Ejay Falcon on pursuing Empress: “Ayaw naming biglain. Tingnan natin kung darating tayo doon.”

Bahagi ng napanalunan noon ni Ejay Falcon bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition ang isang condo unit mula sa kontrobersiyal na developer na Globe Asiatique. Ayon sa young actor, hanggang ngayon ay wala pa ang titulo ng kanyang condo unit. Sabi niya: “Hindi ko naman po puwedeng ibenta dahil wala naman po sa akin ang title. Sana maayos pa. Kung hindi na po, wala, ganoon talaga. At saka, ano naman sa akin yun, premyo ng PBB.


Marami ang nagulat sa bagong look ni Ejay Falcon nang humarap siya sa press conference ng pelikulang Amorosa noong Miyerkules, August 15.

Mahaba at may pagka-kulot ang buhok nito ngayon.

May paliwanag naman si Ejay sa bago niyang hitsura.

Aniya, “Dati kasi, hindi ako makapagpagupit, may ginagawa akong action movie. Maindie rin pero action."

Ang "maindie" ay pinaghalong mainstream at independent film.

Patuloy ni Ejay, “Bagong producer—Cinema Production. Lahat ng mga action genre sa ABS-CBN, sa kanila naman yun, at directed by Toto Natividad.

“Ang working title naman, Saka-Saka. Parang may pagka-assassin ang kuwento.

“Tapos po, nag-shoot ako doon at nag-shoot din ako rito sa Amorosa.

“Noong makita nila yung mga pictures ko, ayaw nilang pagupitan dahil gusto nila mahaba ang buhok sa bagong teleserye ko.

“Remake din siya ng Viva movie, yung Dugong Buhay.”

Ang Dugong Buhay (1983) ay ang unang pelikula ni Senator Bong Revilla.


PURSUING EMPRESS? Nali-link ngayon si Ejay kay Empress, na naging kapareha niya sa ABS-CBN afternoon soap na Mundo Man Ay Magunaw.


Ano nga ba ang estado ng relasyon nila?

“Sabi po niya, may gusto siya sa akin,” biro ni Ejay.

“Pero hindi, siguro ano, palagi kasi kaming magkasama niyan.

“Kailan lang nag-movie kami. So, nakikita siguro ng tao na ’Bakit ganoon?’”

Nanliligaw o niligawan ba niya si Empress?

“Hindi, masyado pang maaga para gawin namin ang ligawan. Kailangan talagang puspusang makilala ko siya.

“Ayaw naming biglain. Tingnan natin kung darating tayo doon.”

Nang huling makausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empress, sinabi nito na maraming gustong umakyat ng ligaw sa kanya pero tila takot ang mga ito sa nanay niya.

Ganun din ba si Ejay?

“Hindi, hindi po… nakakausap ko. Minsan nga, hinahatid ko sa bahay ‘yan… okay lang sa kanya,” sabi niya.

Baka naman may iba siyang nilliligawan?

“Wala po, wala po,” mabilis niyang tanggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Type ba niya si Empress?

“Paano ba ‘to?” napaisip niyang sabi. “Mabait naman siya. Sobrang bait niya.

“Hindi ko lang talaga siguro dapat madaliin ang mga sitwasyon.”


CONDO PRIZE. Nang manalo si Ejay bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother Season 2 noong 2008, bahagi ng premyong napanalunan niya ang isang condo unit mula sa Globe Asiatique.

Ang Globe Asiatique ay ang realty company na pagmamay-ari ni Delfin Lee, ama ng socialite na si Divine Lee.

Nahaharap ngayon sa kasong syndicated estafa si Lee at iba pang opisyales ng kumpanya.

Naitanong kay Ejay kung kumusta na ang napanalunan niyang condo unit.

Dito napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na wala pa palang titulo ang condo unit niya.

Ani Ejay, “Yung sa akin, actually, mula noong umpisa pa lang, hindi pa naman naibibigay sa akin ang title.

“So, hindi ko po alam.

"Tumira lang po ako ng one month dati, tapos lumipat po ako.

“Nagri-rent po ako ngayon. Malayo po kasi yung condo.

“Hindi ko naman po puwedeng ibenta dahil wala naman po sa akin ang title.”

Ang kanyang ina raw ang nag-aayos ng papeles tungkol sa napanalunang bahay.

“Ang sabi po, ibibigay na, hintay lang. Medyo matagal din po kaming naghintay, pero hanggang ngayon, wala pa," sabi ng young actor.

Nag-aalala ba siya ngayong may naglalabasang isyu tungkol sa mga may-ari ng Globe Asiatique?

“Sana maayos pa. Kung hindi na po… wala, ganoon talaga.

"At saka, ano naman sa akin yun, premyo ng PBB. Hindi lang naman po yun ang nakuha ko noong pumasok ako ng PBB.

“Marami rin naman pong ibinigay sa akin na nangyari sa buhay ko after ng PBB.

“Kumbaga, isa lang yun. Kung mawawala man sa akin, sana huwag naman.

“Sana maayos din. Kasi, investment pa rin yun para sa akin.

“Condo ko pa rin yun… pag-aari ko pa rin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, sana maayos.”

Nagrerenta muna raw si Ejay ng bahay sa Maynila dahil inuna niyang magpagawa ng bahay sa Oriental Mindoro.

“Kakapatayo ko pa lang sa probinsiya, e. Nandoon ang family ko po sa Mindoro... so sila muna," sabi ng 22-year-old Kapamilya actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN