayon: "I like it a lot. I think I’d like to do news.”


Si Heart Evangelista ang pansamantalang napapanood na nagbabalita ng mga kaganapan sa showbiz sa “Chika Minute,” isang segment ng primetime newscast ng GMA-7 na 24 Oras.

Si Pia Guanio, ang dating regular na anchor ng segment, ay kasalukuyang nakabasyon bilang paghahanda sa pananganak sa unang sanggol nila ng mister na si Steve Mago.

Mukha namang enjoy si Heart sa gabi-gabing pagsalang niya sa "Chika Minute." Nakaka-isang linggo na siya bilang anchor ng segment na ito.

“Ang saya-saya!” sambit ni Heart nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, August 12.

“Nae-enjoy ko siya and I’ll be there again for one week pa. So bale two weeks na ako na magtsi-"Chika Minute."

“Iba kapag nagnu-news ka na live. And hindi siya ‘yong parang nagbi-VJ [video jock] ka lang.

“But I like it. I like it a lot. I think I’d like to do news.”

Kumpara sa pagbi-VJ niya noon sa MXY music channel, iba nga ang pagdi-deliver ng entertainment news dahil mga balita at issues tungkol sa kapwa artista niya ang ibinabalita ni Heart.

“Ang weird!” sabay tawa ni Heart.

“Sana lang hindi dumating sa point na ibinabalita ko yung sarili ko.

“But, uhm… maayos naman ang "Chika Minute." And it’s okay, I like it talaga.”

Sa unang pagsalang niya raw sa nasabing entertainment news segment ng 24 Oras, aminado si Heart na natensiyon at kinabahan siya nang husto.

“Yes! Pero nung isang araw na medyo tumodo ako, na tuluy-tuloy na after ng commercial break, umupo talaga ako sa lapag dahil sobrang nerbiyos ako.

“Mukha lang akong cool na cool, pero bulol kasi ako, e!” tawa ulit niya.

“Sobrang bulol na bulol ako. So yung Tagalog ko talaga, e...

"Kailangan sa news kasi, bago mag-live, doon pa lang ibibigay ang script ko.

“Pero masarap, masarap yung feeling.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUNA BLANCA. Sa ngayon, Party Pilipinas at “Chika Minute" lang muna raw ang kanyang pinagkakaabalahan.

Ito’y habang hinihintay ni Heart ang pagsisimula ng taping para sa Luna Blanca, kung saan siya ang gaganap na adult Blanca. Ang role ay unang ginampanan ni Mona Louise Rey nung bata pa, at ngayon ay si Barbie Forteza ang gumaganap bilang dalagita.

Sabi ni Heart, “I think end of August or first week of September ang start ng taping namin. So relax-relax lang muna ako ngayon.

“Kami na ni Bianca ang last generation. Dito na magaganap ang lahat.”

Si Bianca King ang gaganap bilang adult Luna, una unang ginampanan ni Jillian Ward bilang bata, at ngayon ay si Bea Binene ang gumaganap bilang dalagita.

Alam na ba nila ni Bianca kung sino ang magiging partners nila?

“Wala pa. Wala pa kaming balita kung sino yung makaka-loveteam namin, but I’m looking forward to that.

“Sana bago naman para, you know, different feeling, different kilig for everyone.”

Kung papipiliin ba siya, sinong aktor ang isa-suggest niyang ipareha sa kanila?

“Uhm… gusto ko si Aljur [Abrenica] o si Dennis [Trillo]. Sino pa ba? Siguro sila yung top two ko.

“E, si Dennis, may Bianca. So, there’s something there!” natatawang sabi ni Heart, na ang tinutukoy ay ang off-cam relationship nina Dennis at Bianca.

“And then si Aljur, ano… nakatrabaho ko na sa Temptation Island so more or less, meron na kaming rapport.

“I like those two.”

May ginagawa na ba siyang preparation para sa Luna Blanca?

“No, actually hindi ako nagpi-prepare at all.

“Nagre-relax lang ako. Ini-enjoy ko ang sarili ko as myself, not as Blanca.

“And ang sarap magbakasyon. Pagdating na lang sa set, do’n na lang ako mag-i-internalize.”

May pelikula rin daw siyang posibleng gawin anytime soon.

“Inaayos pa siya under Viva. I know it’s a big production so hinihintay pa namin iyon. Marami pang mga revisions sa istorya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SENATOR CHIZ. Marami rin ang naiintriga ngayon sa estado ng lovelife ni Heart.

Patuloy siyang nali-link kay Senator Chiz Escudero. Pero ayon sa senador, para sa kanya na 42 years old na, yung sa kanila raw ni Heart ay “meeting” at hindi “dating.”

Sumang-ayon naman dito si Heart.

“I think nowadays it’s called meeting—‘yon na ang term these days.

“You meet, you talk about different things. So, yeah, I guess it’s called meeting.”

Pero kumusta na ba sila ni Senator Chiz?

“We’re very close. Gano’n lang.”

Close as friends?

“Yeah, that’s right!” tawa niya.

Si Senator Chiz ay annulled na sa kanyang asawa na si Christine Elizabeth Flores kaya binata ulit ito ngayon.

May ibang mga lalaki ba na nag-a-attempt na manligaw sa kanya?

“As of now, wala naman.

"Hindi naman ako umi-effort to get to know all these guys. I mean, I have a lot of friends.

"Not necessarily when you’re seen in public with someone, it’s romantically, you know, involved na kayo sa isa’t isa.

“But… no.”

Hindi pa siya handa to get romantically involved?

“Uhm… not that I am not ready. Not that I’m looking for anything.

“But I know one day it will just fall in my lap. And everything will just… you know,” nangiti na lang ulit ang Kapuso actress.

POLITICS. Una siyang naging close kay Senator Miriam Defensor Santiago. Ngayon ay naging kaibigan na rin niya si Senator Chiz.

Bukas ba siya sa ideya na pumasok din sa pulitika balang-araw?

“No, I haven’t really thought of it.

“I’m exposed to a lot of that with Tita Miriam, but I haven’t really thought of it.

“Siguro if there’s anything that I’d like to do that’s a bit more serious, I’d like to go back to school—which I have to do very soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon siguro muna. Hindi ko iniisip yung pulitika.”

What about yung maging asawa ng isang politician someday?

“Hindi ko rin iniisip ‘yon!” natawang sagot ni Heart.

“I really don’t know.

“Sa ngayon, I’m very happy with everything that’s going on my life. Peaceful ako ngayon.”

Kung sakaling bumalik siya sa pag-aaral, anong course at saang school niya planong mag-enrol?

“Actually, iyon ang pinag-iisipan ko pa, e. Matagal na ‘tong debate sa utak ko.

“So I will update you as soon as I figured that out.

“Pero hindi pa ngayon. Kasi medyo magiging busy ako with the movie and the soap.”

Pero ano kayang kurso ang nasa top of her mind na posible niyang kunin?

“Ang dami, e. Ayoko munang magsalita.

“There was a time that I was being pushed by Tita Miriam to do Law. I thought of that for a while.

“Pero I want to be realistic as well.

“So maybe something connected to… in connection to what I’m doing.

“Kasi sayang din naman yung pinaghirapan ko. Thirteen years na yata akong nag-aartista.

“So maybe something connected to that. We’ll see,” sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN