Court of Appeals dismisses Katrina Halili’s plea to indict Hayden Kho Jr. for violation of R.A. 9262

Muling nakalusot sa kasong violation of Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act si Hayden Kho Jr. Ito ay matapos i-affirm ng Court of Appeals ang desisyon ng Pasig RTC Branch 159 noong Enero 25, 2011, na i-dismiss ang kaso.


Sa ikalawang pagkakataon ay muling nalusutan ng dating cosmetic surgeon na si Hayden Kho Jr. ang posibilidad na makulong dahil sa kasong violation of Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act.

Ito ay matapos pagtibayin ng Court of Appeals Second Division ang ruling ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 noong January 25, 2011, na ibasura ang kasong isinampa ng aktres na si Katrina Halili laban kay Hayden.

Taong 2009 nang sampahan ni Katrina ng kaso si Hayden matapos kumalat sa Internet ang kanilang sex video.

Ayon sa eight-page decision na isinulat ni Associate Justice Manuel Barrios:

“It is our considered view that public respondent did not commit grave abuse of discretion in denying due course to the appeal.

“A petition for certiorari must show that the trial court committed an act in such a capricious, whimsical manner that the abuse of discretion becomes patent and gross as to amount to an evasion of a positive duty or a virtual refusal to perform a duty enjoined by law.”

Sinang-ayunan din nina Associate Justices Remedios Salazar-Fernando at Normandie Pizarro ang desisyong ito.

Ayon sa ulat ng GMA News online, iginiit ng Court of Appeals na hindi ang pagkakagawa ng sex video ang nagdulot ng “emotional and psychological distress” kay Katrina.

Inamin daw kasi ng aktres sa mga naganap na trial hearings na alam niyang kinukunan siya ng video.

Sa halip, ang pagka-upload at pagkalat ng video sa Internet ang maaari raw naging dahilan ng distress ng aktres.

Hindi naman napatunayan sa trial hearings na si Hayden ang may pakana ng pag-a-upload at pagkalat ng naturang video sa Internet, kaya sa huli ay naabsuwelto ang dating nobyo ni Dra. Vicki Belo.

REVOKED LICENSE. Samantala, nananatili pa ring "revoked" ang status ng license to practice medicine ni Hayden Kho.

Ito ay matapos pagtibayin ng Court of Appeals nitong Hulyo ang desisyon ng Professional Regulatory Commission (PRC) na nagsasabing guilty si Hayden ng “immorality, dishonorable, and unethical conduct.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa PRC, binalewala ni Hayden ang pagiging sagrado ng doctor-patient relationship niya kay Katrina, nang gawin nito ang sex video dalawang linggo matapos ang liposuction procedure na isinagawa niya sa aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN