Mariel Rodriguez cancels birthday party as gesture of sympathy for flood victims

Nagdiwang ng kanyang 28th birthday ang TV host-actress na si Mariel Rodriguez noong August 10. Ngunit imbes na magkaroon ng magarbong selebrasyon ay pinili niyang tumulong sa mga nasalanta ng baha noong nakaraang linggo.


Kitang-kita kay Mariel Rodriguez na masaya siya sa kanyang buhay may-asawa.

Nakasama siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kanina, Agosto 15, sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City.

Dapat talaga ay post-birthday presscon ni Mariel ito, pero ginawa na lamang itong presscon para sa “web show” nila ng asawang si Robin Padilla na LOL: Love On Line.

Ito’y isang programa kung saan mapapanood ang ilang video ng kanilang travels abroad. Magkakaroon din ng pagkakataon ang fans na maka-chat ang mag-asawa.

Mapapanood ang unang “webisode” nito sa Linggo, Agosto 19.

THE TRUE MEANING OF HELPING. Noong August 10 ang 28th birthday ni Mariel.

Ngunit dahil nasalanta ng baha ang Metro Manila at ilang kalapit na probinsiya, ginugol ni Mariel ang kanyang “birthday week” sa pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Kasama ang mister niyang si Robin, pinakain nina Mariel ang kanilang mga kapitbahay na binaha.

Higit pa rito, pinatuloy muna nila ang mga ito sa gym ng kanilang bahay sa West Fairview, Quezon City.

Kaugnay ng pagkakawang-gawang ito, mayroon daw isang bagay na ipinaliwanag ni Robin kay Mariel tungkol sa totoong konsepto ng pagtulong.

Kuwento ni Mariel, "Kasi sa akin, parang, di ba, hindi naman talaga ako gano’n ka-open sa nangyari?

“Tapos for me, malaking tulong na ‘yon... akala ko malaking tulong na ‘yong nagagawa namin.

"’Tapos sabi ni Robin, ‘Hindi pa tayo nakakatulong. Wala pa tayong natutulungan.’

“‘What?! Napuyat na tayo’t lahat, hindi pa tayo nakakatulong?’

“’Tapos sabi niya, ‘Kasi itong ginagawa nating ito, makatao pa lang tayo. Ganito lang ang dapat gawin ng tao sa kapitbahay.

"’Kaya para makatulong, bakit napagawaan na ba natin sila ng bahay sa lugar na hindi sila nababaha? ‘Yon ang tulong,’ sabi niya.

“Wow, hindi pa tulong lahat-lahat ‘yon?

“So for me, ‘yong ginagawa namin, makatao pa lang ‘yon, hindi pa talaga siya tulong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO BIRTHDAY PARTY. Bukod sa pagtulong sa ilang nasalanta ng masamang panahon, pinili rin ni Mariel na huwag na magkaroon ng birthday party.

Siya nga raw ang humiling sa staff ng Wil Time Bigtime na huwag na siya bigyan ng birthday celebration.

Kuwento ng TV host sa PEP, “Ang totoo nito, hindi na namin talaga sinelebreyt, kasi parang nakakahiya.

“Kasi nagpapakain ka ng maraming cake, nagpapaano ka, ’tapos ‘yong mga tao binaha, wala silang gamit, nawalan.

"Parang hindi siya big deal na hindi ko na-celebrate, kasi parang…

“Kahit sa Wil Time, nagmakaawa ako sa kanila, ‘Please, kahit mag-blow na lang ako ng cake. Wala ng production number.’

“Kung katulad last year na bongga lahat, ’O sige, mag-party tayo!’ Kaso wala tayo sa state ng kasiyahan, e.”

MEANINGFUL CELEBRATION. Samantala, hindi lamang birthday month ni Mariel ang Agosto. Ipagdiriwang din nina Mariel at Robin ngayong buwan ang second wedding anniversary nila.

Matatandaan na noong Agosto 19, 2010, ay "ikinasal" sila sa Taj Mahal, sa India.

Inalam ng PEP ang plano nila sa kanilang second wedding anniversary.

Sabi ni Mariel, “mas makabuluhan” na ang selebrasyon nila ng araw na ito.

“Okay, number one, we’ll be showing the pilot episode of Love On Line.

“Another one, kasi mayroon kaming bagong advocacy ni Robin on awareness sa cervical cancer. So we’re going to give ten girls cervical cancer shots, so ‘yon ang pinaka…

“Kasi nga, kailangan ang love, dapat maintindihan ‘yon ng mag-asawa na if they really love each other, kailangan nilang pangalagaan ang isa’t isa.

“So, that’s how we’re going to celebrate it—mas makabuluhan na ngayon ang celebration namin.

“At saka starting tomorrow [Agosto 16] mag-a-absent na ako sa Wil Time hanggang next week, then we’ll continue shooting Kuratong Baleleng.”

Makakasama nina Robin at Mariel dito ang pamangkin ng action star na si Daniel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT ABOUT A BABY? Napag-usapan na rin lang ang kanilang anniversary, may plano na ba silang magka-baby?

Sandaling tumahimik si Mariel at saka sinabing, “Uhm, actually hindi pa po.

“Hindi pa po namin talaga siya iniisip. Okay lang naman siya, di ba?

“Hindi ko pa siya iniisip, parang di ko pa kaya, parang…’yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN