Part 2. Senator Tito Sotto denies plagiarizing; says he quoted an expert, not a blogger

“Ba’t ko naman iko-quote yung blogger? Blogger lang yun. Ang kinu-quote ko si Natasha Campbell McBride,” is Senator Tito Sotto’s reaction when told that he is accused of plagiarizing a blogger for his Senate speech against the RH Bill.


Naging panauhin sa ANC show na Headstart kaninang umaga, August 16, ang ngayo’y kontrobersiyal na mambabatas at Eat Bulaga! co-host na si Senator Vicente “Tito” Sotto III—o mas kilala bilang Tito Sotto o Tito Sen.

Kontrobersiyal sa kasalukuyan si Senator Sotto dahil sa posisyon nito laban sa pinagtatalunang Reproductive Health Bill, o mas kilala sa bansag na RH Bill.

Nilalayon ng panukalang batas na ito na magkaroon ng malawakang kampanya ang gobyerno at mga pribadong sektor para sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa epektibong pagkontrol ng pagbuo ng sanggol.

Sa kanyang “turno en contra” speech sa Senado nung Lunes, Agosto 13, ipinahayag ni Senator Sotto kung bakit siya lubos na kontra sa panukalang batas, na magkahiwalay na iniakda nina Albay Representative Edcel Lagman at Senator Miriam Defensor-Santiago.

Inihayag niya ang nakasasama diumanong epekto ng paggamit ng kontraseptong birth control pill o mas kilala sa maikling “pills.”

Ginawa pa niyang halimbawa ang naging malungkot na karanasan nila ng kanyang asawang si Helen Gamboa.

Naging maramdamin pa ang senador sa kanyang speech, nang ikuwento kung paanong namatayan sila ng anak, na dapat sana’y una nilang panganay na lalaki.

Namatay ang sanggol limang buwan matapos ito isilang dahil sa mahinang puso nito.

Naging usap-usapan ang kontrobersiyal at ma-emosyon na talumpating ito ni Senator Sotto dahil na rin sa pag-iyak nito habang nagtatalumpati.

Ngunit agad itong sinundan ng isa pang kontrobersiya—ang akusasyong “plagiarized,” o kinopya ng senador, ang parte ng kanyang speech mula sa isang blogger.

(CLICK HERE to read related story.)

SENATOR SOTTO ANSWERS. Sa panayam kay Senator Sotto ng host ng Headstart anchor na si Karen Davila kaninang umaga, sinagot ng senador, tuloy-tuloy at punto por punto, ang mga objections sa kanyang Senate speech.

Naisingit din ni Karen sa kanyang pagtatanong ang kontrobersiyang inilabas ng Filipino blogger na si Alfredo R. Melgar, tungkol sa diumano’y “plagiarism” ni Senator Sotto sa blog entry ng U.S.-based blogger na si “Sarah, The Healthy Home Economist.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sotto, “Natatawa ako nung marinig ko ’yan.

"Kasi yung blogger na sinasabi nila… hindi, ’wag na nating pag-usapan kung transitive verb o intransitive verb ’yan, kasi itong blogger na sinasabi nila, e, pareho kami ng pinagkunan, e.

“Ang pinagkunan namin, si Natasha Campbell-McBride.

"And in my speeches, even in my first speech and my second speech, I’ve always said, every now and then, isinisingit ko, ‘Hindi po ako nagdudunung-dunungan, ha. Hindi po galing sa akin ito. Messenger lang po ako. Inilalagay ko lang on record kung ano ang mga nakikita at nabasa namin, nakuha namin sa research about books, authors, writes, written editorials, columns…’ Sinasabi ko ‘yon, e.

“Ba’t ko naman iko-quote yung blogger? Blogger lang yun.

"Ang kinu-quote ko, si Natasha Campbell-McBride,” diin ng senador at co-host ng noontime show na Eat Bulaga!.

Si Dr. Natasha Campbell-McBride ay isang eksperto sa neurology at nutrition.

Siya ang nakadiskubre ng Guts and Psychology Syndrome—isang kundisyon na nagtuturo sa relasyon ng hindi tamang nutrisyon ng isang tao sa pagkakaroon ng “neurological and psychiatric conditions, such as autistic spectrum disorders, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD⁄ADD), schizophrenia, dyslexia, dyspraxia, depression, obsessive –compulsive disorder, bi-polar disorder and other neuro-psychological and psychiatric problems.”

(Source: “Guts and Psychology Syndrome (GAPS) – Natural Treatment of Autism, ADHD/ADD, Dyslexia, Dyspraxia, Depression, and Schizoprenia.")

Sinabi rin ng 63-year-old na senador na kapag gumagawa siya ng speech ay umuupo at nakikipagdiskusyon siya sa kanyang speechwriters upang mapag-usapan ang dapat niyang sabihin.

Binasa naman ni Karen ang bahagi ng speech ni Senator Tito na sinasabing eksaktong kopya ng nakalagay sa blog ni Sarah.

Giit ng senador, “Well, I find it from Natasha Campbell-McBride. And whether it is the exact wording of the blog or not, again, I always infuse in my speeches, every now and then, the fact that I say, ‘This is not from me.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano iniisip nila, inimbento ko ‘yan? Nagdunung-dunungan ako?

"Ano naman ang alam ko sa gut imbalance?” banggit pa ni Senator Sotto tungkol sa sakit na kilala rin sa tawag na "dysbiosis."

Ginugulo ng dysbiosis ang maayos na balanse ng “good” at “bad” bacteria sa sikmura ng tao, na siyang nagdudulot ng “over reactive immune system and the development of allergies manifesting as symptoms such as skin rashes and digestive problems and long term, can potentially contribute to the development of autoimmune conditions.”

(Source: “Health & Wellness Tips Part 3: Dysbiosis – Imbalance in the Gut” by Return2Health")

Dagdag at pasaring pa tuloy ni Senator Sotto: “Here they are, nauubusan pa ng mga sagot sa mga sinasabi ko, so they go, nag-ano, e…

“They attack me. They attack me kasi nauubusan sila ng sagot.

“Ang sinasabi ko, always, sagutin niyo yung mga issues, sagutin niyo ang sinabi ni Natasha McBride. Ok, di ba?

“Basta, as I said, hindi galing sa akin ito. Galing ito sa mga eksperto, mga siyentipiko… O, di ba?

"‘Yan ang sinasabi ko, I’m always… Kaya baka akala nila, nagdudunung-dunungan ako,” sabi ng senador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN