Gwen Zamora celebrates birthday with abandoned children and flood victims

Imbes na magdaos ng isang party para sa kanyang kaarawan ay minabuti ni Gwen Garcia na magsagawa na lamang ng feeding program sa Virlanie Foundation at mamigay ng relief good sa mga nasalanta ng baha noong nakaraang linggo.


Nagdiwang ng kanyang 21st birthday ang Kapuso actress na si Gwen Zamora noong August 10.

Dapat sana’y may party siya noong August 9 sa Opus Bar ng Resorts World Manila, ngunit dahil sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong nakaraang linggo, hindi na niya itinuloy ang kanyang party.

Nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng GMA-7 gag show na Bubble Gang noong Lunes ng gabi, August 13, ay nakausap namin si Gwen.

Dito ay ikinuwento ng aktres kung bakit nagdesisyon siyang huwag na lamang ituloy ang kanyang birthday party.

Sabi ni Gwen, “Marami rin kasing hindi makakapunta.

“And I have a lot of friends from the north kaya hindi ko na itinuloy.

“It wasn’t the right time really na magpa-party. So, siguro next year na lang.”


CHARITY PROJECT. Sa halip na birthday party, itinuloy na lang ni Gwen ang regular na niyang isinasagawang feeding program.

At dahil sa dami ng nasalanta ng malakas na pag-ulan noong isang linggo, sinabayan na rin niya ito ng pamamahagi ng relief goods sa mga nabaha.

Ang mga taga-Barangay Consular sa Fort Bonifacio, Taguig City, ang pinuntahan ni Gwen.

Ayon sa aktres, dalawang beses na kasing na-relocate ang mga residente ng Barangay Consular dahil sa baha.

Tinanong ng PEP si Gwen kung ito ba ang unang beses na gumawa siya ng charity work o feeding program.

“On my birthday? Yes,” sagot ni Gwen.

“Pero I did this also during Ondoy [2009].

“I helped during Ondoy, and I’m also active with the Virlanie Foundation."

Ang Virlanie Foundation raw ang paboritong charitable institution ni Gwen.

Pagbibigay-impormasyon pa niya, “It’s a foundation that has twelve houses—houses for the elderly that aren’t taken cared of…

“There are houses for toddlers who are found on the streets, abused young teenage girls, and mentally-ill children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, some kids stay there during the weekends and some go home during the weekends or some stay there full time.

“It was founded by Dominique Lemay, a French social worker and his Filipino friends."

Ayon kay Gwen, hindi na siya humihingi ng assistance sa mga sponsors at kaibigan niya dahil personal siyang tumutulong dito.

Kapag may libre rin daw siyang oras, dumadaan siya rito para mangamusta o magpa-merienda lang.


SPECIAL FRIEND. Hindi man naregaluhan ni Gwen ang sarili nung kanyang kaarawan, nakatanggap naman siya ng regalo mula sa isang special someone niya.

“Actually, I got a picture frame with a bunch of pictures and a picture album,” sabi niya.

Ang tinutukoy niya ay ang non-showbiz boyfriend niya. Five months na raw ang relasyon nila.

Matatandaang ang lalaking ito ang escort ni Gwen noong Cosmopolitan event sa The Fort ilang buwan na ang nakararaan.

Iniiwasan na sana ni Gwen na pag-usapan at magbigay ng iba pang detalye tungkol sa identity at family background ng boyfriend niya.

Hindi naman daw ito magagalit kahit ilantad siya sa publiko dahil proud naman ito kay Gwen at matagal na rin silang magkakilala.

Sabi ng aktres, “We’ve known each other for two years now.

“We became friends through our common friends din, kasi yung mga international schools dito, lahat magkakakilala.”

Aminado si Gwen na posible niyang pakasalan ang boyfriend pagkaraan ng dalawang taon.

PROJECTS. Kasama si Gwen sa seryeng Aso ni San Roque ng GMA-7 na pagbibidahan nina Eddie Garcia, LJ Reyes, at Mona Louise Rey.

Naka-tatlong shooting days na rin siya sa Si Agimat, Si Enteng, and Ako. Pagbibidahan ito nina Senator Bong Revilla, Vic Sotto, at Judy Ann Santos.

Ang dati namang balita na magdidirek siya ng isang international indie film ay malabo nang matuloy.

Popondohan daw sana ito ng film company na nag-produce ng international film niyang The Witness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Gwen, “On hold muna because of some issues. Kasi parang naglilipat sila ng office in Indonesia.

“So, they put everything on hold until the transfer of their office is settled.”

Makakasama ang The Witness sa mga pelikulang pagpipilian ng Film Academy of the Philippines (FAP) para maging entry ng Pilipinas sa best foreign language category ng Oscars sa susunod na taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN