Child actress Milkcah Wynne Nacion on being popular: “Hindi ko po iniisip iyon. Kapag iniisip ko po iyon, ibig sabihin po, nagyayabang na po.”

Nag-iisang anak si Milkcah Wynne Nacion pero hindi raw siya spoiled sa kanyang mga magulang. Sabi niya, “Kasi po wala pa po kaming pera. Pero maliit lang po ang suweldo ng papa ko. Mas gusto ko pong mag-artista kasi po nakakatulong po yun sa amin.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso child star na si Milkcah Wynne Nacion sa last taping day ng My Daddy Dearest noong Sabado, August 11 sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.

Tinanong ng PEP si Milkcah kung ano ang nararamdaman niya sa pagtatapos ng show nila sa Biyernes, August 17.

“Siyempre po, nalulungkot po ako na last taping day na po namin.

"Pero okey lang naman po yun, kasi marami naman pong nakahandang shows na ibibigay sa akin ang GMA, e.

“Hindi ko pa po alam kung ano ang shows, pero sabi po sa amin, may mga shows pang ibibigay ang GMA,” sabi ng child actress.

Nang tanungin kung sino ang mami-miss niya sa My Daddy Dearest ngayong magtatapos na ito ay binanggit ni Milkcah ang halos lahat ng kasama niya sa cast.

Kabilang na rito sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, JC Tiuseco, at Pauleen Luna. Pati na rin ang direktor ng show na si Don Michael Perez at ang executive proucer na si Lani Feliciano.


Sa serye ay si Ogie Alcasid ang gumaganap na ama ni Milkcah. Ano ang pinakagusto niya sa Daddy Ogie niya?

“Mabait po, tapos binigyan po ako ng Barbie doll—dalawa po. Si Belle, yung isa po, dalaga na. Yung isa po, bata pa.

“Si Belle po yung nasa Beauty and the Beast,” kuwento ni Milkcah.

Binigyan din daw siya ng Barbie doll ni JC Tiuseco.

JILLIAN WARD. Si Jillian Ward, na isa ring child star ng GMA-7, ay kaibigan daw ni Milkcah. Huli silang nagkasama bilang guests sa Eat Bulaga!

Sino sa palagay niya ang mas sikat sa kanila ni Jillian?

“Siyempre naman po siya, kasi po siya po yung mas naunang sumikat sa akin,” mabilis na sagot ni Milkcah.

Sa tingin ba ni Milkcah ay sikat na siya ngayon?

“Hindi ko po iniisip iyon, kasi po ano, e... kapag iniisip ko po iyon, ibig sabihin po, nagyayabang na po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ROLE MODELS. Sino ang gustong makatulad ni Milkcah paglaki niya?

“Si Ate Marian [Rivera] po at saka si Ate Jolens, si Ate Pauleen... iyon lang po,” sagot niya.

Ano naman ang nagustuhan niya kay Marian Rivera?

“Hindi ko pa po siya nakakatrabaho. Gusto ko po sa kanya, magaling po siyang sumayaw, magaling po siyang umarte."

Sina Jolina at Pauleen naman?

“Si Ate Jolens po, gusto ko po sa kanya, magaling po siyang kumanta at sumayaw tsaka umarte.

“Kay Ate Pauleen, gusto ko po sa kanya yung palalaruin po siya sa bata, tapos binibiro niya po ako.

“Gusto ko rin kay Ate Pauleen, magaling siyang umarte, tapos magaling po siyang kumanta rin po tsaka sumayaw.

“At saka magaling rin po siyang mag-host.”

Isa sa hosts ng Eat Bulaga! si Pauleen.

Wala pa raw crush si Milkcah, pero ang paborito niya ay si Dingdong Dantes.

“Hindi ko pa po nakakatrabaho si Kuya Dingdong.

"Nakita ko na po siya sa Party Pilipinas, nag-hi po ako sa kanya, nag-hello po siya.

“Guwapo po siya,” sabi niya.


CRYING SCENES. May mga eksenang iyakan si Milkcah sa My Daddy Dearest, ano ang iniisip niya para mabilis siyang makaiyak?

“Iniwan po ako ni Mama. Tapos kasi po, wala na akong lolo kaya iyon po ang iniisip ko.”

Nag-iisang anak si Milkcah pero hindi naman siya spoiled ng mga magulang at hindi lahat ng gusto niya ay binibili ng mga ito.

“Kasi po wala pa po kaming pera,” ang inosenteng sabi ni Milkcah.

Seaman ang ama ni niya, “pero maliit lang po ang suweldo ng papa ko."

Masaya naman si Milkcah na kahit seven years old pa lang siya ay nagtatrabaho na siya.

“Okay lang po naman sa akin. Mas gusto ko pong mag-artista kasi po nakakatulong po yun sa amin.”


Nasa Grade II na si Milkcah sa Coronado School of Quezon City. Nakakapasok pa ba siya araw-araw ngayong nasa showbiz na siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “May tutor naman po ako.

"Kapag po may taping ako, uma-absent po ako. Tapos po kapag walang taping, nag-i-school po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN