Rocco Nacino not ready yet to strip down to his underwear: “Puwede akong mag-topless, pero to go that beyond that, hindi ko pa talaga kaya.”

May offer kay Rocco Nacino upang maging image model ng Bench Body, ang underwear line ng Bench, pero hindi pa raw itong kayang gawin ng Kapuso actor. Paliwanag niya, "For now, kung gagawin ko ‘yan, baka magsisisi pa ako… Feeling ko, maaga pa, e. Saka kaka-start ko pa lang sa showbiz, marami pa akong puwedeng gawin bago ako sumabak sa gano’n.”


Bumabandera sa Facebook, partikular na sa grupo ng mga bading, ang sexy photo ni Rocco Nacino na kuha sa special supplement ng Cosmopolitan magazine na Cosmo Men noong 2010.

Ito yung nakasuot ng boxer brief ang Kapuso actor habang nakapatong sa kamay niya ang isang malaking ibon.

Pawang magagandang komento ang naka-post sa larawang ito ni Rocco at sinasabing isa siyang tunay na “Filipino hunk” at “certified brown beauty.”

Ano ang masasabi ni Rocco sa mga papuring ito sa kanya?

“Wow, I feel flattered!” bulalas ni Rocco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa labas ng dressing room ng Bubble Gang sa Studio 6 ng GMA Network noong Lunes ng gabi, August 13.

Nasa taping ng nasabing gag show si Rocco para bisitahin ang rumored girlfriend niyang si Sheena Halili na guest sa programa.

Sinasabi ring siya na ang susunod kay Aljur Abrenica bilang pantasya ng mga kababaihan at ng mga bading.

“For someone who’s just starting out sa business and second year ko pa lang ata… and to be able to be placed, according to them, alongside Aljur, nakakatuwa naman.”

Natutuwa rin si Rocco na inihanay siya kina Aljur at Dennis Trillo sa bagong station ID ng Kapuso network.

Saad niya, “Nung station ID ng GMA, kasama ko si Aljur at si Dennis Trillo.

“Isinama nila ako doon. I was really flattered na ilinya sa kanila.

“So, I’m happy at gusto kong i-maintain yung image na yun. Gusto kong alagaan itong image na ito.”

NOT YET READY. Alam naman daw ni Rocco na may mga sexy photos siya na kumakalat sa Facebook.

“Yes! Yun nga ang objective ko, e, just to pose for Cosmo one time and not doing it again for a long time. Pero hindi ko alam kung kelan ako uli magpu-pose.”

Nabanggit din niya na maging ang Bench Body—ang underwear line ng Bench—ay interesado rin daw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinihiritan na nga ako ng Bench Body, e, pero hindi ko pa kaya. Hindi pa ako ready… hindi ko alam, e.

“Hindi ko lang ma-imagine ang sarili ko na nagpu-pose,” sabi ng Bench endorser.

Hindi ba niya gustong makita ang sarili niyang billboard na naka-underwear?

“Hindi ko pa kaya, e. Hindi ko pa kaya yung gano’n.

“Pero sabi ko kay Sir Ben [Chan, Bench owner], darating rin yung time.

“Inalok ako ni Sir Jojo [Liamson, Bench advertising manager] at ni Sir Ben para mag-Bench body, pero hindi ko pa kaya.

“Puwede akong mag-topless, pero to go that beyond that, hindi ko pa talaga kaya.”

Hindi man tinanggap ni Rocco ang pagpu-pose nang naka-underwear para sa Bench Body, kasama pa rin daw siya sa 25th anniversary show ng Bench ngayong September.

Wala pa nga lang ideya si Rocco kung ano ang magiging partisipasyon niya at ano ang isusuot niya. Pero pinaghahandaan na niya ito.

“Kanina nga salmon lang ang kinain ko, e!” natatawa niyang pagpapatunay.

“Baka nga mag-topless ako kaya mag-iisip ako kung ano ang puwedeng gawin para mag-enjoy ang audience.”

PASSING ON OPPORTUNITY. Marami ang nangangarap na maging image model ng Bench Body, pero umayaw dito si Rocco.

Hindi ba siya nanghihinayang sa isang malaking opportunity na pinakawalan niya? Posible kasing umakyat pa nang husto ang kanyang career kapag nagpa-sexy na siya.

Sabi ng 25-year-old actor, “Nasabi rin sa akin na, ‘You’re there na for the experience, bakit hindi mo gawin?’

“May mga nagsasabi rin sa akin na, ‘Ngayon na lang kaysa umabot ka ng 30s mo saka ka magga-ganyan [pa-sexy].’

“Yeah, nakikinig naman ako sa kanila. Pero if I’m gonna do it, I wanna do it wholeheartedly. Yung walang regrets.

“So, sabi ko, for now, kung gagawin ko ‘yan, baka magsisisi pa ako…

“Feeling ko, maaga pa, e. Saka kaka-start ko pa lang sa showbiz, marami pa akong puwedeng gawin bago ako sumabak sa gano’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang iba pang mga plano ni Rocco bago siya sumabak sa sexy genre?

“Focus muna ako sa mga dramatic acting, play different kind of roles.

“And i-maintain itong image na ito… kasi raw they look up to me as a role model dahil nakapagtapos ako ng Nursing.

“It’s nice nga raw, sabi rin ng mga kabataan, na gusto nilang mag-showbiz pero aral raw muna daw sila.

“E, di mabuti, ganun ang influence ko sa kanila.”

PART OF THE JOB. May mga reaksiyon naman ang iba na nakapagsuot na ng bahag o G-string si Rocco sa sinu-shoot nitong movie na Lam-ang, bakit may mga restrictions pa rin siya sa tuluyang pagpapa-sexy?

Sabi niya tungkol dito, “Gusto ko biruin si Sir Ben [Chan] na i-patent na lang niya yung bahag, gumawa siya ng design ng Bench na inspired sa bahag.

"Why not, di ba?"

Paliwanag pa ni Rocco, “Well, it’s for a movie, its for the role. Saka it comes with the character, e.

“Saka iba siya, action movie na matagal ko nang pinapangarap tapos title role pa ako.

“Yun ang sacrifice na kailangan kong gawin.

“Yun, in-accept ko wholeheartedly, part of the job.

“Kailangang i-portray ko nang maayos yung traditions ng mga Ilocano na… medyo tinweak na para hindi gaanong ano [ka-skimpy]…

"Kasi may mga stunts kami sa ere, may mga tumbling-tumbling na hindi maiiwasan.”

ON STANDBY. Pansamantalang naka-standby muna raw ang buong production ng Lam-ang, pagbabalita ni Rocco.

“Ngayong August sana dapat ang pagre-resume ng shootings pero hindi kami makaalis dahil sa weather.

“We have to be safe lalo ngayon may balita nga na may bagyong darating,” paliwanag ni Rocco.

Gaano na ba katagal nahinto ang shooting ng pelikula niya?

“I think going two months,” sagot ng StarStruck alumnus.

“Pero may legitimate reasons naman na hindi ko na dapat i-disclose kasi it’s in the production na kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga inorder na galing ibang bansa. Alam ko dumating na, hindi pa lang kami makapag-shoot.

“Then, may mga problema sa ibang mga artists dahil yung iba, galing sa ibang network. Hindi magtugma yung mga schedules namin para matapos agad.

“Kasi may two legs pa kami, e. Yung kalaban ko ngayon sa second leg si Miguel Vasquez. He’s the AD [assistant director] and fight choreographer rin sa El Presidente.

“Marami siyang ginagawa. Busy rin siya. Pero we’re training din naman.”

Aminado naman si Rocco na naiinip siya sa paghihintay ng susunod niyang shooting schedule para sa pelikula.

“Pero wala, wala naman akong magagawa.

“Wala naman ako sa posisyon para magsabi na, ‘Halika, mag-shoot na tayo…’ Yun nga, maghihintay talaga.

“Ang importante lang, ituluy-tuloy lang ang training ko. Huwag kalimutan yung napag-aralan ko na i-keep yung determination ko.”

Hindi ba siya napu-frustrate at nadi-disappoint dahil nagkaroon na ng kaliwa’t kanang publicity ang Lam-ang bago at habang sinisimulan ito, tapos biglang nahinto ang shooting?

“Of course, kahit paano it gets to you din.

“Kasi first title role ko ito, tapos may ganito.

“Tapos hindi pa kami nagkakasundo ng weather… LQ kami ng weather ngayon!” biro niya.

“So, wala e, it happens.

“Nakaka-frustrate rin minsan, pero I’d like to take things in a lighter note na things will get better… blessing in disguise.

“Ayaw lang ni God na mag-shoot kami ngayon kasi magpapadala Siya ng ulan. After na lang daw.”

NEXT PRIMETIME SOAP. Habang naghihintay, may iba pa namang pinagkakaabalahan si Rocco, gaya ng Sunday musical-variety show na Party Pilipinas at mga out-of-town shows ng Kapuso network.

Balita ring isasama siya sa isang bagong primetime program ng GMA-7 na magsisimulang i-shoot ngayong September.

“Pero ipalalabas daw ito before the year ends daw. So, I’m happy to be part of this show kasi star-studded daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The last time I did primetime show… yung isa, pinaka-latest, The Good Daughter. But before that, yung Time of My Life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN