Canadian singer Nelly Furtado impressed with “waterproof spirit” of Filipinos; reveals that her daughter is "quarter-Filipina"

“I’m impressed, I just think that the Philippine spirit is just so strong, and I know today, you are now labeled as having a ‘waterproof spirit,’” Canadian singer-record producer Nelly Furtado said about Filipinos. Nelly will have a one-night concert with American rap rock band Gym Class Heroes at the Smart-Araneta Coliseum tomorrow night, August 16.


Nasa Pilipinas ngayon ang Canadian singer and record producer na si Nelly Furtado.

Magkakaroon ng one-night concert si Nelly at ang American rap-rock group na Gym Class Heroes sa Smart-Araneta Coliseum, bukas ng gabi, August 16.


WORLDWIDE HITS. Sumikat sa buong mundo si Nelly dahil sa kanyang 2001 hit song na “I’m Like A Bird.”

Ito ang nagbigay sa kanya ng una niyang Grammy Award trophy nung 2002 sa kategoryang Best Female Pop Vocal Performance.

Nakipag-collaborate din si Nelly sa iba pang kilalang international artists; tulad ng American rapper and producer na si Timbaland, American pop superstar na si Justin Timberlake, at Italian pop opera singer na si Andrea Bocelli.

Nung 2006, ini-release ni Nelly ang naging highest-selling album niya, ang Loose.

Bumenta ito ng more than 10 million copies worldwide at pinanggalingan ng international hit songs na “Promiscuous” at “Maneater.”

Ngayong 2012, nakatakdang i-release ang pang-apat at bago niyang album, na pinamagatang Spirit Indestructible.

Nauna nang nai-release digitally, o sa pamamagitan ng Internet, ang carrier single ng album na “Spirit Indestructible” at ang “Big Hoops (Bigger The Better).”


NERVOUS BUT IMPRESSED WITH PINOYS. Sa presscon na inihanda ng international recording company na MCA Music Inc. para sa kanya kaninang hapon, August 15, sa Edsa Shangri-La Hotel, sinabi ni Nelly na medyo kinakabahan siya sa kanyang concert sa Pilipinas.

Alam niya raw kasing magagaling kumanta ang mga Pinoy.

“They’re such good singers!” aniya tungkol sa mga Pilipino. “I’m feeling a little bit nervous about my show.”

Ipinahayag din ni Nelly ang paghanga niya sa katatagan ng mga Pilipino sa pinagdaanan nilang katatapos lang at nararanasan pa ring ulan at baha.

“I’m impressed, I just think that the Philippine spirit is just so strong, and I know today, you are now labeled as having a ‘waterproof spirit.’

“I’m humbled to be here. I’m just happy and grateful that I could still come and share my music,” sabi pa ni Nelly sa mga miyembro ng iba’t ibang media outfits sa Pilipinas, na isa-isang nagtanong sa presscon proper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FILIPINO CONNECTION. Inamin din ni Nelly sa presscon na may dugong-Pinoy ang anak niyang babae na si Nevis Chutan Furtado.

Naging usap-usapan kasi ito sa fan forums sa Internet dahil sa pagkakaroon ni Nelly ng concert sa Pilipinas.

“It’s true. My daughter’s grandmother is actually from the Philippines. So, she’s a quarter-Filipina.

“And I always say her most beautiful features come from the Philippines!” sabay tawa ni Nelly.

Anak ni Nelly si Nevis sa Filipino-Canadian boyfriend niyang si Jasper Gahunia.

Nagsama sila ni Jasper ng apat na taon matapos isilang si Nevis.

Nanatiling magkaibigan sina Nelly at Jasper bagamat magkahiwalay na sila. Magkahati pa sila sa responsibilidad nang pagpapalaki kay Nevis.


PROUD MOM. Proud na proud si Nelly sa kanyang anak na si Nevis, na aniya’y nagpapakita na rin ng interes sa music.

Tinanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mae-expect ba ng fans na malapit nang magkaroon ng “Nelly Furtado version 2.0.”

Natawa muna si Nelly bago sumagot, “That’s a good question! I don’t know, maybe. When she’s 18, maybe.”

Nai-share niya tuloy kung paano siya nagsimula sa musika nung bata pa siya.

“For me, personally, when I was, you know, 17 years old, I told my mom I wanted to go to Toronto, to the big city, to make it as a singer...

"She wasn’t that happy!” natawa si Nelly habang nagpa-flashback.

“But I came back a year later, back home. But then, I eventually went back to music.”

Hindi kasi naging maganda ang simula ng music career ni Nelly.

Nabuwag ang binuo niyang Toronto singing group, at umuwi siya sa kinalakihan niyang Victoria, British Columbia, pagkatapos ng pagkabigo niya.

Pero isang taon matapos ng kanyang pagkabigo ay may na-impress sa kanyang performance sa isang talent show.

In-offer-an siyang mag-record ng isang demo song, na siyang naging daan para mapansin na siya ng mas malalaking music executives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito’y nabigyan na nga siya ng record deal.

Ini-release nung 2000 ang una niyang album na Whoa, Nelly!, na pinanggalingan naman ng worldwide hit niyang “I’m Like A Bird.”

“So, I think when a child has a dream, you can’t really stop them from pursuing their dream.

“So, she wasn’t yet as passionate as I was.

“She just has a casual love for music right now. Just for fun, you know… violin, piano.

“She’s very musical, though,” bida pa ni Nelly tungkol sa kanyang nine-year-old daughter.


FILIPINO FOODS. Dahil sa pagkakaroon ng Filipino connection, nabanggit din ni Nelly na may mga paborito siyang Filipino food kapag uma-attend siya ng Filipino parties.

“I will have to say puto,” aniya tungkol sa paborito niyang Filipino food. “And lumpia… pansit!

“And those sweet things, like sweet bread of different things…” dagdag na banggit pa niya, pero hindi na maalala kung ano ang pangalan ng Filipino food na tinutukoy niya.


LEARNING TAGALOG. Kilala rin sa pagiging multi-lingual si Nelly.

Nung 2009, ini-release ang una niyang all-Spanish album na Mi Plan.

Dahil tubong-Portugal ang parents niya, marunong din siya ng Portugese. Nakapag-record na rin siya ng kanta sa wikang Italian.

Ngayong nasa Pilipinas siya, tinanong ng PEP kung balak din kaya niyang mag-aral ng salitang Tagalog o Filipino.

“I know very little Tagalog. I think it’s a beautiful language,” ani Nelly.

Hiningan ng PEP ng sample ng Tagalog ang Canadian singer.

“All I know is ‘Mabuhay.’ I don’t know what… Teach me another one,” hiling niya tuloy sa kasama sa stage na host-facilitator ng presscon.

Tinuruan naman siya ng host ng salitang puwede niyang sabihin sa mga manonood ng kanyang concert.

“Mahal ko kayo,” pag-ulit niya sa itinuro sa kanya ng host, na ikinapalakpak ng press na naroon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN